PIERES KEN SUSON P.O.V Sumugod sa amin ang babaeng nakatakip ang mukha at papunta ito ngayon sa direksyon ni Gwen kaya naman si Kairo ay hinanda ang kanyang sandata para ito ay labanan. "Ginoong Ken,ako na ang bahala dito iligtas mo si Gwen,. ngayon na pakiusap!" Sabi ni Kairo sa akin kaya naman hinawakan ko ang mga kamay ni Gwen ngunit umiling ito sa akin. "Hindi ko iiwan si Kairo dito Ken,"at kung kapalaran ko na mamatay ngayon ay wala akong panghihinayangan." Sabi ni Gwen sa akin at lumapit na ito kay Kairo. Ang aking balak sana ay ilalayo ko muna ito saka aking babalikan si Kairo para tulungan sa babaeng hindi pa din namin nakikita ang mukha ngayon na sana ay nagkakamali lamang ako ngayon aking Venus. "Gwen!" Anong ginagawa mo dito aking asawa,hindi ba't sinabi ko na sumama ka mun

