Gabi na nang mauwi si Sierge. At hindi alam ni Mika kung anong iisipin n'ya lalo na't alam naman n'yang kaninang tanghali pa ito nag out sa office. " Sierge, bakit ngayon ka lang, saan ka ba galing?" Tanong n'ya rito pagkatapos s'ya nitong saglit na halikan sa labi. Hindi agad nakasagot si Sierge. Sa isip nito'y hindi dapat na malaman ng kanyang asawa na mula s'ya sa hospital kung saan naka confine si Nathalie. Sa ngayon ay nagugulohan pa s'ya kung anong tamang desisyon. Tiningnan n'ya ang asawa. Parang kinurot naman ang puso n'ya nang makita ang pag-alala sa mukha ni Mika. Makakaya ba kaya n'yang saktan ito? mahal na mahal n'ya ang asawa, pero naiipit s'ya ngayon sa kanyang sitwasyon tungkol sa kalagayan ni Nathalie. Hindi n'ya makakayang sabihin kay Mikaellah na buntis si Nathalie.

