Pamilyar sa kanya ang tinig ng lalaki ngunit di parin niya matukoy kung sino iyon. "Yes, sino to?" Tanong naman n'ya rito. Saglit naman itong natahimik sa kabilang linya ngunit pagkuwa'y sumagot din ito sa kanya. "Si Sierge ito, Mika. Hindi mo na ba kilala ang boses ko sa phone?" Pakilala at tanong pa nito sa kanya. Sabi na nga ba niya, kaya pala pamilyar sa kanya ang boses nito dahil si Sierge nga pala ang kanyang kausap at biglang tumawag na lang sa kanya ngayon. " S-Sierge? bakit ka napatawag? at saan mo ba nakuha ang number ko?" Nagtatakang tanong naman n'ya rito. " Sa phone ng anak mo. Pasensya ka na, Mika. Gusto lang kasi akong magpasalamat kanina sa mabuting pakikitungo mo sa akin at sa.. sa girl friend ko. Ang buong akala ko kasi ay hindi mo ako kakausapin, but na sorp

