Sa labas ng kwarto ng ama sumalampak ng upo si shin sa sahig at walang pakialam kung marami ang nakatingin sa kanya.Kahit naman siguro sino magtataka dahil marami namang bakanting upuan pero bakit sa lapag sya umupo.At hindi nya napansin na isa si Teddy sa mga nakaupo doon.
habang pinapakalma ni shin ang kanyang sarili ipinikit nya ang kanyang mata isinandal ang ulo at likod sa pader habang nakapikit naalala nya Ang salo salo ng team nila na gaganapin mamayang gabi na pala yun.kinuha nya ang kanyang phone para tawagan si teddy at sabihin na Hindi sya pupunta.At nagulat sya ng tumunog ang phone ng taong nakaupo sa upuan sa harap nya.
"kuya teddy..."? nakatingin lang ito sa kanya ng seryoso.
"gusto ko lang sabihin na hindi ako pupunta mamaya sa salo salo ng team kaya ako tumatawag sayo".sabay tayo at naglakad papunta sa room ni mia.
subrang nahihiya sya kaya nya tinalikuran si teddy.pakiramdam nya galit ito sa kanya kaya sya iniwan kanina at hindi pinasakay sa motor nito.
"hayst!!!!nakakainis!! mamaya na kita pupuntahan best friend pag hindi na ako badtrip!"kausap sa sarili .
sabay liko sa fire exit pero hindi alam kung saan pupunta kaya naupo na lamang ito sa hagdan at huminga ng malalim.at gulat na napalingon ng may magsalita sa kanyang likuran.
"can we talk"?ani teddy sabay upo sa tabi nya.
Hindi sya kumibo hinayan nyang magsalita si teddy at nakinig lang sya.
"I'm sorry, hiNdi ko sinasadyang iwanan ka kanina,Hindi ko alam kung bakit iba ang naramdaman ko ng makita kong may kausap ka sa phone mo kanina at bigla mong tinapos ang tawag pagkakita mo sa akin.naguluhan ako hindi ko alam kung anu ba ang nararamdaman ko.
nag worry na baka may manliligaw kana,nagpapaligaw kana,or worst baka may boyfriend kana,hindi ko alam pero natakot ako."mahabang paliwanag nito.
"bakit,anung dahilan mo?".ani shin na nagtataka
nagulat sya ng makitang umiiyak na ito sa harapan nya,at mahigpit na hawak ang kanyang kamay.
"sweet heart,mahal kita matagal na at nag seselos ako. kinain ako ng matinding selos kaya nangyari yung kanina,I'm sorry".anito at walang tigil sa pagluha.
seryoso itong tumingin sa kanya habang umiiyak at lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay nya, at parang bomba na halos mabingi sya sa inamin nito sa kanya.nakanganga lang si shin at walang boses na lumabas sa kanyang bibig.
"sweet heart,let's talk about this ayusin natin to please"pakiusap ni teddy.
"ito ba ang dahilan kung bakit nandito ang tatay sa hospital?".tanung ni shin
tango lang ang isinagot ni teddy na nakadagdag lalo ng galit ni shin.
"putang ina naman kuya!".sabay tayo at hinablot ang kamay na ayaw pa rin bitawan ni teddy.
"sweet heart,ayusin natin to please....
"ayusin ang alin kuya? wala ng maaayos dahil Lalo mo akong binagsak sa paningin ng tatay ko,buong buhay ko pinaghihirapan kong makuha kahit kakarampot lang na tiwala ng tatay ko.hindi ko pa nga nakukuha binagsak mo na."dismayado at luhaang umupo ulit si shin.
"im sorry sweet heart hindi ko sinasadyang mahalin ka ng higit pa sa kapamilya."
"wala naman magagawa ang sorry mo nangyari na eh may choice pa ba ako syempre wala na.
sorry din,dahil noon pa man ramdam ko ng may malisya lahat ng ginagawa mo,ang pagyakap mo pati mga tingin mo,ramdam ko yun pero putang ina binaliwala ko dahil magpinsan tayo. Sana pala noon pa ako umiwas sainyong lahat.
"I'm really sorry sweetheart pero hindi mo kailangan umiwas ".
"mataas ang respeto ko sayo kuya teddy alam mo Yan.at sa mga magulang natin,Lalo na sa parents mo na naging magulang din sa akin."madamdaming pahayag ni shin.
"I know sweet heart gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko yun lang naman wala ng iba,gusto ko lang maging totoo sayo at sa sarili ko at sa buong pamilya natin kaya sinabi ko ang totoo sa parents natin ayaw ko rin magsinungaling sa kanila Lalo kila mommy dahil matagal na rin naman nilang alam ang nararamdaman ko sayo
"a-alam n-nila"?gulat na napatingin si shin.
"yeah matagal ko ng sinabi sa kanila kaya nga pinaghiwalay nila tayo ng kwarto nang mag twelve years old ka".
"ganun na katagal kuya,nagalit ba sila?
"yes matagal na pero hindi sila nagalit".
"paanong hindi nagalit?bakit ok lang ba sa kanila
na magkagusto ka sa akin?".tanung ni shin.
tango lang ang sagot ni teddy habang tumutulo ang luha nito.
"bakit"? naguguluhang tanong ulit ni shin.
"i don't know sweet heart,basta hindi sila nagalit".
"panigurado yari ako sa tatay nito".naiiyak pa rin na pahayag ni shin.
"stop crying na sweet heart,haharapin natin anuman ang mangyayari,walang magbabago ha,Wala tayong gagawin na kasalanan at higit sa lahat hindi tayo lalabag sa batas ng tao at sa batas ng dyos okay?nakangiting saad ni teddy habang nagpupunas ng sariling luha.
hindi umimik si shin dahil iniisip na nito ang galit ng ama oras na magkaharap sila baka isumpa sya ng mga magulang at palayasin pa.tahimik na lamang syang umiyak ng umiyak habang hindi pa rin binibitawan ni teddy ang kanyang kamay.
"umuwi kana kuya".
"pero sweet heart ayoko naman iwanan kang ganyan"?
"gusto kong mapag isa please".pakiusap nito.
"sweetheart promise me na walang magbabago sa atin kahit na anu ang mangyari".
"ok".maikling sagot nito na mariing nakapikit habang tumutulo ang luha.
malungkot itong tumingin sa kanya at dahan dahan na binitawan ang kanyang kamay.tumayo kaagad si shin at nagmamadaling iniwan si teddy sa hagdan ng fire exit.bumalik sya sa room ng tatay nya at luhaang niyakap ang ina.nagtataka naman ang ina kung anu ang nangyari sa anak.
"anak anung nangyari sayo"?.pag aalala ng ina.
"nay sorry po sa nangyari sa tatay,alam ko po ako ang dahilan kung bakit sya nandito".
"nakausap mo ba ang daddy Al mo anak?"
"si kuya teddy po ang nagsabi".
"kausap ko ang daddy Al mo kanina lang ipapasundo ka nya sa driver nya doon ka muna sa kanila anak bago pa magising ang tatay mo sige na an..."
"bakit nay",pagputol nito sa sasabihin pa sana ng ina.hinusgahan nyo na rin ba ako dahil sa ipinagtapat ni kuya teddy sa inyo?masama po ba ako akong anak?gusto nyo na ba akong mawala sa inyo?
"an...". "sabagay hindi nyo nga pinaramdam sa akin na bahagi ako ng pamilya kaya isang salita lang iba sira agad ako sa inyo di ba"?nanghihina si shin na tumalikod sa ina.
Hindi na hinintay na makapagsalita pa ang ina at iniwan na nya ito.sinilip lang din ang best friend at umalis na ng hospital.wala sa sariling naglakad ng naglakad hanggang nakarating sa isang park at dun naupo.doon din ibihos ang lahat ng luha at sama ng loob.ng tumingin ng oras sa kanyang phone 2:30 am na hindi na malayan ang oras sa kakaiyak.at nabahala dahil maraming missed call sa kanya lalo na si teddy,maging ang driver na susundo ay ganun din.nagmadali syang sumakay ng taxi para makauwi na.gising ang lahat ng dumating sya sa bahay nila teddy at nag aalala sa kanya.
"thanks God you're safe iha,saan ka ba nanggaling bakit ngayon ka lang".pag aalala ng kanyang mommy lou habang yakap sya Ng mahigpit nito.
"mommy lou,ok lang po ako sabi po ng nanay dito daw po muna ako sainyo ok lang po ba"?.
"ofcours iha you're welcome here,"
"thank you po", anitong naiiyak na naman
" pahinga na tama ng iyak iha magang maga na ang mata mo ".saan ng kanyang daddy Al.
"daddy Al", sabay halik sa pisngi nito.
"teddy ihatid mo na si shin sa kwarto".
habang bitbit ni teddy ang tinimplang gatas para kay shin nakasunod lamang ito at walang kibong naglalakad papunta sa kwarto nito.tuloy tuloy lang si shin papunta sa kwartong tutulugan nya at pagkapasok ay nilock agad ang pinto at hindi na pinakinggan pa ang sinasabi ni teddy.pumasok agad sa bathroom.pagkatapos maligo at magbihis ay humiga na sya sa kama at nakatulala lang sa kisame.
bumalik si teddy sa living room kung saan naroon ang parents nya,na bitbit pa rin ang gatas na hindi naibigay kay shin.Nagkatinginan lang ang mag asawa at sinabihan si teddy na hayaan na muna na makapagpahinga ito.
Kinabukasan maagang pumasok si teddy sa trabaho dahil tapos ang vacation leave nito.maging ang parents nito ay may mga business meetings na kailangan daluhan.
Samantala nagising si shin sa lakas Ng kalampag ng pintuan ng kanyang kwarto kaya napabangon sya bigla at binuksan ang pintuan...
"what happened to you!magpapakamatay ka ba!" sigaw ni Teddy sa kanya sa galit na boses.
"fake news",sabay talikod ni shin.
"kung fake news bakit hindi ka kumain maghapon at ni hindi ka nga daw lumabas ng room mo sabi ni manang".
biglang sumalampak ng upo si shin sa sahig na animoy hinang hina at sa gulat ni teddy ay biglang naitulak ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto.
"sweet heart"!malakas na sigaw ni teddy.
itinaas lang ni shin ang kamay na akala mo ay sumusuko kaya napahinton si teddy.
"patahimikin nyo muna ako please kakain ako pag nagutom ako hindi nyo kailangan na mag alala ok ako",
mahinang pakiusap ni shin na naabutang tagpo ng parent's ni teddy.awang awa man pero wala silang nagawa kundi ang isara ang pinto at iwanan ito.
"huling iyak mo na ito shin hinding hindi na tutulo ulit Ang luha mo".kausap sa sarili ni shin.
pagkatapos pakalmahin ang sarili nag isip sya Ng mga pwede nyang gawin at nagplano para sa sarili .isang taon na lang at magtatapos na sya kaya naisip nya na mag working student para hindi na sya hihingi ng allowance sa kanyang ina para sa pag aaral at makakapagbigay pa sya kahit papano sa nanay nya.hanggang sa nakatulugan ang pagpaplano.maaga syang nagising para gawin ang dapat.