Chasing You - Speacial Chapter

1242 Words
Meadow's POV: "Wag ka sana magalit." Sumeryoso ang mukha nya kaya medyo kinabahan ako. "Naalala mo nong una tayong magkakilala?" "Yeah. Nong sinalo mo ako bago pa ako bumagsak sa semento. Kaya nga nahulog ang loob ko sayo dahil iniligtas mo ako hindi lang mula sa kahihiyan kundi pati na din sa sakit na mararamdaman ko sana." Ang mga asul nyang mga mata ang palatandaan ko kaya kahit hindi ko nakita ang buong mukha noon ni Walter ay naalala ko naman ang mga mata nya na parang hinihigop ako. Nakatitig lang sa akin si Walter kaya naman nagtaka ako. "Bakit?" Umiling ito. "Una tayong nagkita nong hinahabol ka nila Cassandra sa abandonadong building. Doon tayo unang nagkakilala." Nagkasalubong ang mga kilay ko. "Oo nga. Doon tayo una nagkakilala pero hindi tayo don unang nagkita." "Mali. Doon tayo unang nagkakilala at nagkita." Bigla ay nagulohan ako sa mga pinagsasabi nya. "Ano bang pinagsasabi mo Walter? Doon tayo sa hallway una nagkita. Nong muntik na akong matumaba. Sinalo mo ako..." "Hindi ako yon." Bigla akong natigilan sa sinabi nya. "I'm sorry Meadow kung nagsinungaling ako sayo. Hindi ako ang lalaking nagligtas sayo." "A-anong ibig mong sabihin?" "Nandon ako pero hindi ako ang nagligtas sayo..." "Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit ngayon mo lang to sinabi sa akin?" Bigla ay nakaramdam ako ng galit sa kanya na ngayon ko lang naramdaman. Sa ginawa nya ay ginawa nya akong tanga at pinaniwala na sya ang nagligtas sa akin. "Dahil natatakot ako na baka kapag nalaman mo na hindi ako yon ay hindi mo ako papansinin. Matagal na kitang kilala Meads. Nasa Italy palang kayo ng una kitang makita, nang malaman ko na pupunta kayo ng America ay naging masaya ako dahil nakikiayon ang tadhana sa atin dahil don din kami papunta. Nang makita kita at inakala mo na ako ang nagligtas sayo ay hindi na ako nagdalawang-isip na magsinungaling." Nalulungkot nitong sabi. Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang sarili. Kahit naman kasi magalit ako ay wala ng magbabago dahil nangyari na ang nangyari. Nagpapasalamat na din ako sa kanya dahil sinabi nya sa akin ang totoo. Isa din yon sa mga rason kung bakit hindi ko sya mabitaw-bitawan dahil sa inaakala kong sya nga ang nagligtas sa akin. Tama nga naman si Walter. Kung nalaman ko na hindi nga sya ang lalaking yon ay baka hindi ko nga sya pinansin. "Kung nandon ka, kilala mo na kung sino?" Nanlumo ako ng umiling sya. "Hindi pero may kutob ako kung sino." "Sino?' Nanlaki ang mga mata ko sa binigkas nyang pangalan. Talaga namang mapaglaro ang tadhana. *** Five years ago... Sebastian's POV: Nandito ako sa school na pagmamay-ari ng lolo ko kung saan dito sana ako pag-aaralin ng daddy ko but I refuse. Why? It's simple, because all of my friend are in the Philippines. Ano namang gagawin ko dito kung nandon ang mga kaibigan ko. Kahit mga gago yon at panay kalokohan ang ginagawa sa buhay ay mabuti naman yon at siguradong hindi ka iiwan sa ere. Sa hirap at ginhawa ay nandyan sila para damayan ka. Naglalakad na ako papunta sa office ng lolo ko. My grandfather was the owner of this school kaya hindi mahirap sa akin ang makapasok dito. Pero gaya ng sabi ko kanina, ayoko. Nang makapasok ay nakita ko agad ang lolo ko na nagmana sa kagwapohan ko na nakaupo sa swiveling chair nya at may binabasang papeles. "Old man." Tawag ko sa kanya dahilan para makuha ko ang atensyon nya. Kita ko sa mukha ng lolo ko na masaya syang makita ako. As always. Kahit old man ang tawag ko minsan sa kanya ay hindi naman sya nagagalit bagkus ay tumatawa lang sya. Ganyan kami ka close, mas close pa nga kami kaysa sa daddy ko. "My grandson. How are you? You really gain height. Malapit muna akong maabotan ah." Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Hindi naman halata sa kanya na miss nya ako ah. "Still handsome as always like you." Tumawa ito sa sinabi ko. "Of course, of course. Saan ka pa ba magmamana kundi sa akin hahahaha." Saka sabay kaming natawa. Bumalik na sya sa upuan nya at ako naman ay umupo sa visitor chair. "So what's up man?" Kung maka-man ako, kala mo kaedad ko lang ang kausap ko. "Are you really sure na hindi ka dito mag-aaral? I'll be happy apo if you study here." Kinuha ko ang ballpen na nasa mesa nya at nilaro-laro ito. "No lo. Sinabi ko na sa inyo na sa Pinas ako mag-aaral, isa pa nandon ang mga kaibigan ko. Dadalawin ko naman kayo dito twing bakasyon." Napabuntong-hininga ito. Alam din kasi nila lolo ang ugali ko na kapag ayaw ko ay hindi na nila ako mapipilit pa. Twing bakasyon ay nandito ako para dalawin ang lolo ko pero ngayon ay dumaan lang talaga ako dito para makita sya. Masyado kasi silang busy ni lolo kaya hindi sila nakakauwi ng Pinas. My grandfather was a pure american while my grandma was a pure pinay. Natuto lang naman si lolo sa pagta-tagalog dahil kay lola, may pagka-slang nga lang pero okay naman. Sya din naman ang dahilan kaya mas lalo akong gwapo. My blue eyes like a deep blue sea. Sa kanya ko namana ang mga mata ko. "Hays." Napabuntong-hininga ito. "Wala na talaga akong magagawa kung ganon. I'm gonna miss you young man." Napangiti ako sa sinabi ni lolo kaya tumayo ako at niyakap sya ng mahigpit. Ma-miss ko din sya at si lola na maalaga. Matapos naming mag-usap ay nagpaalam na ako sa kanya. Babalik na kasi ako ng Pinas ngayon. Hindi din naman nya ako mahahatid dahil busy sya at naiintindihan ko naman din sila. Habang naglalakad ay may bumabati din sa aking mga babae at binabati ko din naman sila pabalik. Napataas ako ng kilay ng makita ang mga nagkukumpolan na mga babae. Kahit hindi ko alamin kung anong meron don ay alam ko na. May mga gwapo. Ganyan din naman kasi kami sa Pilipinas, pinagkakagulohan kami ng mga kaibigan ko. Ha! Pero sigurado naman ako na mas gwapo pa kami dyan sa pinagkakagulohan nya. Hindi ko na pinansin ang mga nagkukumpolan at nagtitilian na mga babae at nagpatuloy lang sa paglalakad. "What the..." Nagulat ako ng bigla akong tinulak para mapasiksik sa mga nagkukumpolan at mapunta sa gitna. Anakng... Napabaling naman ako sa may kaliwa ng may babae na tinulak. Mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan ko sya at sinalo. Mabuti nalang at mabilis ako kundi baka bumagsak na sya sa malamig na semento. Napatulala ako dahil sa ganda nya at napangiti ng makitang nakapikit sya, takot na bumagsak sa semento. Ang cute nya tuloy. Napatingin ako sa mapupula nyang labi na halatang walang lipsticks. Agad na nagmulat ang mata nito at nagtagpo ang mga mata namin. "Are you okay miss?" Akala ko ay sasagot sya pero bigla syang umayos ng tayo saka walang lingon-lingong tumakbo papalayo. "Miss." Tawag ko pa sa kanya pero hindi na talaga sya lumingon. Hahabulin ko na sana sya para itanong ang pangalan nya ng may humawak sa braso ko. "Saan ka pa ba pupunta? Mala-late na tayo sa flight natin." Nakakunot-noo na tanong ni Grayson. Napatingin ulit ako sa daan kung saan tumakbo ang babae pero hindi ko na sya nakita pa. Napailing nalang ako. Kaya siguro hindi ko namalan ang pangalan nya kasi hindi mean to be. "Wala. Tara na." Nauna na akong maglakad sa kanya. Sumunod naman sya at inakbayan ako. "Baka naman nambabae ka na dito." "Gago. Wala no. Tara na nga, haka ma-late pa tayo sa flight. Kasalanan mo talaga." "Anak ka ng ina mo, ako pa talaga ang dahilan ah. Ikaw nga tong may babaeng hahabulin pa sana." Natawa nalang ako sa sinabi nya. - FIN

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD