Inutusan naman ni Madam Camela ang isa nilang katulong na puntahan sa library room ang mga anak ni Mikaella upang palabasin ang mga ito. Hindi muna ipasasabing nandito ang kanilang ina na buhay ang Ina nila.
Nagtataka man ang dalawang apo ni madam Camela ay sumunod na rin ang mga ito sa katulong dahil ipinatawag sila ng kanilang Lola Camela.
Habang naghihintay si Mikaella sa paglabas ng kanyang mga anak ay nakita niyang naghanda at nagluto agad ang mga katulong sa mansion dahil tinawagan naman agad ni Madam Camela ang mga lalaking anak na sina Mico at Greggy at inimbita ang mga ito ng isang masarap na hapunan ngayon. Hindi din sinabi ng inang si Camela sa mga nakakatandang kapatid ni Mikaella na narito siya ngayon at nagbalik bilang surpresa nalang din sa mga anak na lalaki.
Habang nakaupo sila Mikaella ng kanyang ina ay bigla namang dumating ang isang dalagita at binatilyo sa Lobby na kanilang kinaroroonan. Nagtataka man ang mga itong nakatingin sa kanya ay ngumiti naman ang mga ito ng kunti sa kanya. Kitang-kita niya ang kabaitan sa mukha ng dalawang ito. Biglang sumikip muli ang dibdib ni Mikaella dahil alam niyang ito ang kanyang mga anak na sina Shen at Sendrick. Ang laki na ng mga ito samantalang nang maiwan niya ang mga ito ay One year old palang ang lalaki niyang anak. Sobrang guwapo at ang ganda ng kanyang mga anak.
"Lola, bakit po? magandang hapon po" Tanong ni Shen sa Lola at magalang na bati din nito sa kanya. Ganoon din si Sendrick. Binati din siya ng lalaking anak ng magandang hapon. Sobrang bait ng mga ito.
Hindi napigilan ni Mikaella ang sariling umiyak dahil sa sikip ng kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Nagtataka naman ang dalawang batang nakatingin sa kanya dahil sa bigla niyang pag-iiyak.
"Shen, Sendrick, Siya ang Mommy niyo. Buhay siya at bumalik siya ngayon." Garalgal na rin ang boses na wika ni Madam Camela sa dalawang apo.
Nabigla ang dalawang bata na muling nakatingin sa kanya.
"Shen, anak. Sendrick.. ako ito, ako ang Mommy niyo. Nandito na ako mga anak. Sorry na ngayon pa nagbalik si Mommy.." Wika ni Mikaella habang umiiyak sa harap ng mga anak.
"K-kayo po si Mommy? ang n-nawawalang Ina namin?" Hikbing wika ni Shen.
"T-totoo po ba, ikaw po ang Mommy namin? totoo po ba , Lola? siya si Mommy Mikaella?" Umiyak agad na tanong ni Sendrick.
" Yes mga apo buhay ang mommy niyo, nandito na siya. Bumabalik na siya sa atin. " Napatangong tugon ni Madam Camela sa mga apo.
" Sobrang namimiss kayo ni Mommy.. mahal na mahal kayo ni Mommy.." Hagulhol na iyak ni Mikaella.
Sabay na lumapit at yumakap sa kanya ang kanyang mga anak.
"Thank you Lord, buhay ka po, Mommy." Iyak na iyak na sambit ni Shen.
At ganoon din ang kanyang bunsong anak na si Sendrick. Mahigpit ang mga itong yumakap sa kanya. Muli na namang nakipag-iyakan si Mikaella sa kanyang mga anak habang mahigpit silang nagyakapan.
"The Lord answered my prayers that you would still be alive, Mommy, at balang araw ay babalik ka rin sa amin." Ang sabi pa ni Sendrick sa kanya kaya mas lalo pa siyang naiyak.
Nakita ni Mikaella ang sobrang tuwa sa hitsura ng kanyang mga anak ng mga sandaling iyon. Pagkatapos nilang nag iyakan sa kanyang mga anak ay sinamahan pa siya ng mga ito sa dati niyang kuwarto sa mansion noong dalaga pa siya. Mabilis palang nilinis iyon ng mga katulong kaya pagpasok nila sa kanyang mga anak ay malinis at maayos na iyon. Habang nagluluto pa ang mga katulong ay naligo muna si Mikaella sa banyo ng kanyang kuwarto habang ang dalawang anak niya ay nasa kama lang at masayang nagkakuwentohan . Halatang masayang-masaya ang mga anak sa kanyang pagbabalik. Parang di makapaniwala ang kanyang mga anak na ngayong araw na 'to ay nakita siya ng mga ito.
Pagkatapos niyang naligo ay pumili siya sa kanyang mga damit sa closet. Naroon pa ang kanyang mga dating damit sa closet noong dalaga pa siya kaya walang problema sa kanyang susuotin. Pero kailangan niya paring mag shopping para sa kanyang sarili. Marami siyang bibilhin para sa sarili.
Muli siyang lumabas mula sa banyo nang siya'y makapagbihis na. Natigil naman ang masayang kuwentohan ng kanyang mga Anak.
" Mommy, alam niyo na po ba na may asawa na po si Daddy? hindi ka kasi nagtanong tungkol kay Daddy at kung bakit nandito kami ngayon sa Mansion ni Lola Camela." Tanong pa ng kanyang anak na si Shen.
Natigilan pa siya sa tanong ng kanyang anak at tiningnan ito.
"Alam ko na ang lahat anak, bago ako nagpunta dito ay pinuntahan ko ang bahay natin kaya nalaman ko na may asawa na pala ang Daddy niyo. Wala na akong magagawa pa mga anak, kundi hayaan nalang ang Daddy niyo." Malungkot na wikang sagot niya sa kanyang panganay.
" Pero kayo parin po ang asawa ni Daddy, Mommy. Alam na po ba niya, Mommy na nandito ka? nagkausap at nagkita na ba kayo ni Daddy nang nagpunta ka sa bahay natin?" Sunod-sunod na tanong ng panganay na si Shen sa kanya.
Napahugot-hininga muna siya bago sumagot sa kanyang anak.
" Hindi pa kami nagkita at hindi pa niya alam na nandito at buhay ako. Hindi ako nagpakita sa Daddy niyo nang makita kong... nang makita kong may kasama siyang babae at narinig kong anniversary pa nila." Aniya sa mga anak na muling kumawala ang luha. Ewan ba niya, di niya talaga mapipigilan na di iiyak sa masakit na katotohanan. Nakita naman niyang kapwa malungkot ang pagmumukha ng kanyang dalawang anak. Mabilis naman niyang pinahid ang kanyang mga luha at pilit na ngumiti sa kanyang mga anak.
" Pasensya na kayo kay Mommy ha. Hayaan na natin ang Daddy niyo, masaya na siya ngayon, hindi ba?." Pilit na pinasaya niya ang mukhang sabi niya sa kanyang mga anak.
"Gusto ko po sanang tawagan siya at ipaalam sa kanya na nandito ka pong muli, Mommy na buhay ka po." Sabi naman ni Shen.
" Huwag na Shen, huwag mo nang ipaalam sa Daddy mo. Huwag mo na siyang gagambalain pa. May asawa't anak na daw siya sabi ng kaibigan ko. Kaya hayaan niyo na ang Daddy niyo. Ayokong ipaalam sa kanya na nandito ako ngayon. Maging masaya rin tayo kahit tayong tatlo nalang diba? ipangako kong aalagaan at babawi ako sa inyong dalawa. Magiging masaya parin tayo kahit tayo nalang." Sabi ni Mikaella sa kanyang mga anak.
Para sa kanya ay wala nang saysay kung ipaalam sa kanyang asawa na buhay siya at nandito na siyang muli. Pinigilan ni Mikaella na huwag nang lumuhang muli sa harap ng kanyang mga anak. Gusto niyang makita ng mga ito na matatag siya at kayang-kaya niyang maging Ina at ama sa mga ito.
Dumating naman nang hapon sina Mico at Greggy kasama sa mga asawa ng mga ito. Sina Kristina at Daniela. Si Mico ang pinaka mayaman ngayon sa kanila dahil isang Heredera ang asawa nito, isang mga Altaverano at nag-iisang anak. Hindi alam ni Mico at Greggy na bumalik ang kanilang kapatid sa ilang taong pagkawala nito kaya hindi nila dinala ang kanilang mga anak . Tanging mga asawa lang ang dinala ng mga ito. Isang eksenang iyakan na naman ang naganap nang makita siya ng kanyang mga kapatid. Mahal na mahal si Mikaella ng kanyang dalawang kapatid na lalaki dahil siya lamang ang nag-iisang babaeng anak ng mga De Chavez.
"Thanks God, buhay ka Mika. Hindi na magiging kawawa ang mga anak mo." Lumuhang wika ni Mico,
ang kanyang panganay na kapatid.
"Hindi na talaga namin expected na buhay ka pa, Mika, dahil sa loob ba naman ng fourteen years na hindi kana nakita? grabe Ang paghahanap na ginawa namin noon ng asawang mong si Seirge, hangga't nawalan na rin kami ng pag-asa na buhay ka pa." Mahaba ding wika ni Greggy, ang kanyang pangalawang kapatid.
Lumapit rin sina Kristina at Daniela sa kanya at niyakap siya ng kanyang mga Sisters in-law. Mas umiyak pa ang mga asawa ng kanyang kapatid na niyakap Siya ng mga ito. Iba kasi ang damdamin ng mga babae kaysa lalaki kaya ang mga ito pa ang humagulhol ng iyak habang niyakap siya ng dalawa. Mahal na mahal rin kasi siya noon pa ng mga asawa ng kanyang mga Kapatid na lalaki.
" Hindi pa huli ang lahat, makakabawi kapa at maaalagaan mo pa ang mga anak mo, Mika." Sabi ng ate Kristina niya.
" Yes, Mika. Nandito ang mga anak mo, umaasang babalik ka balang araw kahit pa malabong mangyari. Pero hindi sila nabigo, bumalik ka nga." Sabi naman ni Ate Daniela.
Masaya nilang pinagsaluhan ang masarap na hapunan. Sobrang natutuwa si madam Camela na naging kumpleto ulit ang kanyang mga anak. Kahit hindi niya anak si Greggy ay iniisip na niya itong tunay niya talagang anak at maging ito man sa kanya.
______
Samantalang si Seirge ay nakipaglambingan pa ng gabing iyon sa asawa nitong si Nathalie.
" Tulog na si Baby Jam sa kuwarto niya kasama ang yaya niya, Hon, kaya iniwan ko na sa kanyang kuwarto nandon na ang Yaya niya.." Sabi pa ni Nathalie.
" Well, tamang-tama ready na rin ako, hon." Nakangiting wika pa ni Sierge sa pangalawang asawa.
" Sige na.. simulan na natin, honey.. " Matamis pang wika ni Nathalie at ito ang naghubad sa Polo ni Sierge.
"Okay, baka susurender ka ngayon sa Second round?" Pilyong ngiting wika pa ni Sierge sa kanyang second wife.
" Hmmm.. never pa akong sumurender, paliligayahin kita lagi, Honey." Wika pa ni Nathalie.
Napatili pa si Nathalie nang bigla itong isinalya ni Sierge sa kam@.