Chapter Fourteen

1581 Words
Yvan Marcus Hernandez Point of View   Last subject na.   Wala akong gana.   Hindi katulad dati na excited akong matapos ang klase ko para abangan sa labas si Denis para maisabay pauwe. Hindi katulad dati na bigla ko nalang siyang hihilahin palayo kay Pj para mapunta sakin ang oras siya.   Totoo nga yung kahit na anong gawin mo kung hindi kayo para sa isa’t isa, hindi kayo. Destiny.   Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. Gusto kong itigil ang oras. Gusto kong patigilin ang pag-ikot ng mundo. Ayokong umandar ang orasan dahil alam kong pagkatapos ng araw na ito ay tuluyan ng mawawala sakin si Denis.   “Pre okay ka lang?” sabay tapik sakin ni Aaron.   “Lalim ng iniisip natin ah” dugtong niya habang hawak ang lumad.   “Ang gagaling talagang gumawa ng mga tula at kwento ng mga schoolmates natin oh” sabi niya habang patuloy na nagbabasa.   “Ang astig nito Yvan oh! Puno tapos kapag tinagilid mo nagiging mukha ng babae” kasunod nun ay ang pagpapakita niya sakin ng isang drawing na hugis puno. Binaba ko ang mata ko sa binabasang libro ni Aaron.   Destiny is all about the choices we make and the chances we take…   “Tol! Una na ako sayong umuwe ha. Salamat tol!” paalam ko sa kanya at kaagad na akong tumakbo papuntang parking area. Mabilis akong sumakay ng sasakyan ko at lumabas na ako ng school.   Tumingin ako sa digital clock ng sasakyan ko. 6pm.   Takte! Trapik! Lagi nalang trapik dito sa Tejero! Kahit bago man lang siya makipag-ayos kay Pj ay masabi ko ng personal at maipadama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Para wala akong pagsisihan. Alam ko naman na kahit na anong gawin ko ay hindi niya ako mamahalin katulad ng pagmamahal niya kay Pj. Pero yung kahit sa huling beses nalang na maipadama ko sa kanya matatahimik na ako.   “Oh, bakit madaling madali ka Yvan?” takang tanong ni Daddy sakin nung hangos akong dumating sa bahay. Nagkataon na kumakain sila ni Mommy.   “Rose nasaan si Denis?” mabilis kong tanong sa kanya.   “Ay nagpaalam po Sir mayroon daw po silang tatapusing research paper sa bahay ng kaklase niya” sagot ni Rose na hindi makatingin ng diretso sa mata ko.   “Nagpaalam si Denis kanina. Baka daw bukas na siya makauwe dahil kailangan daw niya iyon sa project niya” singit ni Daddy habang nakain.   “Bakit pinayagan mo Dy? Pinayagan mo lang basta basta si Denis?” tonong patanong kung bakit niya pinayagan lumabas si Denis.   “Bakit naman hindi ko papayagan eh kailangan niya yun?”   “Ano ba nangyayari sayo Yvan?” takang tanong ni Daddy sakin.   Shit! s**t! Huli na ako!   “Maupo ka na nga Yvan. Sumabay ka na samin ng Daddy mo kumain” malumanay na utos ni Mommy sakin. Naupo ako. Hindi ko alam kung ano gagawin ko o kung may magagawa pa ba ako. “Sir mukhang malalim iniisip natin ah…” sabi ni Jovert sakin habang hawak niyang patagilid ang cellphone niya.   “Jovert naranasan mo ng magmahal ng sobra?” biglang tanong ko sa kanya. Hindi ko na inisip kung mababaduyan ba siya sakin o hindi. Gusto ko lang malaman kung naranasan din ba ni Jovert itong nararanasan ko.   “Oo naman Sir. Kaso hindi kami nagkatuluyan eh. Hinayaan ko kasi siya Sir. Nagsisisi nga ako. Kung pinaglaban at pinanindigan ko lang siya dati sana kami pa rin hanggang ngayon” mahabang sagot niya.   “Tingnan mo Sir oh… Astig!” sabay turo niya sa pinapanuod niya sa cellphone niya.   Peter Pan   Bigla akong may naalala.   “Pahiram nga ako Jovert” at kinuha ko ang cellphone niya. Seryoso kong pinanuod at inintindi ang istorya hanggang sa matapos iyon. Hindi ko na nga napansin na kulang kulang isang oras na pala ang lumipas.   “Sir pwede ko po ba kayong makausap kahit saglit lang” biglang pagsulpot naman ni Rose sa harapan ko.   Tumango ako at pinakinggan ko ang sinasabi sakin ni Rose.   “Bakit kailangan pang gawin ni Denis yun? Ayos lang naman kahit anong maging desisyon niya” sabi ko.   “Kayo talagang mga babae! Hindi niyo iniisip ang mga nararamdaman naming mga lalake!” paninisi ni Jovert kay Rose.   “Sir etong susi oh… sibat na!” nakangising sabi ni Jovert.   “Yvan!” sigaw ni Daddy sakin.   Nagsimula ko ng paandarin ang sasakyan ko. Tinahak ko ang daang sinabi sakin ni Rose kanina. Muli akong tumingin sa digital clock. 10:05pm.   Denis please please please… wag kang sasama kay Pj!   Makalipas ang ilang minuto ay narating ko na ang sinabing lugar ni Rose.   Denis…   Bulong ko. Hindi ako pwedeng magkamali si Denis iyon. Katabi niya ang taong pinili niya. Hawak hawak nila ang gamit nila at pasakay na sa sasakyan.   Mukhang wala na talaga akong pag-asa.   Tumalikod na ako.   Baka nga talagang destiny na ang nagdesisyon. Baka nga totoo yung destiny ang nasusunod at hindi yung kagustuhan ng tao.   “Sir Yvan?”   Narinig kong tawag niya.             Denis Lindsey Blancaflor Point of View     Hindi ko alam kung tama itong desisyon ko pero alam ko sinusunod ko lang ang gusto ko. Yung makakapagpasaya sakin.   “Okay na ba?” tanong ng kasama ko.   “Sige… Pasensya na medyo marami ang dala kong damit” sagot ko.   “Sir Yvan?” tawag ko sa kanya nung makilala ko ang lalakeng naglalakad papalayo sa kinatatayuan ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko ang tindig at katawan ni Sir. Hindi ko tuloy maiwasan isipin yung gabing paulit ulit na nagpipicture sa isipan ko.   Dahan dahan niyang inikot ang kanyang katawan at humarap sakin.   “Sir ano pong ginagawa niyo dito?” takang tanong ko sa kanya dahil wala namang ibang nakakaalam kung nasan ako sa mga oras na ito bukod kay Rose.   “You mean more to me than anything in this whole world…”   “Sir….” mahinang tawag ko sa kanya.   “Palipas muna tayo ng kaunting minuto dito. Maaga pa naman” sabi ng kasama ko at bumaba ulit siya ng sasakyan.   “Tama si Peter Pan Denis…” dugtong ni Sir.         Flashback   Natatanaw ko na si Powell. Naupo siya sa isang bench na nasisinagan ng ilaw na nanggagaling sa poste.   Sana tama itong naging desisyon ko. Totoo nga yung kasabihan na kapag talaga mahal mo ang isang tao ay lahat magagawa mo para sa kanya.   Dahan dahang siyang tumunghay at nagtama ang aming mga mata. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nararamdaman kong tumutulo na sa magkabilang pisngi ang luha ko.   Mabilis siyang tumayo. Sinalubong niya ako at niyapos niya ako ng napakahigpit.   Matagal.   Ramdam na ramdam ko ang pagkasabik niya sa pagkakayakap niya sakin.   “Akala ko hindi ka na dadating Lindsey…” bulong niya sakin dahilan upang lalong hindi tumigil ang pagdaloy ng mga luha ko.   “Sobrang miss na kita…” dugtong niya habang nananatili siyang nakayakap sakin.   “Halika na… Akina na yang mga gamit mo” sabi niya sakin nung umawang na ang katawan niya sa katawan ko.   Ako naman ngayon ang yumapos sa kanya.   Mahigpit.   Makahulugan.   “Lindsey…”   “Sobra akong nagpapasalamat dahil nakilala kita Powell…” sabi ko habang patuloy na nagdadaloy ang luha ko.   “Akala ko dati sa mga kwento, libro o sa nababasa ko lang nangyayari yung mga ganitong uri ng relasyon… Akala ko hanggang hiling nalang ako…” dugtong ko.   Inawang ko ang pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Nanatili lang siyang nakatingin sakin.   “Napakasaya ko dahil naranasan kong mahalin ng katulad mo. Yung totoong pagmamahal mo. Dun palang panalo na ako…” pagpapatuloy ko.   “Lindsey… Ano ba yang mga sinasabi mo? Okay naman tayo diba? Naayos na natin…”   Idinampi ko ang daliri ko sa labi niya dahilan para hindi na niya madugtungan pa ang sinasabi niya.   “Gusto kong itama ang pagkakamaling nagawa ko Powell… Gusto kong maging totoo sa nararamdaman ko…” dugtong ko at dahan dahan kong hinubad ang suot kong singsing na bigay niya sakin.   Inilagay ko iyon sa kanyang palad.   “Lindsey…”   “Mahal na mahal kita Powell… Maraming salamat…” huling sinabi ko sa kanya matapos ko siyang yakapin ulit ng mahigpit na mahigpit. At nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya habang walang tigil ang pagdaloy ng mga luha ko sa pisngi ko.   End of Flashback     “Tama si Peter Pan Denis… You mean more to me than anything in this whole world…”   “Sir…” tanging nasagot ko sa kanya.   “Sir Yvan napakatagal niyo naman pong dumating hindi ko na alam kung paano wiwilihin itong si Denis” sabi ng kasama ko.   “Kuya Fred?” takang tanong ni Sir nung makalapit na siya saming dalawa.   “Iiwan mo na ba talaga ako Denis?” malumanay na tanong sakin ni Sir na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa katawan ko.   “Sir gagaw-”   “Nakalimutan mo na ba yung ginawa natin? Wala ka man lang bang naramdaman kahit kaunting pagmamahal sakin dun?” tanong niya na may halong pang-aakit. Bigla tuloy nagpicture nanaman sa utak ko ang lahat ng nangyari nung gabing iyon.   “Sir!!! Nakakahiya!” sigaw ko sa kanya nung nakita kong nakangisi si Kuya Fred sa gilid ko.   “Talaga bang wala kang nararamdaman sakin?” muling tanong niya sakin.   “Sir hindi po tayo pwe-” hindi ko naituloy ang sinasabi ko nung biglang may nag-flash sa gilid namin ni Sir.   “Kahit kailan talaga tatanga-tanga ka Rose! Akina nga ako na kukuha!” sabay kaming napatingin dun ni Sir Yvan.   Sir Anton? Maam? Jovert? Rose? Nanay?   “Yvan mas bagay kay Denis to oh!” sabay hagis ni Sir Anton ng isang paper bag.   Dahan dahang humahakbang papalapit sakin si Sir Yvan. Unti unti din niyang kinakapa ang laman ng hawak niyang paper bag na ibinigay ni Sir Anton sa kanya.   Nasa harapan ko na siya. Nakatitig sa dalawang mata ko.   Hindi ko alam kung nagkataon lang ba na may bigla may nag-play na tugtog na lalong nakapagbigay ng emosyon sa nararamdaman ko.   (Pls Play – Para Sayo FREESTYLE)    “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sayo Denis…” mapang-akit nanamang tanong sakin ni Sir Yvan.   “Bakit namumula ka? Hindi mo rin ba makalimutan yu-”   Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Kusang kumilos ang katawan ko at pinagdikit ko ang labi naming dalawa.   Kasabay ng naririnig naming tugtog ay kasabay din ang patuloy na paggalaw ng aming labi.   “Denis…” bulong niya sakin. “Sir…wrong time…” …pero right love Denis…”   “Will you be mine…. Forever….”   Hindi na niya inantay pa ang sagot ko. Dahan dahan niyang kinuha ang kamay ko at isinuot ang napakagandang singsing.   “Wala ng bawian ha… Akin ka na…” dugtong niya at muli niyang pinagdikit ang labi naming dalawa.   “Tabi na tayong matutulog ha….” Nakangising pahabol niya.                 WAKAS       BubeiYebeb
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD