VENUS PRIA SAZER P.O.V Nagtatalo ang aking isipan kung hahayaan ko ba si Ken sa nais nitong mangyari, ngunit sa huli ay nanaig pa din ang pagmamahal ko dito. Kaya kahit na nagtago ito ng lihim sa akin ay tila madali ko lamang itong mapapatawad. Hanggang sa makailang ulit pa na may mangyari sa amin nito at sa huli nga ay hindi ko na alam kung ano pa ang mga nangyari. Nagising na lamang ako ngayon sa madilim na silid at nagpalinga linga ako,dahil tila hindi ito ang silid ni Ken. Nang aking tingnan ang buong paligid ay tila nakabalik na ako sa aking panahon at ang silid na ito ay aking mismong silid sa tahanan namin Bumangon ako at lumabas ng aking silid. Sa aking paglabas ay nakasalubong ko si Mari. “Mariiiii!” Tawag ko pa dito na may tuwa sa aking boses dahil nangulila ko dito ng so

