Nagulat pa si Madam Camela sa biglang pagdating at pagbisita ni Sierge. Mula nang mag-asawang muli ang ama sa kanyang mga apo ay minsan na lang itong makapunta sa Mansion at makadalaw. Isa din kasi itong Ceo. Isang kilalang Business Tycoon ang kanyang manugang kaya sobrang busy din ito at lalo pa itong naging busy nang muli itong mag-asawa.
" Good afternoon, Mama." Bati ni Sierge sa biyenan sabay nilibot ang paningin sa loob ng buong Mansion.
Gusto agad niyang makita ang kanyang asawang nauwi at nagbalik sa ilang taong pagkawala nito. Subalit parang tahimik naman ang buong mansion at tanging mga katulong at ang kanyang biyenan na babae lang ang kanyang nakikita.
"Wala pa ang mga bata, hindi pa dumating ang mga anak mo, Sierge." Sabi ni Madam Camela rito.
Kusa silang naupo sa Lounge Chair sa Lobby.
"Isa din ang mga anak ko ang dahilan ng pagpunta ko dito, Mama. Pero mas inuusisa ko ngayon kung totoo bang umuwi ang asawa ko?" Kaagad na tanong ni Sierge kahit kauupo lang nila.
Nakita naman niya ang pagkabigla sa mukha ng kanyang biyenan.
"Sabihin n'yo sa akin ang totoo, Mama. Nandito ba talaga si Mikaellah? totoo bang buhay ang asawa ko? bakit hindi n'yo man lang ipinaalam sa akin na nandito s'ya? bakit hindi n'ya ako tinawagan man lang?" Sunod-sunod na tanong at may halong panunumbat ni Sierge.
Hindi agad nakasagot si Madam Camela. Hindi inaasahan ng matanda na alam na pala ni Seirge ang tungkol sa pagbabalik ng unang asawa nito. Hindi naman napigilan ni Sierge na mapatulo ang luha. Nakita n'ya base sa expression sa mukha ng biyenan na totoong bumalik at buhay nga ang kanyang unang asawa.
"Pasensya ka na, iho. Iba na kasi ang buhay mo ngayon, may asawa ka na diba? ang anak ko mismo ang hindi na gusto na ipaalam sa'yo na nandito s'ya. Para sa kanya ay hindi na mahalaga dahil may bagong pamilya ka na." Sagot ni Madam Camela sa manugang.
Biglang tumigas ang anyo ni Sierge sa narinig mula sa biyenan.
" Asawa ko parin s'ya, Mama. At malaki ang karapatan kong malaman na buhay s'ya, na bumalik s'ya ngayon." Matigas na tugon ni Sierge sa biyenan.
"Hindi ka dapat magalit, Sierge. Sa totoo lang, nang magbalik ang anak ko ay ang bahay n'yo ang una n'yang pinuntahan." Sabi ni Madam Camela rito.
Si Sierge naman ang natigilan.
"Pero bakit di ko s'ya nakita?" Tanong ni Sierge.
"Hindi na s'ya nagpapakita pa at tumuloy dahil nasaksihan n'yang may bago ka nang pamilya. Masisisi mo ba ang anak ko kung ayaw na n'yang ipapaalam sa'yo na nandito s'ya?" Tanong naman sa kanya ng biyenan.
Saglit na naihilamos ni Sierge ang dalawang mga palad sa mukha.
" Nasaan s'ya, Mama? gusto kong kakausapin ang asawa ko." Tanong ni Sierge at muling tiningnan ang paligid sa loob ng mansion.
Gustong-gusto na niyang muling makita ang unang asawa. Nakaramdam s'ya ng sobrang excitement ng mga sandaling iyon.
" Naku, wrong timing ka naman, Sierge. Wala s'ya dito ngayon." Sagot ni Madam Camela.
Nagsalubong ang mga kilay ni Sierge. Nagdududa s'yang nagtatago lang ang asawa.
"Gusto ko s'yang makita, Mama. Gusto kong kakausapin ang asawa ko, bakit ba s'ya nagtatago? ilang taon akong naghihintay at umaasang buhay at babalik s'ya, kailangang makapag-usap kami ngayon na." Matigas n'yang wika na may halong inis dahil akala niya'y pinagtataguan lang s'ya ng asawa.
"Wala nga s'ya dito, Sierge. Sa palagay mo ba ay marunong akong magsinungaling? kailan ka ba nakakarinig na nagsisinungaling ako?" Parang may himig na ring galit na wika ni madam Camela sa asawa ng anak.
"Bakit, nasaan s'ya, Mama?" Tanong ni Sierge.
"Nasa Leyte. Binalikan n'ya ang pamilyang tumulong sa kanya. Nagpasama s'ya sa kaibigan n'yang si Michelle. Kaya wrong timing ang pagpunta mo dito, Sierge." Ani madam Camela.
"Mas inuna n'ya pang babalik doon? hindi pa kami nagkita, Mama. Yes, may asawa nga ako ngayon dahil sa pag-aakalang wala na talaga s'ya at muli akong nagpakasal sa iba pero s'ya parin ang legal kong asawa dahil buhay s'ya. Ni hindi n'yo man lang sinabi sa anak n'yo, Mama, kung anong mga pinagdaanan ko nang mawala s'ya? ni hindi n'yo man lang sinabi na ilang taon din ang ginugol kong pagpapahanap at paghahanap sa kanya?
tapos ngayon ay parang ibang tao lang ako, parang hindi ako asawa na hindi man lang pinapaalam. Mabuti pa yung ibang tao ay unang nakakaalam pero ako ay wala sana akong nalalaman kung walang nakapagsabi sa 'kin." Mahabang wika ni Sierge.
"Alam naman n'ya dahil ikinuwento ko naman sa kanya. Pero sa sinabi ko na ay iba na ang sitwasyon mo ngayon kaya h'wag kang masyadong magpapadala sa damdamin mo ngayong buhay ang anak ko, isipin mong hindi ka na malaya. May masasaktan ka na. Kaya nga hindi na lang gusto ang anak ko na ika'y makakausap at makaharap pa. Tandaan mo, Sierge, may bagong pamilya ka na." Mahabang paalala sa kanya ni Madam Camela.
"Hindi ko idedeny iyan Mama, kaya nga gustong-gusto ko na s'yang makausap. Kailan s'ya uuwi? bukas pa ba, Mama? Muling tanong ni Sierge sa biyenan.
" Tatawagan ko muna s'ya, Sierge, di ko kasi alam." Tugon ni Madam Camela.
" Pakibigay po sa akin ang cellphone number n'ya, Mama. Ako na ang tatawag sa kanya." Ani Sierge na gustong-gusto nang makakausap ang unang asawa kahit sa cellphone man lang dahil di na s'ya makapaghintay pa.
Walang nagawa si madam Camela kundi ibigay kay Sierge ang number ng anak.
_____
Mga 4:00 pm na at kararating lang nila sa Barangay Mahayag, Ormoc Leyte. Kung saan si Mikaellah na ampon ng isang pamilya. Ang pamilya Bacus na apilyido. Sina Aling Nora at Mang Kanor kasama sa dalawang anak na babaeng dalaga na si Mayeth at Dana. Nag eroplano nga sila ng kanyang kaibigang si Michelle pero malayo parin dahil mga anim na Oras ang kanilang biyahe, umalis sila ng 7:00 am at dumating sila ng 4:00 pm. Sa bagay, di na sila pupunta ng bundok dahil sa barangay nalang sila magkita ng pamilyang kumupkop sa kanya.
Kinontak nalang niya ito upang makipagkita ang buong pamilya sa kanya sa baryo. May kamag-anak naman ang mga ito sa proper baryo kaya doon sila naghihintay sa mga ito. Wala namang problema dahil kilala din naman s'ya sa pamilya ng mga Bacus, sa proper baryo dahil sa loob ba naman ng 14 years s'yang nakatira kasama ang pamilyang Bacus ay talagang Kilala at kabisado na s'ya sa mga ito.
Enentertain naman sila ng maayos sa mga kamag-anak ng pamilyang Bacus habang hindi pa dumating ang buong pamilyang hinihintay. Nagpapabili at nagpapaluto na rin s'ya sa kamag-anak ng pamilyang kumupkop sa kanya. Nakita nga niyang natutuwa ang mga ito nang inabutan n'ya ng malaking halaga upang isa sa mga ito ang mamalengke para magluto agad at maghanda ng masarap na pagkain at sila'y magsalu-salo doon.
Habang nagrelax na sila ng kanyang kaibigan sa loob ng tinutuloyang bahay sa sala ay nakita naman n'ya ang kasiyahan sa mga kamag-anak roon ng pamilyang kumupkop sa kanya. Alam siguro ng mga ito na nagbabalik s'ya ngayon upang tulongan ang pamilyang tumulong din sa kanya.
" Masayahin ang mga tao dito." Nakangiting mahinang wika ng kaibigang si Michelle sa kanya.
"Tama ka. Ang ganda nga nila. Kahit mahirap pero maligaya, masaya at kontento." Sabi niya sa kaibigan.
Nakasandal silang dalawa ng kaibigan n'ya sa isa sa mga mahabang upuan doon na yari sa kahoy ngunit maganda naman ang pagkakagawa bilang sala set. Ipipikit na sana n'ya sandali ang kanyang mata dahil napagod din Sila sa biyahe ngunit biglang nag ring naman ang kanyang cellphone.
Muling s'yang nagmulat ng mga mata at sinilip n'ya ang Cellphone kung sino iyon ang mga anak ba n'ya o ang kanyang Ina dahil wala naman kasing ibang nakakaalam sa number n'ya kundi ang inang si madam Camela lang at ang kanyang mga anak. Hindi naman nakaregister kung sino iyon kaya sinagot na lang n'ya agad baka anak lang n'ya at gumamit lang ng ibang number.
" Yes, hello?" Sagot at tanong naman n'ya sa linya.
Hindi naman ito sumagot na parang pinakinggan lang ang boses n'ya.
" Yes, sino to?" Nagtatakang muling tanong pa n'ya.
"Kumusta ka na, Mika?" Sagot nito sa kanya sa ikalawang pagtatanong n'ya.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Kung hindi s'ya nagkakamali ay boses iyon ng asawang si Sierge!
S'ya naman ang hindi nakapagsalita at hindi nakasagot rito.
" Hello, Mika. Naririnig mo pa ba ako? kinukumusta kita. Kausapin mo naman
ako. Pati ba pakikipag-usap mo sa akin kahit sa cellphone ay ayaw mo na rin? mag-usap tayo." Muling wika ng asawang si Sierge.
Di na s'ya nagulat pa kung bakit alam na nito ang tungkol sa kanya. Parang naumid ang dila n'ya kaya di n'ya ito kayang sagutin at pakikipag-usapan.
Nanginig ang kamay n'yang nakadikit parin ang cellphone sa tainga.
"Mika, kausapin mo ako." Muling pakiusap nito sa kanya sa kabilang linya.
Pinindot nalang niya ang end call ng kanyang Cellophone dahil nanginig s'ya at ayaw n'yang makikipag-usap sa dating asawa. Napatingin s'ya sa kaibigan at gaoon din ito, nakatingin din ito sa kanya.
"Bakit beb? sino yun?" Tanong naman nito sa kanya.
"Si.. si Sierge, beb. Ang asawa ko."
Maging ito ay nabigla sa kanyang sinabi.