PIERES KEN SUSON P.O.V Habang nagmamaneho ako pabalik ng aking condo ay iniisip ko pa din si Venus at kung kumusta kaya silang dalawa ni Kuro sa condo ngayon. Binilisan ko na ang pagpapatakbo sa aking kotse ng sa gayon ay makarating na agad ako sa condo. Bumili din muna ako ng isang box ng dunot na sana ay magustuhan din ni Venus. Hanggang sa nakauwi na nga ako sa aking condo at masaya pa akong naglalakad at ng tumapat sa pintuan ng aking condo ay agad ko itong binuksan at tumambad sa akin ang usok na nagmumula pala sa kusina at si Venus ay nandun habang nakasalang sa kalan ang kawali na umaaboy na at nagdudulot ng usok sa buong condo. "Venuuuusss!" Malakas na tawag ko sa pangalan nito at ng humarap ito sa akin ay makuha luha na dahil siguro sa usok o dahil sa nasigawan ko ito ngayon

