CHAPTER 1

1565 Words
" Wala na ba kayong balak na uuwi sa Daddy niyo?" Tanong ni Madam Camela sa kanyang dalawang apo na sina Shen at Sendrick. Matanda na talaga si madam Camela at kamamatay nga lang ng asawa nitong Si Senior Brent De Chavez. Ikinatuwa na nga lang ng matanda na apat na taon nang nasa poder nito ang mga apo. Simula nang mag-asawa ulit ang Daddy ng mga itong si Mr. Sierge Saleem ay nagsilayasan din ang dalawang anak nito na kanyang mga apo. Maaga pang naulila ang mga apo niya sa Ina dahil missing ang anak niyang si Mikaella ilang taon na ang nakalipas. Na- crash ang eroplanong sinakyan nito mula maynila papuntang Cebu. At ngayon dumating sa puntong nag-asawang muli ang Daddy ng mga ito at hindi maganda ang pakikitungo ng step mother sa mga apo niya kaya lumayas ang dalawang apo at nandito ngayon sa poder niya ang dalawang anak ng kanyang na missing na anak. Nasasaktan din ang matanda dahil dati nang pinagdaanan ng kanyang anak na si Mico noon ang pinagdaanan ng kanyang mga apo ngayon. Hindi niya akalaing mauulit ang nangyari noon sa kanya sa kanyang anak na si Mikaella at ang nakakalungkot ay Wala na talagang Mikaella na nagbabalik sa loob ng Labing apat na taong pagka Missing nito, siguro ay wala na talaga ang kanyang anak at patay na ito. " Hindi na po kami babalik kay Daddy, Lola. Dito lang po kami sa inyo. Galit na rin si Tito Mico kung babalik pa kami ni Sendrick doon. Hayaan nalang namin si Daddy sa asawa't anak niya ngayon." Malungkot na sagot ni Shen. Ang panganay na anak ni Mikaella. " Oo nga po." Ang sagot naman ng labing limang taong gulang na si Sendrick. Isang taon pa lang si Sendrick nang mawala ang inang si Mikaella. At ang panganay na si Shen naman ay nasa tatlong taon palang. Si Shen lang ang nakakita ng kanilang Ina ngunit ang bunsong si Sendrick ay Wala pa itong kamalay-malay ng mga panahong iyon. " Kinausap kasi ako ng Daddy niyo, tumawag siya kanina dito nang nasa school palang kayo, gusto niyang babalik kayo sa kanya." Sabi ni Madam Camela sa mga apo. " No, Lola, ayaw na nina Tito Mico at Tito Greg na babalik pa kami Kay Daddy, dahil galit na galit sila sa pananakit sa amin ni Sendrick sa asawa ni Daddy Sierge. Bahala na po si Daddy, mas nasanay na po kami na kasama po kayo Lola." Sagot ni Shen sa grand mother nito. " Opo, Ako din po Ate. Dito nalang po tayo kay Lola Camela. Masaya na po tayo dito at Masaya na rin naman si Daddy sa asawa niya at anak nila ngayon, huwag nalang niya tayong pakikialaman. Pwede lang naman siyang dumalaw dito sa atin, diba ate?" Sabi pa ni Sendrick sa panganay na kapatid. "Yes, Sendrick." Sang-ayon naman ni Shen. Walang magawa si madam Camela kung ayaw ng kanyang mga apo na uuwi sa Daddy ng mga ito. " Ang mabuti pa, kakausapin niyo ang Daddy niyo na okay na kayo dito. Siya nalang ang dadalaw sa inyo dito kung gusto niya tulad sa nakagawian na niya sa loob ng halos apat na taon na kayo dito." Sabi pa ni Madam Camela sa kanyang mga apo. "Yes po, Lola, gagawin po namin yan." Kaagad na tugon muli ni Shen sa Lola. "Sana po kung saan man ang Mommy namin ngayon, lola kung nasa paradise man siya ngayon ay okay lang po siya. Darating din po ang Oras na makakasama na rin mommy namin sa huling mga araw kapag kukunin na rin kami ni Lord. Makikita na namin si Mommy." Sabi pa ni Shen sa Lola. Parang nasaktan naman si madam Camela sa narinig mula sa apo. "Huwan niyo nang iispin ang nawawala niyong ina. Mas nasasaktan ako kapag maiisip na wala na talaga siya." Sabi pa ni Madam Camela sa mga apo. " Kung hindi lang sana nawala si Mommy, siguro po ay masayang-masaya po ang pamilya namin." Sabad naman ni Sendrick. " Tama ka apo, noong tatlong taon palang ang ate mo at isang taon ka palang ay nakikita ko ngang isa kayong masayang pamilya dati. Nakita ko Ang kaligayahan sa mga mata ng Mommy niyo noon Lalo na't mahal na mahal ng Daddy niyo noon ang Mommy niyo." Mahabang sabi ni Madam Camela sa mga apo. " Mahal? eh, bakit nag-asawa po siyang muli, kung mahal naman pala niya si Mommy Ella?" Tanong pa ni Shen sa Lola. Napabuntong-hininga naman ang matanda bago sumagot. " Apo, naiintindihan ko naman ang Daddy niyo, kung bakit kailangan niyang mag-asawang muli. Wala na ng pag-asang babalik at uuwi pa ang mommy niyo. Wala ng pag-asang buhay pa ito sa ilang years na siyang na missing. Bata pa ang Daddy niyo kaya kailangan din niyang muling lumigaya at maging masaya. Nine years din siyang hindi nag-asawa, matagal-tagal din siyang nakaka move-on sa pagkawala ng Mommy niyo. At ngayon nakita Kong Masaya na nga siya sa ikalawang niyang asawa kasama sa anak nila na mag apat na taon na rin. Sa Five years na siyang kasal ngayon sa asawa niya ay nakikita kong kontento na ang Daddy niyo at kayo nalang sana ang kulang ba babalik sa kanya upang kumpleto na ang kaligayahan niya." Sabi ni Madam Camela sa kanyang mga apo. "Mula nang manganak si Tita Nathalie ay hindi na naka focus si Daddy sa amin, nasa bagong baby nalang siya naka focus at lihim pa kaming pinagalitan ni Tita Nathalie noon at si Sendrick ay sinasaktan niya talaga. Kaya ayaw na naming babalik pa kay Daddy." Wika naman ni Shen. " Ang tungkol sa baby ay okay lang na ma focus ang Daddy niyo dahil natural lang, bagong isinilang noon ang kapatid niyo kaya ganoon talaga. Pero ang hindi okay ay ang pananakit ng madrasta niyo sa inyo." Ani Madam Camela. "Pero humingi naman po si Tita Nathalie ng tawad sa atin ate, diba? pero yun nga lang Lola, mas gusto na namin dito sa piling niyo." Sabad naman ni Sendrick muli sa usapan. " Yes Lola, Mas comfortable na po kami dito sa Mansion niyo." Segundang wika naman na sang-ayon ni Shen. ____ Samantala... Pagod na pagod si Seirge ng araw na iyon. Natambak Ang kanyang papers sa desk ng araw na iyon sa kanyang office. Nag leave kasi siya kahapon dahil 5th wedding anniversary nila ng kanyang asawang si Nathalie. Mas mahalaga kasi na may time din siya sa asawa kapag darating ang mga special na araw nila para hindi ito maging mainitin ang ulo. Sa limang taon na pagsasama nila ay hindi naman sila gaanong nag-aaway nito. Magagalit lang ito sa kanya kapag mapansin nitong wala siyang gaanong time rito dahil sa dami ng kanyang ginagawa. At isa sa nakakapanghina ngayon sa kanya ay ang tungkol sa mga anak niya sa kanyang unang Asawa. Tinawagan lang niya bago ang kanyang biyenan sa unang Asawa kung sumang-ayon ba ang kanyang mga anak na babalik sa kanya ngunit nadismaya siya nang sabihin ng kanyang biyenan ngayon sa phone na siya nalang daw ang kakausap sa kanyang mga anak. Hindi naman kasi pwedi na habang buhay nalang wala sa poder niya ang kanyang mga anak sa una niyang asawa. Tama na ang halos maglimang taon na ang mga ito sa mansion ng Lola nitong Mga De Chavez. Ayaw niyang makarinig Siya sa huli ng masamang salita Mula sa mga kapatid na lalaki ng asawa niyang na missing na si Mikaella na iniasa nalang niya ang obligasyon sa mga ito ang kanyang mga anak. At Lalo na sa pagdesiplina at pagpapalaki. Alam niyang sobrang yaman ng mga De Chavez pero hindi na rason iyon na Forever nalang ang kanyang mga anak doon sa Lola ng mga ito. Kailangang babalik ang mga anak niya sa poder niya. Kung mahal niya ang anak niya ngayon kay Nathalie ay ganoon din ang mga anak niya kay Mikaella. Isang magandang alaala para sa kanya ang mga anak niya sa unang babaeng minahal at pinakasalan niya. Napabuntong-hininga si Sierge, kahit ilang taon nang nawawala ang unang Asawa ay hanggang ngayon lihim parin siyang nasasaktan sa tuloyang pagkawala nito. Akala niya ay tuloy-tuloy na ang kaligayahan niya noong asawa na niya si Mikaella Lalo na nang binigyan agad siya nito ng dalawang anak na sina Shen at Sendrick subalit panandaliang kasiyahan lang pala ang lahat. Flash back: "Masaya kaba sa pangalawang baby natin, Sweetheart? Naka boy na rin tayo, pwedi bang hindi sundan dahil Girl na at Boy ang mga anak natin." Matamis na ngiting wika ni Mikaella sa asawa. Tumayo si Sierge mula sa harap ng crib ng bagong isinilang na babay boy na anak nila at nakangiting niyakap ang asawa mula sa likuran nito. Masayang-masaya naman si Mikaella nang maramdaman ang matitigas na mga braso ng asawang nakayapos sa kanya mula sa likod nito. "Do you even need to ask me that, Sweetheart? Of course, I'm happy." Nakangiting sabi ng asawa pagkatapos ay yumuko ito at dinampian siya ng halik nito sa kanyang gilirang pisngi. Pumihit si Mikaella paharap sa asawa at sinalubong niya ang mainit at mapusok na mga halik ng asawang si Sierge. Ramdam na ramdam ni Mikaella kung gaano siya ka mahal ni Sierge at ang mga anak nila at ganoon din si Sierge, ramdam niya kung gaano nila ka mahal ang isa't isa ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD