Nagtaka naman si Sierge nang hindi sumagot ang babae sa kabilang linya at narinig niyang nilagay na nito ang telepono kaya naputol na ang linya.
" Sino yun?" Naitanong ni Sierge sa sarili.
" Good morning, hon!" Biglang bati sa kanya ng asawa sabay halik sa kanya sa lips.
" Good morning too, honey." Tugon naman ni Sierge sa pangalawang asawa.
Nagising na rin pala ito. Ang sarap kasi ng tulog nito dahil napagod niya ito kagabi. Napatingin ito sa Telepono na kalalagay lang niya.
"Sino ang tinatawagan mo, hon?" Tanong pa nito sa kanya.
" Ahhm, si Mama Camela." Sagot niya rito. Alam na nito kung sino si Mama Camela. Ang kanyang biyenan sa una niyang asawa, kung saan naroon ang kanyang mga anak ngayon.
Biglang nawaglit ang matamis na ngiti ni Nathalie na nakatingin sa kanya.
"What?? at bakit? anong kailangan mo sa mother ng First wife mo?" Mabigat ang mukhang tanong nito sa kanya.
"Hon, kailangan kong makausap muli si Mama Camela, tungkol sa mga anak ko sa unang asawa ko. Gusto kong papauwiin na ang mga anak ko dito. Kung di niya talaga makumbinsi ang mga anak ko ay mapipilitan talaga akong pupuntahan sila sa Mansion ng mga De Chavez. Kailangang paglaanan ko talaga ng time ang araw na iyon, busy pa naman ako sa Office." Sabi ni Sierge sa asawa.
Nagsalpukan naman ang mga kilay ni Nathalie.
" Ang aarti naman ng mga anak mong yun! matagal na yung nasaktan ko si Sendrick, at humingi na ako ng sorry, pero nagmamatigas parin at ayaw nang bumalik pa dito. Hay naku, naiirita na rin ako sa mga anak mong yun, gagawa talaga ng dahilan upang forever na maging masamà ako sa paningin ng mga tao at lalo na sa'yo, hon." Nakapamaywang pang wika ni Nathalie.
" Huwag kanang magalit, hon. Siguro mas nagustohan lang talaga nila doon kaysa dito. Pero hindi naman pwede yun na hindi na talaga sila babalik sa poder ko. Four years ko na silang hinayaan na manatili sa Lola nila at hindi na pweding hahayaan ko nalang sila. Mga anak ko sila at obligasyon ko sila, honey. Mahal na mahal ko rin sila." Mahabang wika ni Sierge sa pangalawang asawa.
Mas lalong nagdilim ang mukha ni Nathalie sa narinig mula kay Sierge.
"Nakakainis, ewan ko ba, hindi ko mapigilan ang sariling magseselos kung ang mga anak mo na ang pag-uusapan natin, Sierge. Para kasing mas mahal mo sila kaysa sa amin ni Baby Jam." Sabi pa ni Nathalie at umiiyak pa ito sa harap ni Sierge.
" Honey naman, bakit ka naman magseselos? walang lamang sa inyo, pareho ko kayong mahal. Mahal ko kayo ni Baby Jam at ganoon din ang mga anak ko. Wala akong Favoritism, pareho ko kayong mahal." Sabi ni Sierge sa pangalawang asawa.
" Hmmm, mas okay sana kung hihigit talaga kami sa puso mo, Hon. Pero hindi eh. Dapat kasi mas mahal mo kami ni Baby Jam dahil ako na ang asawa mo, diba? dapat mas mahalaga kami sa'yo ng anak natin." Sabi pa ni Nathalie na pinahid pa ang kunting luha sa mga mata nito.
"Ikaw naman, hon. Oh Sige na nga, mas mahal ko kayo ni Baby Jam." Sabi nalang ni Sierge dito para mapaamo niya ito.
Pero ang totoo'y pantay lang ang pagmamahal niya rito at sa mga anak niya sa kanyang unang asawa. Minsan talaga ay mag aasta itong parang bata kaya inintindi nalang ni Seirge ito.
" Really, hon?" Sabi pa ni Nathalie na matamis nang ngumiti sa kanya.
"Y-yes, honey." Sabi pa ni Sierge at niyakap pa ito.
Habang yakap ni Sierge ang pangalawang asawa ay muling nanumbalik sa kanyang isipan kung sino kaya ang boses ng babaeng nakasagot kanina sa Telepono at bakit sobrang pamilyar sa kanya ang boses nito? at bakit di siya nito kinausap?
____
Masaya namang sabay na Kumain ng almusal ang mag-iinang Mikaella, Shen at Sendrick. Nakipagsabayan si Mikaella sa kanyang mga anak sa biruan kaya masayang-masaya sila sa umagang iyon. At dumating naman si Madam Camela sa Dining room.
" Good morning, mama!" Bati ni Mikaella.
" Good morning po, Lola!" Sabay din na bati ng kanyang mga anak sa Lola ng mga ito.
" Good morning, sasabay ako sa inyo kahit busog pa ako." Nakangiting wika ni Madam Camela.
" Akala ko po, Mama, mamayang 9:00 am ka pa magising? yun kasi ang sabi sa akin ni Aling Memang." Sabi ni Mikaella sa Ina.
"Oo, totoo yan. Mga 9:00 am pa sana ako bababa, kapag magising ako ng 4:00 am ng madaling araw. Kasu lang ay naisip ko kayo anak ng mga apo ko. Gusto ko kayong makasama ngayong umaga." Nakangiting tugon ni Madam Camela sa anak na si Mikaella.
" Wow, thank you po, Mama." Matamis na ngiting Sabi naman niya sa Ina.
Naupo na nga ito sa tabi niya at sumabay sa kanila. Halata naman ang kasiyahan sa mukha ng kanyang mga anak at pati na ang kanyang inang si madam Camela.
"Siya nga pala, Mama at mga anak, aalis muna ako ngayon. Linggo ngayon at kailangan kung pupuntahan ang tita Michelle niyo, ang kaibigan ko, dahil tiyak na nasa bahay lang siya ngayon. Sa Monday kasi ay balak kong magpapasama sa kanya papuntang Leyte. Babalikan ko ang pamilyang umampon sa akin ng 14 years. Kailangan ko silang tulongan bilang ganti sa kanilang kabutihang nagawa sa akin, Mama." Sabi ni Mikaella sa Mama niya at sa mga anak.
"Mabuti ang naisipan mo anak. Dapat talagang gantihan mo ang kabutihan ng pamilyang umampon sa'yo ng ilang taon." Natutuwang tugon ni Madam Camela.
" Uuwi po kayo agad, Mommy. Huwag po kayong magtagal doon." Sabi pa ni Sendrick.
" Oo nga po, Mommy. Baka po, mawawala naman po ulit kayo. Natatakot na po kami." Sabi naman ni Shen na biglang nalungkot ang mukha nito.
" Huwag kayong mag-alala, Shen, Sendrick, hindi na mawawala pa si Mommy. At pakiusap lang din mga anak, huwag niyo nang sabihin sa Daddy niyo na nandito akong muli, na buhay ako. Ayoko na siyang makakausap at makaharap pa, ayoko nang drama pa dahil may asawa na siya." Wikang tugon ni Mikaella sa mga anak at pakiusap tungkol sa Daddy ng mga ito.
Natigil naman ang pag-iinom sana ng tubig ni Madam Camela sa narinig mula sa anak.
" Naku, iha Mika, di mo mapagtaguan ang asawa mo, malalaman at malalaman parin niya na buhay ka at nandito ka ngayon." Sabad ni Madam Camela.
Napatingin naman siya sa Ina.
"Alam ko, Mama. Pero sa ngayon, ayoko muna siyang makakausap at makakaharap." Aniya sa ina.
" Karapatan din niyang malalaman anak na buhay pala ang una niyang asawa. Ikaw ang legal na asawa niya, dahil magiging fake ang kasal nila ng second wife niya ngayon dahil buhay ka at hindi ka pa patay. Kaya mas may malaking karapatan ka sa asawa mo kaysa babaeng kasama niya ngayon bilang asawa niya." Mahabang sabi ng kanyang Ina.
" Tama po si Lola, Mommy." Sabi naman ni Shen.
"Alam ko rin Mama, na ako parin ang legal. But.. hindi ko kayang magpa gitna nalang sa kanilang dalawa ng asawa niya ngayon upang makipag agawan sa kanya. Alam kong malaking gulo ang mangyari. Pakikisamahan na lang talaga ni Sierge ang asawa niya ngayon dahil ginusto niya yan. Nag-asawa siyang muli dahil di siya nakatiis. Ayokong magbida-bidahan pa sa gitna nila at sabihing legal akong asawa. Ang mahalaga ay nandito sa akin ang mga anak ko ngayon at hindi ako papayag na babalik pa sila sa Daddy nila dahil ayokong sasaktan muli ng asawa niya ang isa sa mga anak ko." Matigas na wika ni Mikaella.
Natahimik nalang ang kanyang mga anak na kanina ay kapwa pa sana nakangiti at nagkakatuwaan.
" Pasensya na kayo, Shen, Sendrick. Hindi ko kayang ibabalik sa atin ang Daddy niyo. Hindi na namin pweding ayusin pa ang pagiging mag asawa namin dahil may bagong pamilya na siya." Muling sabi niya sa kanyang mga anak.
" Huwag ka munang magdesisyon na ikaw lang, iha. Paano kong babalik si Sierge sa'yo kapag alam niyang buhay ka?" Tanong pa ng Ina.
Doon naman siya natigilan sa tanong ng Ina. Matagal siya bago nakasagot.
"H-hindi ko na po kayang tanggapin ang asawa ko, Mama. Patawarin sana ako ng panginoon pero kontento nalang ako na maging single Mommy sa mga anak ko. May asawa na siya at masyadong masakit iyon para sa akin. Para akong baliw no'ng una kong matuklasan ang katotohanan nang magpunta ako sa bahay namin. Ang sakit sakit. Kaya mas mabuting ipagpapatuloy nalang niya ang pakikipagsama niya sa asawa niya ngayon. Tapos na akong masaktan nang matuklasan kong may bago na siyang pamilya. Kaya panindigan niya nalang ang lahat." Sabi pa niya na pinigilan ang muling maiyak dahil Marami na siyang luhang nailabas dahil sa asawang si Sierge.
Natahimik ang kanyang Ina at mga anak sa mga naririnig mula sa kanya.
____
Pumanaog si Mikaella sa kanyang kotseng dala sa harap ng malaking Restaurant. Mag take out muna siya ng masarap na menu ng paborito niyang restaurant na iyon at dadalhin sa bahay ng kaibigang si Michele upang doon mag lunch habang kakausapin ito. Saglit lang siya sa loob ng restaurant at lumabas agad siya. Pagbalik niya sa kanyang kotse ay papasok na sana siya nang di sinadyang malingunan niya ang kotseng kararating lang din roon at lumabas mula roon ang isang lalaki at babae na may dalang maliit na batang babae na nasa four years old palang. Nagulat pa siya nang mapalingon ang lalaki sa kanyang direksyon dahil kilala niya iyon, Ang kanyang asawang si Sierge! at nagulat din ito nang makita siya nito.
Nagmamadali naman siyang sumakay sa kanyang kotse at pinasibad agad iyon paalis doon.
Natigilan si Sierge at sinundan ang tingin ang kotseng sinakyan ng babaeng kamukha ng kanyang nawawalang asawa! kahit medyo payat ito at medyo maitim pero kamukhang-kamukha ito ng kanyang asawang si Mikaella!