Meadow's POV:
"Saan mo ba kasi ako dadalhin Sebastian?" Tanong ko dahil kanina pa ako nagtatanong kung saan kami pupunta pero hindi nya naman ako sinasagot.
Tanging secret at tango lang ang palagi nyang sinasagot. Napanguso ako ng ngumiti na naman sya. Wala talaga syang balak na sagutin ako.
"I never thought that was my full name would be such a beautiful name when it cames out from your lovely lips."
Namula ako sa pinagsasabi nito at doon ko lang na realize na ako lang pala ang tumatawag sa kanya ng Sebastian. Lahat kasi ng kaibigan nito o sa mga taong nakakilala dito ay Seb ang tawag nila dito. Tumawa ito dahilan para mapalingon ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin.
"Malapit na tayo. I didn't know that you were that hot."
"What?" Hinampas ko sya sa braso pero napaaray din dahil ang tigas pala ng braso nya. Napalabi ako. Ano pa kaya ang sa bandang tyan nya. Ilan kayang abs ang meron sya? Napailing-iling nalang ako sa mga naiisip ko. "Ang manyak mo."
Napanguso at tumingin ako sa bintana. Mukhang ako yata ang manyak sa aming dalawa eh, ako itong nag-iisip ng kung anu-ano tungkol sa abs nya tapos ako pa tong nagsabi sa kanya ng manyak. Tumawa na naman si Sebastian.
"Manyak agad? Ang ibig ko lang namang sabihin, hindi ko alam na mainipin ka pala." Mas namula ako ng mas tumawa pa ito. "Ikaw ha. May iba kang iniisip."
"Just shut up Sebastian." Galit kunwari kong sabi.
Nahihiya na nga ako sa mga naiisip ko tungkol dito, ipagpipilitan pa nya. Paano nalang kung malaman nito ang iniisip ko. Aish! Bakit ba kasi pumasok sa isip ko ang abs nya. Tss.
"Biro lang. Wag ka ng magalit." Paglalambing nito.
"Ewan ko sayo." Napanguso nalang sya. Napalingon ako kay Sebastian ng ihinto nito ang sasakyan.
"Nandito na tayo." Nakangiti nitong sabi saka bumaba. Di naglaon ay binuksan nito ang pinto at saka sya inalalayan pababa ng sasakyan. "Salamat."
Ngumiti lang ito. Napatingin sya sa isang color pink store na may pangalang SMILE Store. Sa ilalim ng pangalan nito ay may signature na, Things that can make you SMILE. Napakunot ako sa pangalan ng store. Ang haba na nga ng pangalan, ang weird pa.
"Anong store yan? Bakit mo 'ko dinala dito?" Takang tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot saka ako hinila papasok don.
Tumunog ang bell ng buksan ni Sebastian ang pinto ng store at namangha pagkapasok namin saka napangiti. Ngayon, alam ko na kung bakit ganon ang pangalan ng store at sigurado talaga ako na mapapangiti ka.
Sa loob ng store ay maraming mga bagay na makapagpangiti sa isang babae. Maraming teddy bear o stuff toy na iba't-ibang size at color. May key chain, may mga ballpen na iba't-iba ang design. Basta marami ka talagang makikitang cute na mga gamit.
"Kaya pala ganon ang pangalan ng store na to..." Napatingin ako kay Sebastian. "Kasi nakakapagpangiti talaga ng tao." Mas ngumiti ako sa kanya.
"Paano mo nalaman ang lugar na to?" Lumapit ako sa hindi kaliitang stuff toy na panda. Ang cute nya. "Wala sa mukha ng isang playboy ang magdala ng mga babae sa lugar na to."
Kinuha ko naman ang isang pink teddy bear na may hawak na tulip sa kamay. Ang ganda. Nakapagtataka na tulip ang hawak ng teddy bear at hindi rosas. Yon kasi ang nakasanayan kong nakikita sa mga stuff toy, pero kakaiba ang teddy bear na to. Para bang ginawa ito para sa akin.
Napatingin ako kay Sebastian ng kunin nya ito saka tinitigan. Tumingin ulit ito sa akin ng may seryosong mukha.
"Tama ka nga. Hindi ako yong tipo ng lalaki na magdadala ng babae sa ganitong lugar." Mas lumapit ito sa akin kaya naman kumabog bigla ang dibdib ko. "Pero iba ka Meadow." Inilagay nito ang buhok ko sa likod ng tenga ko. "Iba ka sa mga babaeng nakilala ko. Alam mo bang ikaw ang unang babaeng niligawan ko?"
"Bakit?"
"Isa na namang sekretong malupit." Ngumiti lang ito kaya napangiwi nalang ako. Puno talaga ng sekreto ang lalaking to. "Gusto mo ba to?" Ang tinutukoy nito ay ang hawak na nitong stuff toy. Napatango sya. "Okay. I'll buy it for you." Hindi ako nakapagsalita at nakatutok lang ako sa kanya. "Baka may gusto ka pang bilhin, ako na ang magbabayad. May titingnan lang ako don." Turo nya sa kabilang side.
Tumango lang ako. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nakaalis na si Sebastian sa harap ko. Pwew! Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ba palagi nalang kumakabog ang puso ko kapag nakikita ko sya o malapit sya sa akin. Gusto ko na ba talaga sya? Pero ang bilis naman.
"Walang pinipiling oras o lugar ang pag-ibig Mof. Kahit na sandali lang kayo nagkilala ay wala kang magagawa kung mahal mo na sya. Kaya nga may love at first sight eh."
Naalala kong sabi sa akin noon ni Cresent nang ipagdiin nyang nagkakagusto na daw ako kay Sebastian pero palagi kong sinasabi sa kanya na hindi at imposible dahil kamakailan lang ng magkakilala kami.
Isa pa... Pumikit ako at inisip si Walter. Nandon parin ang pagmamahal ko para sa kanya kaya imposible na mahal ko na agad si Sebastian.
"It takes time to love again. Pero wag mong pigilan ang sarili mong magmahal at sumaya ulit. Lalo namang wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan."
Napabuntong hininga ako. It takes time to love again. Napatingin ako sa dinaanan kanina ni Sebastian. I hope he can wait longer.
***
Pagkatapos namin sa store ay dinala nya ako sa park. Naglapag ng blanket saka inilapag ang pagkain na tinake-out namin kanina sa isang fast food chain bago pumunta ng park.
"Meadow?"
"Hmm?" Napalingon ako sa kanya at nakitang seryoso na naman sya.
"Do you like me?" Muntik na ako mabilaukan sa naging tanong nya saka napaiwas ng tingin.
"B-bakit mo naman natanong yan in out of the blue?" Hindi ko maiwasan na mautal dahil kinakabahan na naman ako.
Ayokong sabihin sa kanyang hindi dahil magsisinungaling lang ako sa sarili ko kapag yon ang sinagot ko. Gusto ko din syang sabihin na oo pero gusto ko kapag sinabi ko yon ay gusto o mahal ko na talaga sya. Yong tipong wala na akong nararamdaman para kay Walter.
"Wala lang. Gusto ko lang malaman." Humiga ito at inunan ang sariling kamay saka pumukit. "Gusto ko lang malaman kung may pag-asa ba ako sayo."
Napalunok ako. Ano bang dapat kung isagot sa kanya? Oo gusto ko na sya pero hindi pa sapat para palitan si Walter sa puso ko. Hindi ko pa alam kung kaya ko na bang magmahal ulit.
Masaya naman ako kapag kasama ko sya. Napapasaya nya ako, pero sapat na ba yon? Kahit anong gawin ko ay nandon parin ang takot kong masaktan muli pero hindi ko sya kayang layuan. Hindi ko kayang isipin na lalayo sya sa akin.
Napatitig ako sa kulay itim nyang mga mata ng magmulat ito at diretsong nakatitig sa akin.
"Meron ba?"
Bumuka ang bibig ko pero walang salita ang lumalabas mula dito kaya napatikom ulit ako. Ano nga bang dapat kong sabihin? Napabuntong hininga ako.
"Hindi ko alam." Natahimik si Sebastian at nakita ko kung paano dumaloy ang sakit sa mga mata nya pero sandali lang. "Hindi ko alam kung handa na ba talaga akong magmahal."
Huminga ako ng malalim. Napagdesisyonan ko na sabihin sa kanya ang totoo.
"5 years ago, when we live in the states may nakilala akong isang lalaki. Walter Smith was his name. He was my first boyfriend. We was happy back then. Wala naman kaming problema, ni isang beses hindi kami nag-away. Pinapasaya nya ako palagi, mabait sya and that was made me fall in love with him even more."
Napangiti ako ng maalala ang mga masasaya naming alaala noon na gusto kong balikan, pero unti-unti ay namumuo din ang mga luha sa mga mata ko. Huminga ulit ako ng malalim para mas makapagkwento ako ng mabuti.
"Nangako sya sa akin na ako lang ang mamahalin nya. Na hindi nya ako iiwan. That we will grow old together. But one day, lahat ng pangako nya ay bigla nalang nawala na parang bula, bigla nalang nyang kinalimutan, bigla nalang syang nakipaghiwalay sa akin. Nang tinanong ko sya kung bakit..." Agad kong pinunasan ang luhang tumakas mula sa mga mata ko. "He had someone else. I... I never thought that he can find someone else. Pumasok nalang sa isip ko na baka, baka hindi ako enough. Baka... Baka..."
Tuloyan na akong napahikbi ng yakapin ako ni Sebastian. Hinaplos-haplos nito ang buhok ko saka ito hinalikan.
"Hush... You don't have to continue telling me your past. Don't cry. I'm here. Hush now."
Napayakap ako pabalik sa kanya at sa bisig nya ay doon ako umiyak. Iyak lang ako ng iyak habang sya naman ay hinaplos-haplos ang likod ko at pinapatahan.
Ilang minuto din akong umiyak. Nasasaktan na naman ako sa nangyari sa amin ni Walter, sa break up namin noon na matagal na, pero nasasaktan parin ako hanggang ngayon. Hindi matanggap ang nangyari sa amin, pero may parte din sa akin na nakahinga ng maluwag dahil para bang ilang taon ko din kinimkim ang sakit na to. Kaya ngayon ay hindi ko mapigilan ang pagluha ko.
Nakakahiya man kay Sebastian pero hinayaan ko ang sarili ko na umiyak. Mukhang kailangan ko din ito dahil makakahinga ako ng maluwag kapag nailabas ko ang sakit na to. Hindi ko kasi pinapakita kay Cresent sa twing nasasaktan ako dahil nasasaktan din ito. Tama na ang ilang taon nitong pag-aalala.
Nang kumalma ako ay humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kanya. Binigyan nya ako ng panyo, kinuha ko naman ito saka pinunasan ang mukha ko.
"Hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako kahit na matagal ng nangyari yon." Patuloy ko sa pagkukwento. Huminga ako ng malalim. "Simula ng masaktan ako dahil sa kanya ay natatakot na akong magmahal ulit. Natatakot na akong masaktan ulit. H-hindi ko din sinubukan ang magmahal ulit."
"Mahal mo pa ba sya?" Napalabi ako bago tumango. Ayoko man syang saktan pero mas masasaktan lang sya kapag nagsinungaling ako. "Okay." Napatingin ako sa kanya at tumulo na naman ang luha ko ng makita ang sakit sa mga mata nya. "Hindi kita pipilitin na kalimutan sya dahil kahit anong gawin ko o gawin mo ay hindi mo talaga sya makakalimutan." Pinunasan nya ang mga luhang tumutulo gamit ang kamay nya. "Dahil bahagi na sila ng nakaraan mo. Nangyari na. Mahal kita Meadow, matagal na." Nagtaka ako sa sinabi nyang matagal na. Gaano katagal? Eh ilang linggo pa lang naman silang nagkakilala. "Ikaw lang ang babae na minahal ko ng ganito. Aaminin ko, nasasaktan ako sa mga sinabi mo ngayon pero dahil sa mahal kita ay kaya kong tiisin. Ang gusto ko lang itanong."
Tinitigan ako ng mabuti sa mga mata nito. Nandon na naman ang familiarity feeling sa twing tumititig ako sa mga mata nya dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko.
"Are you willing to give me a chance? To loved you. To heal your broken heart. To make you happy. Hindi ako mangangako gaya nya na hindi ka sasaktan, pero kaya kong tuparin ang pangako nyang hindi natupad. Hinding-hindii kita iiwan Meadow. Because your like an oxygen to me, I can't live without you." Napapikit ako ng halikan nya ako sa noo. "I'll never let you go again Meadow. Never."
Again? Bakit again? Gusto nyang magtanong pero parang wala syang lakas na magsalita. Para bang naubos ang lahat ng lakas nya sa pagkukwento kanina.
"Do you wanna try?" Napatitig ako sa kanya. Kitang-kita ko ang kaseryosohan nito at senseridad. Tumango ako bilang sagot, kaya naman masaya nya akong niyakap. "Thank you Meadow. You'll never gonna regret it."
Niyakap ko din sya pabalik saka napapikit. I hope so
It takes time to love again and I hope you can wait for that time Sebastian.
Gusto kong mahalin ka ng buong puso. Gusto kong sumaya pero gusto ko ngayon ikaw naman ang kasama ko.