"sina mommy lou at nanay kumain na ba?"tanong ko.
"tapos na sweet heart nagpapahinga sila"sagot ni kuya teddy.
napasulyap ako sa orasan na nakasabit sa dingding at nakita kong 9:45 na ng gabi at malamang na tulog na sila.
"manang kami ng bahala magligpit magpahinga kana po"saad ko bago umupo sa tabi ni kuya teddy.
"salamat iha"ani manag rosa bago naglakad papunta sa kwarto nya.
"nanay kumain ka na"saad ni kuya teddy.
"wag mo nga akong asarin"inis na singhal ko.
tumawa ito ng mahina habang nilalagyan ng tubig ang baso ko.
hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain.
"ayaw mo ba sa pagkain"? tanong ko ng di ito kumakain at nakatitig lang sa akin.
"gusto ko kaya lang inaantok na ako kaya kunti lang kakainin ko" sagot nito.
"okay"tanging nasabi ko.
pagkatapos namin kumain magkatulong din kami sa pagligpit ng pinagkainan kaya madali kaming natapos.
naglalakad na ako papunta sa sala ng biglang namatay ang ilaw kaya sa gulat ko ay bigla akong napalingon kay kuya teddy.
"pinatay mo?"tanong ko.
"yeah, why?"balik tanong sa akin.
"wala"inis kong sagot.
dumeretso ako sa sala at balak ko sanang lumabas at tumambay sandali para magpababa ng kinain dahil busog na busog ako.
ngunit bigla akong binuhat ni kuya teddy at patakbo itong umakyat ng hagdan.
"alam kong tatambay ka na naman sa labas sweet heart inaantok na talaga ako kaya hindi na kita masasamahan,sa kwarto ka na lang magpababa ng kinain mo ha please"saad nito.
"oo na, ibaba mo na ako!"inis na saad ko.
"ayaw ko nga gusto kitang buhatin eh"malambing na saad ni kuya teddy.
tumahimik na lang ako dahil kahit ano pa ang sabihin ko wala naman mangyayari ang gusto nya pa rin ang masusunod.
pagdating sa kwarto,binaba nya ako sa couch at agad itong naligo at naghanda na para matulog.
isang halik sa labi at mahigpit na yakap lang ang request nya at ayun nakatulog na ito.
hindi ako dalawin ng antok kaya lumabas pa rin ako at tumambay sa likod bahay.
ang lugar kung saan ko nararamdaman na payapa pati ang kalooban ko.
malaya akong nakapag iisip tuwing nandito ako sa likod bahay at pakiramdam ko parang nagising ako sa malalim na pagkakatulog.
napagdesisyunan ko rin na magtrabaho na kung ayaw ni kuya teddy sa pagiging bodyguard ko kay Don Miguel Villafuerte,maghahanap akong ibang trabaho at sisimulan ko na bukas.
wala na rin akong magawa para na kaming mag asawa magkasama sa kwarto magkatabi matulog at may nangyayari sa amin.
pero hindi nya nababanggit kung anu ang plano nya,kung may plano siyang magpakasal kami o ganito lang.
alam kong alam na rin ng mga magulang namin ang tungkol sa nangyayari sa amin.
ang gusto ko na lang sa ngayon ay ibalik ang dating ako.
ang shin na matapang,may paninindigan at alam kung anu ang gusto sa buhay.
hating gabi na ng pumasok ako sa kwarto namin at tulog na tulog na si teddy, yes sisimulan ko ng maging mature at responsabling tao.wala ng kuya teddy.
teddy na lang para sa pagbabago at pagpapaka mature.
*******************
"ang aga mo naman magising iha"saad ni manang rosa ng mabungaran ako sa kusina.
"good morning manang, pasinsya na po pinakialaman ko na ang kusina mo"saad ko.
"good morning din iha,mas gusto kong nakikialam ka sa kusina,namis ko na kaya ang mga luto mo"nakangiting sabi ni manang.
"tamang tama lang manang rosa tapos na ako magluto ng breakfast natin"nakangiti kong turan.
"sige iha gigisingin ko lang sila ma'am maaga silang aalis ngayon"saad ni manang.
"manang ako na po aakyat din ako"saad ko.at naglakad na paakyat ng hagda.
nakatanga lang si manang na parang manghang mangha sa akin.
wala naman bago sa akin maayos naman ang suot ko tumingin pa ako sa salamin para siguraduhin na maayos ako.
una kong pinuntahan ang dati kong silid na ginagamit na ni nanay ngayon.
gising na sya ng pumasok ako kaya hindi na ako nagtagal at sina kuya Alex at kuya Bryan naman ang ginising ko.
sunod ay ang kwarto ni mommy lou ang pinuntahan ko,matagal ko itong pinagmasdan na natutulog.
umupo ako sa tabi nya habang pinagmamasdan ang payapa niyang pagtulog hanggang sa namalayan ko ang aking sarili na umiiyak habang nakayakap sa kanya
nagulat ito at napayakap din sa akin.
" shin"tanging nasabi ni mommy lou.
"sorry po mommy lou,gigisingin lang talaga kita nakahanda na po ang breakfast natin"saad kong nakayakap pa rin sa kanya.
humigpit lang ang yakap nito at hinalikan ako sa ulo.
tinulungan kong bumangon si mommy at inalalayan papunta sa banyo.
"iha mauna ka ng bumaba susunod ako".saad ni mommy lou bago niya sinarado ang pintuan ng banyo.
bumalik naman ako sa kwarto namin para gisingin si teddy.
nakatiyaha ito at may nakapatong na unan sa mukha.
una kong tinanggal ang unan sa mukha nya, hindi pa rin ito gumalaw kaya naman hinawakan ko ang ang tiyan nito at dahan dahang hinaplos.
umungol lang ito at hinuli ang kamay ko pero nakapikit pa rin.
"sweet heart wake up"mahinang saad ko.
nagmulat ito ng mata sabay hila sa kamay ko kaya bumagsak ako sa ibabaw nya.
"teddy! napasigaw ako sa gulat at mahina ko itong hinampas sa braso.
umungol lang ito at mahigpit akong niyakap.
" good morning sweet heart",saad nito sa paos na boses.
hindi ako kumibo nakangiti at nakatitig lang ako sa mukha nya habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
ng magmulat ito ng mata at nangunot bigla ang noo.
"umiyak ka?may masakit ba sayo?sabihin mo sa akin dadalhin kita sa hospital". anitong natataranta sabay bangon na kasama ako.
"hey!stop im okay"saad ko.
"are you sure?bakit umiyak ka?"sunod sunod pa rin na tanong nito sa akin.
hindi ako nakakibo dahil para akong bata na nakaupo sa kanyang kandungan habang hinahanap kung saang parte ng katawan ko ang may galos na dahilan ng pag iyak ko.
"teddy I'm okay"saad ko sabay pigil sa kakahanap nya ng galos sa katawan ko.
"bakit ka umiyak? wag mong sabihin na hindi dahil maga at namumula ang mga mata mo".tanong nito.
"wag ka ng makulit basta okay ako"saad ko sabay tayo mula sa pagkakaupo sa kanyang kandungan.
"sigurado ka na okay ka lang ha"paninigurado pa nito.
"oo nga ang kulit,tumayo ka na jan nagugutom na ako"saad ko pa.
tumayo na ito at nagmamadaling pumasok sa banyo,umupo ako couch at kinalikot ang cellphone ko habang inaantay ko si teddy.
nakita kong may text message si ninang sally at binasa ko ito.
magandang balita daw dahil may donor na para sa heart transplant ni Mia, masayang balita iyon para sa akin kaya kailangan ko siyang puntahan mamaya.
pagkalabas ni teddy sa banyo ay agad na kaming bumaba para mag breakfast.
"si mommy lou"?tanong ko ng hindi ko makita sa hapag.
"hindi pa bumababa anak baka tulog pa"sagot ni nanay.
"ginising ko na po,pagka gising ko kila kuya"sagot ko.
parang bigla akong nakaramdam ng kaba kaya nagmadali ako at pupuntahan ko sana sa kwarto nya ng pigilan ako ni teddy.
"sit down sweet heart,ako nang aakayat".ani teddy.
umupo na ako at sinundan ko na lang ng tingin si teddy papanhik sa kwarto ni mommy lou.
pero hindi ko talaga maintindihan ang kabang naramdaman ko kanina ko pa kasi siya ginising dapat nauna pa siyang bumababa sa amin ni teddy.
"anu?"agad kong tanong ng bumaba si teddy na mag isa.
"pababa na sweet heart,nagbibihis lang"sagot ni teddy.
napanatag ako sa sinabi ni teddy,kaya inasikaso ko na lang ang pagtimpla ng kape nito at ng dalawa kong kuya.
bago pa ako matapos sa pagtitimpla ng kape dumating na nga si mommy lou na bihis na bihis na para pumasok sa office nito.
pagkatapos ng breakfast namin ay isa isa na silang umalis ng bahay.
"sweet heart baka gusto mong sumama sa akin sa office"tanong ni teddy habang inaayos ko ang kanyang kurbata.
"hmmm, wag na abala lang ako doon saiyo,"sagot ko.
"hindi ka mabobored dito?"tanong nito.
"hindi"sagot ko.
"mamimis mo ako"? nakangiting tanong pa nito.
"lalong hindi"!asar na sagot ko.
"are you sure?"muling tanong nito habang mahigpit ng nakayakap sa beywang ko.
"hindi nga"!sagot ko pa.
"ako namimis na nga kita kahit hindi pa ako umaalis" anitong nagsumiksik pa sa leeg ko.
"oo na, pupuntahan ko lang si mia tapos deretso na ako sa office mo"sabi kong nakangiti.
lalong humigpit ang yakap nito at pinanggigilan pang kagat kagatin ang leeg ko.
"i love you sweetheart"anito sabay halik sa labi ko.
"late kana sa meeting mo"paalala ko sa kanya.
"hindi ako aalis hangga't wala akong naririnig na i love you too". anitong nakasimangot.
"ang arte! bahala ka diyan mauna na ako sayo"saad ko sabay talikid.
ngunit naalala ko bigla na wala na pala akong pera,kaya dahan dahan akong humarap ulit sa kanya at nakangiwi pa.
habang siya ay nakangiti at nakabukas ang mga braso para yakapin ako.
"i knew it sweet heart"saad nito at tumawa pa.
"wag ka ng maarte late kana"sabi ko sabay kurot sa tagiliran nya.
"ihahatid na kita,malapit lang sa hospital ang meeting ko with the client"saad pa nito.
"okay"sagot ko.
sabay na kaming umalis ng bahay habang nasa byahe hindi ako mapakali,hindi ko alam kong paano ko sasabihin na wala akong pera at hindi ko alam kung paano hihinga ng pera sa kanya.
"what is it sweet heart"?biglang tanong ni teddy.
"eh...w-w-wala". nauutal kong sagot.
"meron kaya sabihin mo na,nahihiya ka pa rin ba sa akin?"saad nito sa malungkot na boses.
lalong hindi ako nakakibo at makapagsalita dahil hindi ko na alam kong ano ang tamang salita para sabihin na wala akong pera.
hanggang sa huminto na ang sasakyan dahil nasa harap na kami ng hospital kung saan ako pupunta.
tinanggal nya ang seatbelt niya at saka dumukwang sa akin.
niyakap nya ako ng mahipit at hinalikan sa pisngi.
"babalikan kita after ng meeting ko tapos sabay na tayong pumunta sa office".sabi nito habang tinatanggal ang seatbelt ko.
"eh....hindi ba ako makakaabala sa work mo"tanong ko.
"no baby hindi ka abala"sagot nito.
"okay b-baba na ako"paalam ko at hahalik sana ako sa pisngi nya ngunit hinuli nya ang labi ko.
"i put something in your wallet baby,i know you need it" nakangiting saad nito.
biglang nawala ang hiya ko at niyakap ko siya ng mahigpit.
"thank you sweetheart"saad ko bago sya pakawalan.
"i love you lang sapat na"anitong nakasimangot.
"i love you "sabi ko na may kasamang matamis na ngiti.
"i love you more baby"anitong nakangiti rin ng ubod tamis.
"bye....ingat sa pagdadrive sweet heart"sabi ko at bababa na ng kanyang kotse.
"ihahatid po muna kita sa room ni mia may oras pa naman ako"anitong nakangiti.
"wag na,kaya ko na,mamaya ka na lang pumunta pag sundo mo sa akin".saad ko at pinigilan syang bumaba pa ng sasakyan.
pinanliitan lang ako nito ng mata pero pumayag din sa huli na wag na akong ihatid pa.
dumaan lang ako sa isang coffee shop para ibili ng kape sina ninong joey at ninang sally at ilang piraso ng cupcakes na pasalubong.
magbabayad na ako sa counter ng makita ko ang something na sinasabi ni teddy na nilagay niya wallet ko.
"something ba ang fifty thousand cash at credit card"saad ko sa isip.
kailangan ko na talagang magtrabaho para magkaroon na akong sariling pera at para hindi na rin ako pabigat.
pagdating ko sa room ni mia si ninong joey lang ang nadatnan kong nakaupo lang siya habang hawak nito ang kamay ni mia at nakatulala.
"morning ninong mano po,"saad ko sabay abot ng kamay niya para mag mano.
"ikaw pala shin pasinsya ka na hindi kita napansin" hingi ng paumanhin ni ninong joey.
"ayos lang po, kumusta na po kayo ni ninang sally, si Mia po kumusta na"?sunod sunod kong tanong.
"maayos kami ng ninang sally mo shin,si mia naman naka schedule na ang operations niya sa susunod na buwan, successful na operations anak ang kailangan natin na ipagdasal".naluluhang saad ni ninong joey.
"kahit hindi po ako nakakadalaw nitong mga nakaraan hindi po nawawala sa mga dasal ko si Mia ninong, magiging maayos din po lahat".saad ko.
"iyan din ang dasal namin palagi ng ninang sally mo".tugon ni ninong joey.
"may dala po akong kape ninong para sa inyo ni ninang sally"saad ko para maiba naman ang bigat kasi ng usapan namin.
tinanggap naman ni ninong joey ang kape na binigay ko sa kanya at tahimik lang siya na nagkakape habang malalim ang iniisip.
sandali lang kaming nagkakwentuhan ni Mia dahil bawal sa kanya ang mapagod.
sinabi ko na rin sa kanya ang tungkol sa amin ni teddy basta ang sabi nya kung masaya ako masaya rin daw sya para sa akin.
ako ang pansamantalang nagbantay kay Mia dahil kailangan ng pumasok sa trabaho si ninong joey.
may inaasikaso lang daw kasi si ninang Sally kaya medyo late ito darating.
dahil wala pa naman akong text na natatanggap mula kay teddy kaya nagpresenta na akong ako muna ang magbabantay kay Mia.