CHAPTER:2

1604 Words
Pieres Ken Suson P.O.V Nakasakay na kami ngayon sa aking sasakyan at nakasunod naman sa amin aking mga bodyguard. "Nakakamangha naman mahal na prinsepe ang ganda po dito,saang emperyo po ba ito at tila ngayon ko lang nalaman na may ganito palang kaganda na lugar?" Tanong sa akin ng babaeng aking nasagasaan na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang kanyang pangalan. "Miss,hindi ko maintindihan kung ano ang mga sinasabi mo,pero maari ko ba na malaman ang iyong buong pangalan ng sa gayon ay maiuwi na kita sa iyong pamilya? Tanong ko dito. "Mahal na prinsepe Kairo,galit ka po ba sa akin at bakit tinatanong mo pa ang aking pangalan,alam na alam mo naman ito at bakit ayaw mo ng tawagin kitang mahal na prinsepe tulad ng aking nakagawian na itawag sayo bilang iyong nasasakupan at magiging iyong kabiyak na din?" Saad nito sa akin na may namumulang mga mata na tila iiyak na at tila din nahipnotismo ako sa ganda ng mga mata nito na ngayon ay nakatitig sa akin. "Okay sige tawagin muna akong mahal na prinsepe at huwag ka lamang umiyak,sambit ko dito at nagulat na lamang ako ng bigla itong yumakap sa akin habang ngmamanego ako. "Salamat mahal na prinsepe ang aking akala talaga ay galit ka sa akin kaya ayaw mo ng tawagin kita na mahal na prinsepe Kairo na nakasanayan ko ng itawag sayo mula ng ipakilala ka sa akin ng aking ama at Ina,,sambit nito sa akin habang nakayakap pa din dahil sa akin. "Miss bitawan mo ako,dahil baka mabangga tayo,,utos ko dito sa mahinahon na boses dahil baka you umiyak na naman ito kapag aking nasigawan,,kaya naisipan ko na din na dapat kapag kausap ko ito ay lagi dapat na mahinahon ang aking pananalita para hindi ito matakot sa akin,bumitaw naman agad ito sa pagkakayakap sa akin at bumalik na sa kanyang inuupuan kanina sa aking tabi. "Mahal na prinsepe,ano po ang tawag sa hayop na ito,dahil sa ating kaharian ay wala naman ganitong klaseng hayop at maging ang mga maharlika na pamilya katulad ay walang ganitong karwahe,ito din ang hayop na tumatakbo kanina na aking iniiwasan dahil napaka bilis at tulin nila kung tumakbo,kaya lang ay ang iyong karwahe ang hindi ko naiwasan at dahil nagugutom na din ako sa paghahanap sa lagusan pabalik sa ating kaharian na hindi ko matagpuan kung saan,,mabuti na lamang po at nakita mo ako dito."Mahabang wika nito sa akin na pinaliwanag na din niya kung bakit nasa gitna siya ng kalsada kanina. "Miss maari ko ba na malaman ang iyong tunay na pangalan,dahil nakalimutan ko din ito ng mapunta ako dito?" Tanong ko na lamang dito at nagawa ko pa na gumawa ng kwento para lamang aking malaman ang kanyang pangalan. "Kaya naman po pala tinatanong mo ang aking ngalan,dahil nakalimutan mo ito mahal na prinsepe,pero naiintindihan ko po,dahil kagaya mo ay naniniwala din ako sa lugar na ito na ating napuntahan,sagot nito sa akin sa malungkot na boses at mabuti na lamang hindi ito umiyak. "Ako po si Venus Pria Sazer anak ng aking amang heneral na si Vero Sazer at ng aking butihing ina na si Anghela Sazer na iyong matagal na din na mga tagapaglingkod mahal na prinsepe Kairo,bago pa man po tayo ipagkasundo ng inyong mahal na amang hari at ng aking mga magulang ay naging matapat na po talaga tagapaglingkod ninyo ang aking mga magulang." Mahabang kwento nito sa akin na maging ang kanyang mga magulang ay sinabi na din nito ang mga pangalan sa akin,ngayon ay mabuting hanapin ko na sila bago pa ako,mabaliw sa mga sinasabi ng babaeng ito na muling pumukaw sa aking atensyon na kahit na ideny ko pa ay hindi pa din ito maipagkakaila na may kakaiba sa gandang taglay nito na ayaw ko na munang intindihin sa ngayon. Ang mahalaga sa ngayon ay maibalik ko muna ito sa kanyang pamilya na mukhang kakailanganin ko din ang tulong ni pinuno dito na walang iba kundi Paolo. "Sige Venus magpahinga ka na muna ulit at kapag nasa condo na tayo ay muling kitang gigising okay!" Wika ko dito habang nakangiti. "Masusunod po mahal na prinsepe!" Sagot nito sa akin na nakatingin pa din sa mga nakikita niya sa labas ng bintana ng aking kotse. Pinagmasdan ko muna ito halos kita sa kanyang mga mata ang saya sa mga nakikita nito,kaya hinayaan ko na lamang ito. "Mahal na prinsepe napakarami nilang ganito katulad ng ating sinasakyan na sumasabay sa atin."Muling saad nito sa akin na natawa na lamang ako,dahil ang tingin niya sa mga kotse ay mga hayop na may buhay at hindi pinapagana ng makina,,parang gusto ko na din na maniwala na hindi ito nabibilang sa aking panahon o baka naman talagang nababaliw na ito dahil sa kaka pantasya sa aming grupo. Nagpukos na lamang ako sa pagmamaneho para naman makarating na agad kami at makapagpahinga na din. Makalipas ang halos tatlong oras ng byahe ay nakarating din kami sa aking condo at paglingon ko kay Venus ay nakatulog na pala ito. Para itong anghel sa ganda niya na kahit sinong lalaki siguro na makakakita dito ay tiyak na mabibighani talaga sa gandang taglay nito. "Venus,tawag ko sa pangalan nito,pero tila tulog na tulog talaga ito at minabuti ko na lamang na buhatin ito nakasunod naman sa akin ang mga bodyguard na siyang nagdala ng aming mga dala ni Venus. Karga karga ko ito na parang bagong kasal at yumakap pa ito ng mahigpit sa aking leeg na tila inaamoy pa nito kaya naman ramdam ko ang pagkabuhay ng aking alaga dahil sa ginagawa nito ngayon sa akin. Binilisan ko na lamang ang aking mga hakbang hanggang sa makarating na kami ng pinto ng condo ko. Nilagay ko ang card at agad ng pumasok sa loob nito. Ibinaba ko muna si Venus sa malaking sofa. Sinabihan ko na din muna ang aking mga bodyguard na maari na silang makauwi,dahil safe naman na kami dito sa aking condo. "Maraming muli sa inyo, mag-iingat na lamang kayo sa inyong pag-uwi!" Saad ko sa kanilang lahat at nag abot din ako ng pang meryenda nila kung sa kanila man na magutom sila sa daan habang pauwi sa kanilang mga pamilya,dahil kung tutuusin ang iba sa kanila ngayon ay day off,pero isang tawag lamang sa kanila ni Paolo ay agad silang nagtungo kanina at pinuntahan ako. "Naku boss,responsibilidad at tungkulin po namin na maging secure kayo at ang mga malalapit sa inyo,dahil bilang bodyguard ninyo ay iyon ang tungkulin namin."Sagot sa akin ni Vince na sinang-ayunan na din ng apat pa niyang kasama ngayon. "Salamat Vince at sa inyo din lahat,sana lamang ay hindi kayo mapagod na maglingkod sa akin." Pasalamat ko sa kanila habang nakangiti nagpaalam na din sila at tuluyan ng umalis. Aking binalikan si Venus sa sala kung saan ko ito iniwan kanina,pero nawala itong bigla,kaya naman nabuhay ang takot sa aking puso na baka kung saan na ito nagpunta,hinanap ko ito sa buong condo at aking nakita ito na masayang nakikipaglaro kay Kuro ang aking alagang pusa na himala at nakikipaglaro din ito kay Venus, samantalang napaka sungit nitong pusa sa ibang tao "Venus,tawag ko dito at lumingon naman ito sa akin. "Mahal na prinsepe, paumanhin po kung nawala akong bigla,aking nakita kasi ang napakagandang pusa na ito na gusto din akong maging kaibigan,sambit nito sa akin na parang sinasabi niya na din na naiintindihan niya si Kuro na ikinangiti ko na lamang. "Okay lang Venus,mabuti nga at magkasundo kayo ni Kuro para habang hinahanap ko ang iyong pamilya ay iiwan ko sayo si Kuro." "Bakit mo hahanapin ang aking pamilya mahal na prinsepe sila ay nasa kaharian lamang at naghihintay na tayo ay umuwi mahal na prinsepe." Sambit nito sa akin na hindi ko din alam kung bakit paulit ulit niyang sinasabi ang kaharian at ako ay isang prinsepe. "Mabuti pa Venus kumain na muna tayo okay,nagpabili di ako ng makakain natin sa aking mga bodyguard,dahil alam ko naman na iinom ka pa ng iyong gamot na nireseta kanina ng doktor na tumingin sayo sa hospital." Pag-aya ko dito. "Maari ba natin na isama sa hapag kainan ang napaka gandang nilalang na ito mahal na prinsepe,tanong nitong muli sa akin. "Sige na dalhin mo na siya dahil madalas naman talaga kami lang ni Kuro ang magkasamang kumain palagi dito sa condo,dahil malayo ang aking pamilya." Pagpayag ko sa kagustuhan nito na isama si Kuro sa pagkain namin na dalawa ngayon. Pumunta na kami sa dining area at ako na din ang naghanda ng aming makakain. "Mahal na prinsepe ako na po ang maghahanda ng inyong pagkain!" Muling sambit nito sa akin. "Maupo ka na lamang muna diyan Venus,dahil ako na ang bahalang maghanda nito." "Ngunit mahal na prinsepe tungkulin ko po bilang inyong magiging kabiyak na pagsilbihan at mahalin kayo ng buong tapat!" Sansala pa nito sa akin at tila tatayo pa sa kanyang kinauupuan. "Alam mo Venus,tulad ng aking sinabi ay ako na muna ang bahalang maghanda ng ating makakain at gusto mo na huwag akong magalit sayo ay sundin mo na lamang ang aking utos!" Wika ko dito at nanahimik na din ito, akung ibinigay ang isang order ng chicken dito at nilagyan ko na din ng kanin. "Ito kainin mo ito at ng makainom ka na ng iyong gamot Venus,utos ko dito at ng makita nito ang pagkain na aking ibinigay ay inamoy niya muna ito. "Mukhang masarap ang amoy nito mahal na prinsepe at nakakatakam,kaya naman kakainin ko na po gaya ng inyong utos sa akin." Sagot nito sa akin ng may mga ngiti sa kanyang mga labi na nakakapag pangiti sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD