STEVAN KURT VILLEGAS MATAPOS kong maihatid ang bata sa harapan ng silid nila, naabutan ko na doon ang ginang na nag-aalalang lumapit sa kanya. Inakala ko‘ng iyon ang ina ng bata dahil sa pag-aalala nito, ngunit nang sabihin niya sa akin na hindi siya ang ina ng bata at isa lamang siyang yaya. Nakuryos na agad ako kung sino ang mommy ng batang ’yon. Napag-alaman ko rin na kambal ang binabantayan niyang bata. Madaling nahuli ang intrest ko dahil doon, ngunit hindi na ako nakapag-usisa pa. Pumasok na kasi ng silid ang bata at ang yaya nito ay nagpasalamat na sa akin. Hindi ko makalimutan ang batang iyon habang nakatayo ako sa harapan, napukaw lang ang atensyon ko ng makita ang head admin ng paaralan kung kaya’t lumapit na ako dito habang may kinakausap siyang babae. “Someone checking the

