Chapter 6

2291 Words
Chapter 6 Walang imik si Nathalia habang nakatulala siya sa librong binabasa niya. Mag-aalas dose na ng gabi pero wala pa ang mga tao sa mansyon. She’s waiting for Vince but she doesn’t have plan talking to him. Masyado siyang pinaasa ng lalaki at hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin ni isang text. Balewala na dapat sa kanya kaya lang ano ba naman ang magagawa niya kung nahuhulog na ang loob niya roon? Hindi niya mapipigilan na huwag masaktan sa mga ganoong sitwasyon. “Gatas Señorita.” nakangiting sabi ng matandang katulong sa kanya na si Manang Igna. Iyon ang pinakamatanda sa lahat at puting-puti na ang mga buhok at wala ng makitang kulay itim ni isa man pero ubod ng lakas pa rin. At sa kwento ng Papa niya ay buong buhay na raw na nagsisilbi ito sa mga San Andres. “Salamat po Lola. Wag niyo na po akong tawagin na Señorita, Nathalia na lang po.” aniya rito saka ngumiti ng simple sa babae. Hindi naman siya bagay na tawagin ng ganoon dahil parehas lang naman silang katulong. Medyo nakaangat lang siya nang kaunti dahil pinipigil siya ni Vince na magtrabaho sa loob ng bahay. Tinitigan pa siya ng babae nang matagal bago nagawang ilapag ang gatas sa center table. “Ang laki ng hawig mo sa namatay kong among babae, iha. Asawa iyon ni Don Juancho na kapatid ni Don Ignacio. At ang ngiti mo sa namatay na Don Juancho ko naman nakikita. Kung hindi ko lang alam na namatay ang kaisa-isang anak nilang babae, iisipin ko na ikaw ang bata.” anito sa kanya. Umiling siya saka tinikman ang gatas. “Hindi po ako ‘yon sigurado.” natatawang sambit niya. “Imposible po na maging San Andres ako dahil anak po ako ni Papa at driver lang po ang Papa ko, hindi don.” dugtong pa niya kaagad na may kasamang hagikhik. Tumangu-tango ang matandang babae at nangingiti rin pero hindi pa rin maalis ang titig sa kanya. “Saka possible naman po ‘yon Lola na may kahawig na ibang tao ang isang tao kahit hindi naman sila magkaanu-ano.” paliwanag niya na sinang-ayunan naman nito. “Sabagay. Tama ka nga iha. Sige at bababa na ako.” anito pero natigil sa paghakbang nang biglang bumulaga ang medyo may edad din na kasambahay mula sa elevator. “Nathalia, ang Papa mo!” bulalas niyon at napaiyak. Nanigas siya sa kinauupuan at kaagad na kinumpulan ng kaba ang dibdib niya. Base sa mukha ng babae ay may masamang nangyari sa ama niya. Alam niya iyon. Ramdam niya na may mali. Anong nagyari sa ana niya? “Nasa ospital, nabaril ang papa mo.” sambit ng katukong kaya tuluyang napahagulhol si Nathalia. Kahapon lang ay ibinalita na patay na ang pinakamahigpit na kalaban ni Don Ignacio sa pulitika at hindi na balak na ipagpatuloy ng kahit na sino sa mga anak niyon ang laban ng amang nawala sa mundo. Ngayon ay bakit ang Papa na niya ang nabaril? “Gusto ko siyang puntahan!” iyak niya. Namiyok pa ang boses niya sa sobrang lakas ng sigaw niya. She hurriedly ran towards the elevator. Nang makababa siya ay para siyang baliw na hinanap agad ng mga mata niya ang driver pero ang sumalubong sa kanya ay ang Don at ang mga tauhan niyon, kasama si Vince at ang babaeng si Alyssa na naka abre syete pa sa lalaki. Ang sakit sa dibdib niya ay agad na trumiple ang dami. Iyon ang oras na pakiramdam niya ay wala siyang kakampi, walang karamay at walang pwedeng mahingan ng sakit at kalungkutan. Kapag nawala ang kaisa-isang taong nagmamahal sa kanya nang tapat, para na rin na luluha ng dugo ang batang puso ni Nathalia. “Ang Papa ko?! Nasaan ang Papa ko?! Nasaan ang Papa ko?!” salubong kaagad niya sa mga bagong dating at pilit niyang iwinaksi si Vince. Tinangka ni Vince na lumapit sa kanya pero nakita niya kung paano iyon pinanlisikan ng mga mata ni Don Ignacio kaya mag-isa siyang umiiyak at walang tao na magpatahan man lang. “He’s in Sta. Barbara morgue. He’s dead, Nathalia.” sagot ng Don sa kanya na parang balewala lang ang lahat. Agad na parang naparalisa ang dalaga sa kinatatayuan at natutop lang niya ang bibig habang puno ng luha ang mga mata. “Hindi ‘yan totoo! Hindi pa patay ang Papa ko! Wala kayong nagawa! Buong buhay niya pinagsilbihan niya kayo pero ngayon ano? Pati siya ay nadamay sa pagtakbo niyo sa pulitika. He was shot because of you!” sigaw niya sa matanda at ngayon ay tuluyan nang lumapit si Vincent sa kanya iniwan ang babaeng pairap-irap. “Nath baby,” tinangka siya nitong yakapin pero ipinagtulakan niya ito papalayo. Nanlisik ang mga mata niyang itinunghay sa lalaki. Isa pa itong bwisit sa buhay niya. “Isa ka pa! Pinaghintay mo ako sa wala! Halos maghapon na ako sa katatawag sa’yo pero namuti na ang mga mata ko, wala ka pa! Dahil ano?! Dahil nand’yan ka sa babae mo! Wala kang kwenta! Magsama-sama kayo!” sigaw niya roon pero biglang nagtagis ang mga bagang ni Vince at nag-iba ang hitsura. Ang ama nito ang humablot sa braso niya na halos ikatumba pa niya. “Wala kang karapatan na umaktong ganyan.. Mahiya ka sa balat mo, babae. Una pa lang ay sinabi ko na sa iyo na wala kang aasahan. Hindi kita pinayagan na tumira rito para lang sa mga walang kwenta mong opinyon. Mana ka sa ama mo. Pasalamat ka at pinagtyagaan ko siya kaya ka nakatuntong dito. Ngayon na wala na, mag-isip isip ka na dahil hindi buhay ng prinsesa ang mararanasan mo kundi impyerno!” pabalya siya niyong itinulak kaya natumba siya sa sahig at tumama ang likod niya sa kanto ng hagdan. Napahikbi si Nathalia habang nakapikit nang mariin, dumadaing dahil sa kirot ng gulugod na nasaktan. Si Vince ang lumapit sa kanya pero kaagad iyon na hinila ng ama at sinutok sa mukha kaya sumalya sa sofa. Nakalapit kaagad ang babae roon at himas ang mga hita na parang alagaing bata. Hindi niya iyon pinansin. Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya dahil ang laman ng isip niya ay ang ama niyang wala na pala. “Pabayaan mo ang babae na ‘yan! Salot yan sa buhay ng mga San Andres!” ani Don Ignacio sabay layas ng matanda habang ang dilim-dilim ng mukha. Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman niya dahil sa nakikitang kilos ni Alyssa sa lalaking niyang minamahal na nga yata niya. Hindi naman siya masasaktan kung hindi niya mahal si Vince pero mukhang mali. Mali yata siya ng lalaking kinahuhulugan ng loob. Sa galit niya at sama ng loob at tumakbo siya papalabas ng mansyon kahit na umuulan. Pupuntahan niya ang Papa niya. Hindi pa patay ang Papa niya. Hindi pa patay ang kaisa-isang tao na kakampi niya sa mundo, ang taong nagmamahal sa kanya nang totoo at kahit kailan ay hindi mapapantayan ng sinuman. “Papa,” hikbi niya habang binabagtas ang daan papalabas ng subdivision. Hindi niya alintana ang lamig, basta wala siyang naiisip kung hindi ang makarating sa funeraria kung saan iyon naroon. Ulilang lubos at walang nagmamahal. Naiwan siya sa mga tao na yaman at kapangyarihan lang ang mahalaga. Kahit na ba ang paggawa ng masama ang kailangan na kapalit basta lang makuha ang gusto. Katulad ni Vincent na ginagamit ni Don Ignacio para lang manalo sa kandidatura. Kaya kahit na harapan na makipaglampungan sa babaeng kababata dahil sa laki ng maitutulong ng ama ng babae para pagiging ng Vice President si Don Ignacio. Hindi siya papayag na pati si Vince ay mauwi sa ganoon. Nakakakita siya ng kabutihan sa puso ng no’n kaya hindi siya papayag na tuluyang mahatak iyon ng ama sa paggawa ng kasalanan. Kailangan niyang magpakatatag kaya lang, paano? Nang sa wakas ay nakalabas siya ng subdivision ay walang kakurap-kurap na pumara siya ng taxi kahit na naririnig niya ang boses ni Vince sa may likuran niya. “Nathalia, I’m sorry! Come back baby. Sasamahan kita sa Papa mo.” anito sa gitna ng ulan pero nagmamadali siyang sumakay ng taxi. Tinanaw niya ang lalaki na napasabunot sa sariling buhok habang nakahabol ng tingin sa sinasakyan niyang papalayo na. Lalo siyang napaiyak. Bakit nagkagusto siya sa isang lalaki na walang kakayanan na ipagtanggol ang sarili mula sa isang demonyong ama nito? Sana ang ama na lang ni Vince ang kinuha ng Diyos at hindi ang Papa niyang mabuting tao. Napatigil si Nathalia sa paghikbi nang maulinigan ang balita sa radyo na umi-ere sa car stereo. “Sabi ng kandidato sa pagka bise Presidente na si Don Ignacio San Andres, hindi matatawaran ang serbisyo ng driver/bodyguard niyang nabaril. Baka raw para sa kanya ang bala pero mintis ang tama kaya kay Mr. Subido napunta ang bala.” iyon ang narinig niyang sinasabi ng reporter. Muling bumalong ang mga luha niya. Ano ba ang totoo? Kung may tangka sa buhay ni Don Ignacio ay imposible na ang ama niya ang tamaan. Wala naman sinabi na sinalo ng ama niya ang bala para matandang demonyo, bakit naman ang ama niya ang nawala? Hindi kailanman magha-hire ng palpak na gunman ang isang tao na may ipinapapatay. Talagang ang Papa niya ang puntirya no’n, pero bakit? Bakit papatayin ang ama niya? Mabait na tao ang Papa niya at hindi siya naniniwala na may ginawa iyong masama. Paano na siya ngayon? Paano na siya tatayo pa? Wala na ang Papa niya at ni hindi na sila nakakapag-usap pa tapos ay bigla na lang siyang iniwan na mag-isa. Pagkababa niya sa tapat ng morgue ay kaagad siyang napatulala at tinakasan ang mga mata ng luha. Basang-basa siya pero wala siyang pakialam. Gusto niyang yakapin ang Papa niya kahit wala na ito. At kung may isang bagay man siya na hihilingin sa mga oras na iyon ay ang buhayin ulit ang kaisa-isang magulang na meron siya. “Miss, bayad mo. Two hundred eighty.” anang driver sa kanya na nakababa na rin pala ng taxi pero hindi siya nakaimik. Huli na para maisip niyang wala siyang pera. “M-Manong nakalimutan ko p-po y—” hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang umikot ang long-haired na driver sa may kinatatayuan niya at saka pumameywang sa harap niya, matapos na lamukusin ang sariling mukha. Nanigas ang panga niyon. “Anak ka ng tinapa! Sumakay ka ng taxi ko, dis oras ng gabi pero wala kang pera? Galing ka sa subdivision ng mga mapepera pero ni isang kusing wala ka?” parang gigil na sabi niyon sa kanya. Bumuka ang bibig niya para magsalita pero hinablot ang lalaki ang kanyang braso at inalog siya. Nathalia was shocked. She tried to brush off the man’s hand but he’s too strong. Napasulyap iyon sa basa niyang dibdib at ngumisi. “Pwedeng isang mabilis na lang ang bayad.” lalong naging mala demonyo ang ngisi noon. “A-Anong mabilis?” takang tanong niya kasusunod ang paglunok ng laway pero nariyan na ang kaba sa dibdib niya kaya nagpumilit lalo siyang makawala. “Tulong!” sigaw ng dalaga pero sarado na ang morgue at sa gilid na lang ang bukas na daan kaya yata wala sa kanyang makarinig. Binuksan ng lalaki ang passenger’s door kaya mas lalo siyang nanlaban dahil pilit siyang ipinapasok sa taxi. “Ayoko! Ayoko! Demonyo ka!” she cried and tried to kick him but he pulled her hair. “Ayoko please! Babayaran kita bukas. Please naman, ayokong sumama sa’yo.” pagmamakaawa niya at lalo lang siyang napaiyak. Ano bang pasakit iyon sa kanya at bakit ganoon kabigat? She’s so young and she doesn’t even know if she can cope with those things. “You’ll let her go or I’ll shoot your gaddamn head?” tanong ng malumanay pero maangas na boses sa likuran ni Nathalia. Kaagad siyang napalingon at biglang nabuhayan ng loob nang mapagsino ang lalaking paparating hawak ang baril na nakatutok sa lalaking driver. “M-Mr. de L-Lorenzo,” usal niya pero ewan kung bakit mas lalo siyang napahikbi. Mahal pa rin kasi siya ng langit dahil naroon na naman ang lalaki ng sumaklollalo kanya kanina nang balewalain siya ni Vincent. “Bitiwan mo! Putang ina ka!” galit na sigaw nito sa driver na halos ikaigyad niya. Nagdilin ang mga mata ni Nexus. Salubong ang mga itim na kilay nito at lalong numipis ang dati ng may kanipisang mapupulang labi. Ikinasa nito ang baril kaya nagpanic si Nathalia at naitakip ang isang kamay sa tainga niya. Ang dalawang tauhan nito ay nakabuntot dito na waring kakasa rin kapag nagkagipitan. Ni hindi siya pinapansin ng binata at ang mga mata ay nakatutok lang sa taxi driver, walang kurap. Biglang lumuwag ang hawak ng driver sa braso niya kaya walang sabi-sabing tumakbo siya palapit kay Nexus at wala ring babala na napayakap siya rito, sabay siksik ng mukha sa dibdib nito. He welcomed her with his arm and wrapped it around her nape, making her feel comforted and safe. She sobbed and cried both in pain and gladness. Bakit ngayon ay pakiramdam niya na hindi siya nag-iisa? Bakit ganoon siya ka-safe sa pagkakayakap nito sa kanya gamit ang isang braso lang? Parang buong buhay na siyang maliligtas at may karamay sa simpleng kilos na iyon ng binata sa kanya. She can feel the pain but felt enlightened too, and it’s enough reason for her to let go of her grief and cry without hesitation on his chest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD