Habang pinatakbo n'ya ang kanyang kotse ay tuloy parin ang kanyang iyak. Hindi n'ya alam kung paano pakiharapan ngayon ang kanyang asawa at ang pangalawang asawa nito. Di pa nga n'ya nakakaharap ang mga ito at di pa nga n'ya nakompronta ang asawang si Sierge ay parang nanginginig na s'ya sa galit. Paano na lang kaya kung makakaharap na n'ya ang mga ito? hindi n'ya lubos akalaing magagawa ni Sierge ito sa kanya. Bakit pa ba ito lumapit at nakipagbalikan sa kanya na di naman pala ito sigurado kung s'ya ba talaga at ang kanilang mga anak ang pinipili nito? Sunod-sunod na pinahid n'ya ang kanyang mga luha sa gitna ng kanyang pagmamaneho. _____ Si Sierge naman ng mga sandaling iyon ay nakipag-usap sa Doctor pagkatapos na asikaso ng mga ito si Nathalie. "Kumusta ang asawa ko, Doc?" Tanong

