(The real Dahlia Gostavo) Third Person Pov. Matapos tangayin ni stevan ang kanyang dalawang anak palayo kay cordaphia. Dumiretso ito sa tirahan ni melinda, ang kanyang tiyahin na kapatid ni amelia. Kasama niya itong nagbiyahe pauwi, kinumbinsi siya ng ginang na dapat pag-usapan muna nilang mag-asawa ang tungkol dito ngunit walang naging imik si stevan. Hindi malaman ni melinda kung ano ang totoong dahilan ni stevan. Ngunit nasabi ng binata sa kanya na may aasikasuhin na muna ito at kailangan malayo ang mga anak niya sa kanilang ina. Naguguluhan man ang kanyang tiyahin na si melinda. Wala na lamang itong nagawa, nakasuporta pa rin naman siya sa pagmamahalan nilang dalawa ni cordaphia. Ang kaso nga lang ay hindi nito maintindihan ang kanyang pamangkin. Matapos ng isang oras na biyahe, n

