KAIRO ALAS HACIERDO P.O.V Habang nasa kabayo ay tahimik lamang si Venus at nagsasalita lamang kapag aking kinakausap. Hanggang sa makarating na kami sa palasyo ay naging magiliw naman ang naging pagsalubong sa kanya na noon pa man ay talagang gustong gusto na ito para sa akin. "Venus iha mabuti naman at muli kang nagpunta dito, nalalapit na ang kasal niyo ni KAIRO ay iilang beses pa lamang kita nakakasama iha."Bungad agad dito ni ina na tila labis ang saya ngayon na nandito si Venus sa palasyo. Bigla din lumitaw si Corrine na nandito din pala. "Venus ako nga pala ang pinsan ni prinsepe Kairo na si Corrine at ikinagagalak ko na makita at makilala ka susunod na magiging Reyna ng Konan." Saad dito ni Corrine na alam kung nakikisama lamang sa sitwasyon ngayon at sana lamang ay huwag na di

