(Pagsasama) Chapter 47 Cordaphia Pov. DAHIL sa mga sinabi sa akin ni stevan, hindi ako halos nakatulog. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Para ba‘ng isa akong dalaga na hindi malaman ang dahilan matapos siyang pagsalitaan ng ganoon. Alam ko‘ng lumipas na ang nangyari. Matagal ng panahon noong tumibok ang puso ko kay stevan. Ngunit hindi ko alam na magagawa pa rin niyang pabilisin ng ganoon ang puso ko. Sinasabi ko sa aking sarili na galit lamang ang nararamdaman ko kay stevan. Na wala na akong natitirang pagmamahal dito dahil sa ginawa niya sa akin. Ngunit bakit ako nagkakaganito? Naguguluhan ako. Ang usapan lamang namin ay ang mga bata. Ngunit bakit nais niya pa‘ng bumalik kami sa dati? “Normal na ulit ang resulta ng dugo ni Maurice. Wala na rin negative result sa mga l

