Denis Lindsey Blancaflor Point of View
“E anong plano mo?” alalang tanong sakin ni Edz habang nagkain kami dito sa Kuja J Sm Rosario.
“Naniniwala ka bang pwedeng magmahal ng dalawang tao?” sagot na tanong ko sa kanya.
Hindi ko rin kasi talaga maintindihan ang sarili ko.
Kung pwede ko nga lang sana balikan ang nakaraan at alam kong magiging ganito pala ang sitwasyon ko, sana hindi na ako sumama kay nanay dito sa Cavite.
“Hindi.” Diretsong sagot ni Edz.
“Pwede kang magkagusto sa maraming tao pero isa lang ang pwede mong mahalin. Isa lang ang puso natin eh” makahulugang sagot niya.
“Ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang dapat mong gawin Denis… Ikaw ang gagawa ng destiny mo” dugtong niya.
“Oh ayan na pala sundo mo” sunod niyang sabi sabay turo sa paparating na si Powell. Nilapitan niya ako at kinisan niya ako sa pisngi.
“Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya.
“Tapos na. Halika na…” yakag niya sakin.
“Edz, chat nalang kita mamaya. Salamat ha…” huling sabi ko sa kanya at iginiya na ako ni Powell palabas ng Kuya J.
Nagsimula na kaming maglakad lakad. Pakiramdam ko nga ay napakalaya namin dahil parang wala lang kay Powell kahit napakaraming tao dito sa Sm Rosario ngayon. Hindi niya iniisip na baka may makakita samin at malaman pa ni Danica.
“Tara?” sabay angat niya sa dalawang tickets na hawak niya habang nasa harapan kami ng cinema area. Nginitian ko siya at sabay na kaming pumasok sa cinema 4. Beauty and The Beast.
Naupo kami sa pinakadulong bahagi ng sinehan. Naakbay sakin si Powell habang nakadantay naman sa kanyang balikat ang ulo ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ramdam na ramdam ko yung saya sa ganitong sitwasyon namin ni Powell.
Nagsimula na ang palabas.
Tahimik kaming lahat dito sa loob ng sinehan. Ang tanging maririnig lang ay ang scenario na musical play sa malaking screen. Si Belle.
“Beyb pakiss nga ako…” bulong niya sakin.
“Tumigil ka nga Powell. Manuod ka nalang” suway ko sa kanya.
“Isang kiss lang naman, damot mo. Mas gusto mo siguro yung kiss ng amo mo” pangungunsensya niya sakin.
Umayos ako ng pagkakaupo.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at inilapat ko ang labi ko sa labi niya.
Bigla ko nalang naiwang ang labi ko dahil sa nagpicture sa isipan ko.
“Oh bakit?” takang tanong niya sakin.
“Wala. O ayan ha… nakiss na kita. Nuod na tayo” ngiti kong sabi sa kanya at muli ko ng itinuon ang atensyon ko sa pinapanuod namin.
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap sakin ni Powell.
“Beyb makikipaghiwalay na ako kay Danica…” seryosong sabi niya sakin dahilan para mawala ang atensyon ko sa pinapanuod namin. Kinalas ko ang pagkakayapos niya sakin at humarap ako sa kanya.
“Powell diba napag-usapan na natin yung tungkol diyan?” seryosong sagot ko sa kanya.
“Ayaw mo ba nun? Para maging legal na tayo. Para kahit anong oras pwede na tayo magkita, para pwede na kitang sunduin at ihatid sa school, ayaw mo ba nun?” sinserong paliwanag niya sakin.
“Powell, ako yung mali. Yung ginagawa natin yung mali. Kapag ginawa mo yun lalo lang magiging kumplikado ang sitwasyon natin” paliwanag ko sa kanya.
“Para maging tama na rin itong ginagawa natin…” dugtong niya.
“Hindi kailanman magiging tama yung ginagawa natin Powell… kahit nga yung nararamdaman natin mali din eh…”
“Mahal mo ba si Danica?” seryosong tanong ko sa kanya.
“Mahal kita Lindsey…” sagot niya.
“Iba naman ang sagot mo eh… Ang tanong ko kung mahal mo si Danica?” pag-uulit ko.
“Oo… pero maha-“
“Oh mahal mo pala si Danica eh… kaya huwag mo na ulit babalakin yung sinabi mo kanina ha…” malumanay na sabi ko sa kanya.
Matapos ang pinapanuod namin ay kaagad na kaming lumabas ng sinehan. Gusto pa kasi maggala-gala ni Powell at gusto daw niyang sulitin ang buong araw na ito. Nagpatuloy kami sa paglalakad lakad hanggang sa naagaw ang pansin ni Powell ng isang jewelry shop. Hinila niya ang kamay ko papasok sa loob nun.
“Wowwwww” bulong ko nung makita ko ang mga nakadisplay sa loob ng crystal glass.
May tinuro si Powell at agad naman iyon kinuha nung babaeng nag-aassist. Hindi ko siya inintindi. Umikot ikot ako dahil ang gaganda ng mga nakikita ko. Gold, silver at ewan ko ba kung ano yung tawag sa pinagsamang silver saka gold.
“Tara na…” yaya sakin ni Powell. Hawak hawak niya ang kamay ko at iginiya niya ako dito sa second floor view site. Dito kitang kita ang mga nagdadaanang mga sasakyan at yung nakadisplay sa ibabang bahagi nitong SmR na magagandang ilaw na iba iba ang kulay.
Pareho kami nakatingin ni Powell sa ibaba.
Medyo malamig na ang hangin dahil bermonths na.
Magsisimula na nga agad ang second sem ngayong darating na lunes eh. Ganun kabilis ang panahon.
Dahan dahang humarap sakin si Powell.
Hinawakan niya ang kamay ko.
“Powell…”
Bahagya niyang itinuon ang kanang paa niya.
Hindi ko alam pero ramdam ko ang namumuong luha sa magkabilang pisngi ko sa mga oras na ito.
“Lindsey…” mahinang pagtawag niya sa pangalan ko na naging dahilan na ng tuluyang pagtulo ng luha ko.
“Will you be my Belle?”
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Akala ko hanggang pangarap lang ito. Akala ko sa mga napapanuod ko lang sa youtube makikita yung mga ganitong scenario. Pwede din pala sakin.
Lalong nagdaloy ang mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa emosyong nararamdaman ko.
Tumango ako sa kanya. Hindi kasi ako makapagsalita dahil sa nagbabadyang hikbi na nararamdaman ko.
Dahan dahan niyang isinuot sa daliri ko ang white gold na singsing. Saktong sakto ito sa daliri ko. Matapos yun ay umayos siya ng pagkakatayo. Nakaharap siya sakin.
“Mahal na mahal kita Lindsey…” sabi niya kasunod nun ay idinampi niya ang labi niya sa labi ko.
Alas nueve na nung naihatid ako ni Powell. Nandito na kami sa harapang gate nila Sir Yvan.
“Pano? Kita nalang tayo sa Monday” sabi niya sakin.
“Sunduin kita ha…” dugtong niya.
“Oooops! Hindi pwede. Alam mo na-”
“Oo na… alam ko hindi pa right time” nakanguso niyang putol sa sinasabi ko.
“Basta sakin ka na ha…” paninigurado niya habang hawak hawak ang kamay kong sinuutan niya ng singsing.
“Osya lakad na… gabi na…” paalam ko sa kanya.
“Ayyyy! Tinataboy mo na ang mapapangasawa mo?” sagot niya.
“Tumigil ka nga sa kalokohan mo Powell… Ingat ka pag-uwe ha… lakad na…” pangbabara ko sa kanya.
“Aba! May nakakalimutan ka yata Mrs. Ricafrente!” mayabang niyang sabi sakin.
“Yung kiss ko? Hindi pwedeng wala nun! Mawawalan ako ng energy pauwe kapag walang kiss” pagpapa-cute niya.
Nilapitan ko siya at idinampi ko ang labi ko sa pisngi niya.
“Ay! Hindi makaka-full tank yan kapag sa pisngi lang” reklamo niya dahilan para mapangiti ako.
“Ganito yung pag-full tank” sabi niya kasunod nun ay ang paghila niya sa kamay ko at pinagdikit nanaman niya ang labi naming dalawa.
“Pano? Uwe na ako. Full tank na… sa susunod ibang full tank naman ha… Labyu Mrs. Ricafrente” huling sabi niya at kaagad na siyang umalis at naglakad papalayo.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Gising pa pala sila Sir Anton at kausap niya si Maam.
“Magandang gabi po Sir, Maam” bati ko sa kanila nung dumaan ako sa gilid nila.
“Hindi mo ba kasama si Yvan, Denis?” tanong ni Sir Antok sakin.
“Hindi po sir…” magalang kong sagot.
“Ilang gabi na yang ginagabi ng uwe. Hindi man lang nagpapaalam. Ayaw sagutin ang tawag ko” tukoy ni Sir Anton kay Sir Yvan.
“Sige na Denis. Magpahinga ka na. Kami na bahala mag-antay kay Yvan” sabi ni Sir Anton. Hindi na ako nagsalita pa. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis na ako ng pambahay. Kinuha ko ang laptop ko at nagtungo ako dito sa garden. Hindi pa naman kasi ako inaantok kaya eto nag-aabang nalang ako ng update sa AMKB Book V. (Chrien Story)
Aktong magla-log-in palang ako sa w*****d ko nung maagaw uli ang atensyon ko ng suot kong singsing. Nanariwa tuloy sa isipan ko ang nangyari kanina. Yung ginawa ni Powell. Kinikilig ako. Ang saya saya ko.
Kaso hanggang kailan kaya kami ganito?
Totoo kaya yung happy ending? Saka yung they lived happily ever after?
Paano magiging happily ever after kung ako yung kontrabida sa kwento ni Powell. Iniisip ko palang mali na ako eh. Si Danica kasi ang totoong prinsesa. Parang maling istorya yung napasukan ko. Pakiramdam ko ay pinakain ko ng apple ang prinsipe para mahumaling sakin tapos darating ang oras na dadating ang tunay na prinsesa at babawiin sakin ang prinsipe.
Grabe na imahinasyon ko.
Natigilan ako sa pag-iimagine ko nung narinig ko ang mabilis na pagpreno ng sasakyan sa harapan ng bahay. Dahan dahan ako tumayo at nagtago ako dito sa likod ng puno.
Si Sir Yvan.
Nakikita kong parang nagagalit si Sir Anton dahil sa pustura ng mukha nito. Pati na rin si Maam.
Mukhang nakainom yata si Sir Yvan dahil iba ang paglakad nito. Pasuray suray! Tumingin ako sa orasan ko. 11pm. Sigurado ako tulog na ibang kasambahay dito. Ang tanging gising nalang ay ako at si nanay.
Hindi na ako nagdalawang isip. Lumapit ako sa kanila. Nilapitan ko si Sir Yvan at inakay ko siya.
“Kaya ko! Hindi ako lasenggggg!” sigaw ni Sir Yvan sakin habang inaalis ang pagkakakapit ko sa kanya.
“Yvan! Huwag kang bastos!” suway sa kanya ni Sir Anton.
“Sir tara na po sa kwarto niyo para makapagpahinga na po kayo” sabi ko ulit sa kanya at sinubukan ko ulit ilagay sa balikat ko ang kamay niya.
“I’m okay!!!! Kaya koooo!”muli niyang sigaw at inalis ulit niya ang kamay niya sa balikat ko.
Hinayaan ko na si Sir Yvan. Mukhang laseng na laseng nga dahil sa ginagawa niya at sinasabi niya. Hinayaan na rin siya nila Sir.
“Pasensya na Denis ha…” hinging paumanhin ni Sir Anton.
“Ay! Wala po iyon Sir… Saka halata naman pong nakainom si Sir Yvan…” sagot ko.
“Denis pakiasikaso naman si Yvan… Sigurado akong hindi na nakapag-ayos ng sarili iyon” utos naman ni Maam sakin.
“Opo..” sagot ko at kaagad na akong sumunod sa kwarto ni Sir Yvan.
Tama nga si Maam. Eto si Sir Yvan. Nakadapa sa higaan niya at hindi man lang nagawang tanggalin ang sapatos niya pati ang suot niyang polo. Kumuha ako sa kusina ng bimpo. Binasa ko iyon ng medyo malamig na tubig. Yun kasi ang alam kong medyo nakakapagpawala ng tama ng alak sa katawan ng tao.
Hinubad ko muna ang sapatos ni Sir Yvan at iniayos ko siya sa pagkakahiga niya.
Nagsimula na ako sa pagtatanggal sa butones ng kanyang suot suot na polo. Hindi ko maintindihan pero kahit naka-on ang aircon ay nararamdaman kong pinagpapawisan ako. Unti unti kong tinanggal ang suot niyang polo at nakabungad na ngayon sakin ang malaking katawan ni Sir Yvan.
Sinimulan ko ng punasan ang katawan ni Sir. Nagsimula ako sa magkabilang kamay niya, braso at sa leeg. Ngayon naman ay pinupunasan ko ang kanyang dibdib. Paibaba hanggang sa kanyang tiyan at sa magkabilang tagiliran niya.
Matapos kong punasan ang itaas na bahagi ng katawan ni Sir ay sinimulan ko ng tanggalin ang butones ng kanyang suot na pantalon. Mas nanginginig ngayon ang dalawang kamay ko. Nakailang tigil ako sa ginagawa ko dahil parang ayoko na ituloy itong ginagawa ko.
Kaya ko to!
Sabi ko sa sarili ko at tinanggal ko na ang pangalawang butones ng pantalon ni Sir.
Bakit ganito?
Bakit parang ang tigas ng pantalon ni Sir?
Potek! Bakit parang may natibok?
Ilang minuto bago ko tuluyang natanggal ang pantalon ni Sir. Naiilang akong tumingin ngayon kay Sir dahil sa itsura niya ngayon. Nakabrief lang siya at…at…. Talaga bang ganoon yun… umbok na umbok!
Binilisan ko ang pagpunas sa ibabang parte ng katawan ni Sir dahil sa totoo lang naiilang ako dahil sa itsura ni Sir ngayon. Pakiramdam ko kasi nag-iinit ang katawan ko. Natulo nga ang pawis ko habang pinupunasan ko si Sir sa magkabilang hita niya.
Ilang sandali lang ay natapos ko na siyang punasan. Humanap ako ng boxer shorts sa drawer ni Sir at sando. Sinuot ko agad sa kanya yun. Aktong iaawang ko na ang kamay ko mula sa boxer na sinuot ko sa kanya nung biglang kinapitan ng kaliwang kamay ni Sir Yvan ang kamay ko.
“Stay here Denis…” sabi niya at inihiga niya ako.
“Sir…” mahinang sabi ko.
Nasa ibabaw ko ngayon si Sir Yvan. Nakatuon ang dalawang kamay niya sa pagitan ng ulo ko. Hindi ako makagalaw dahil diretso siyang nakatingin sa mata ko.
“You don’t know how long I’ve waited for this” sabi niya at sinimulan niyang halikan ang leeg ko. Hindi ko magawang manlaban dahil sa hindi ko maintindihang nararamdaman ko.
“Sir…”
Dahan dahan niyang tinanggal ang suot kong t-shirt. Pinagpatuloy niya ang paghalik sa leeg ko paibaba sa balikat hanggang sa makarating sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang sensasyong nraramdaman ko ngayon. Hanggang sa hinubad na ni Sir ang suot kong pang-ibaba.
“Denis…” bulong ni Sir habang patuloy sa paghalik sa dibdib ko.
Iniangat ni Sir ang ulo niya. Dinako niya ang labi niya sa labi ko. Hindi ko alam pero kusang gumaganti na ang labi ko sa bawat paghalik niya sakin.
Hanggang sa tuluyan ng natanggal ni Sir ang suot ko. Ganoon din siya. Pumaibabaw siya sa sakin. Patuloy siyang gumagalaw habang hinahalikan niya ako.
“Sir masakit…” sabi ko.
Itinigil niya ang ginagawa niya at tumingin siya sakin.
“Pasensya na Denis… Sige iti-”
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at ako naman ang humalik sa kanya. Nagsimula nanaman siya sa paggalaw. Indang inda ko ang sakit at kita ko naman ang ligaya sa itsura ni Sir habang nasa ibabaw ko.
“I love you so much Denis…” sabi niya hanggang sa naramdaman ko ang pagdaloy ng init sa loob ng katawan ko.
“Mahal na mahal kita Denis…” narinig kong sinabi ni Sir at niyapos niya ako ng mahigpit.
Hindi ko na tinanggal ang pagkakayakap sakin ni Sir. Pumikit na rin ako dahil sa sobrang pagod na naramdaman ko.
.
.
.
Bahagya akong naalimpungatan nung naramdaman kong bumukas ang pintuan ng kwarto ni Sir.
“Sir breakfast na daw po sabi ni Sir Ant-”
“Ooooops! Bawal pumasok. Busog na busog pa si Sir!’ Narinig kong sabi ni Rose dahilan para mapaigtad ako sa pagkakahiga ko. Iniangat ko ang kumot na nakapatong sakin at tiningnan ko ang suot ko.
Whaaaaaaaaaaaa! Baket wala akong suot na underwear!!!!!!
Mabilis kong sinuot ang damit at shorts ko na nasa ibaba at lumabas ako ng kwarto ni Sir.
“Naka-ilan kayo ni Sir?” mapang-asar na tanong sakin ni Rose nung dumaan ako sa harapan niya.
“Nakatulog lang ako sa pag-aasikaso kay Sir kagabi”
“Nakatulog? Nakahubad kayo pareho?”
“Tumigil ka Rose!!!!!!!!” sabi ko at mabilis na akong pumunta sa kwarto ko.
.
.
.
Tiningnan ko ang sarili ko.
Pinikit ko ang dalawang mata ko at pilit kong inalala ang nangyari kagabi.
“Whaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!! Hindeeeeeeeeeeeeeee!” malakas kong sigaw dahilan para mapatakbo si nanay sa kwarto ko.
“Bakit nak? Anong nangyari?” alalang tanong ni nanay sakin habang nakahawak ako sa ulo ko.
“Wala po nay” sabi ko at muli kong ibinalik ang tingin ko sa salamin na nasa harapan ko.
“Bilisan mo ang kilos diyan Denis. Asikasuhin mo sila sir. Nag-aagahan na sila ngayon” utos ni nanay sakin habang nag-aayos ako ng sarili ko.
“Nay ikaw na. Marami pa akong gagawin” tanggi ko.
“Mamamalengke ako. Lakad na. baka may kailangan pa sila don” pamimilit ni nanay. Wala akong nagawa. Inayos ko ang sarili ko at tinungo ko na sila Sir.
“Goodmorning po Sir, Maam” bati ko sa kanila.
“Goodmorning Denis. Mukhang puyat ka ah. Laki ng eyebags mo” puna sakin ni Sir Anton.
“Medyo po. Nawili lang po sa pagbabasa ng w*****d kagabi” pagpapalusot ko.
“Salamat nga pala sa pag-aasikaso dito kay Yvan kagabi” dugtong ni Sir Anton habang sinasalinan ko ang baso niya ng tubig.
Palihim kong tiningnan si Sir Yvan. Nakangiti siya. Pakiramdam ko ay iniisip niya yung nangyari kagabi. Nakaramdam tuloy ako ng pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Nagpipicture kasi sa isipan ko ang ginawa naming dalawa kagabi.
“Bakit parang namumula ka Denis? Masama ba pakiramdam mo?” muling puna sakin ni Sir Anton.
“Ah… Hindi po Sir… Sige po Sir… aayusin ko na po yung pool” natatarantang paalam ko at tumalikod na ako sa kanila.
“Ah… Denis naiwan mo nga pala kanina yung short mo sa kwarto ko. Yung jersey short ko ang naisuot mo” pahabol na sabi ni Sir Yvan na lalong naging dahilan ng pag-iinit ng buong mukha ko.
“Ayieeeeee! Kinikilig ako sanyong dalawa Denis!” reaksyon ni Rose.
Hindi ko na iyon sinagot pa. Wala kasi akong maisip na palusot sa sinabing iyon ni Sir. Dapat hindi na niya sinabi iyon. Nakakahiya tuloy kina Sir Anton. Baka kung ano pa ang isipin nila sakin.
Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa paglilinis ng pool. Winiwili ko ang sarili ko para mawala sa isipan ko ang nangyaring iyon kagabi.
No! No! No! Erase! Erase! Erase! Mali iyon Denis! Dala lang iyon ng init ng katawan. Walang malisya. Walaaaaaaaa!
“Wala lang sayo yung nangyari satin kagabi?” biglang sulpot ni Sir Yvan sa likuran ko.
“Ayy! Sir! Andyan po pala kayo. Pasensya na po hindi ko pa po tapos linisin itong pool…” mabilis ko sabi sa kanya. Pero sa totoo lang nag-iisip pa rin ako ng pwede kong isagot sa kung ano man ang susunod niyang sasabihin.
“Pasensya na kagabi…nasaktan ata kita… Hindi ko naman akalain na hindi mo kakayani-“
“Sirrrrrr! Stop!!!!!! Pls!!!!” pigil ko sa kanya. Dahil hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pagdaloy ng init sa katawan ko habang nagsasalita siya. Pakiramdam ko ay inaakit niya ako.
“Tabi tayong matulog mamaya ha…” sabi niya at lumampas na siya sakin.
“Nga pala, maganda yang suot mong singsing…” puna niya at nagdire diretso na siya sa loob ng bahay. Ewan ko pero pakiramdam ko ay parang inaakit niya ako.
Hindi rin mawala sa isipan ko ang nangyari kagabi. Paulit ulit na nagpipicture sa isipan ko yung scenariong nasa ibabaw ko si Sir at…. At….. shittttttttttttt!
“Hoy! Denis!!!! Ano bang nangyayari sayo!? Kanina ka pa sigaw ng sigaw diyan!” biglang suway sakin ni Rose habang hawak hawak ang walis tambo.
“Kayo na ni Sir noh!? Nakailan kayo kagabi??”
“Roseeeeeeeeeeeeee!!!!!!!” sigaw ko sa kanya.