Accident

1696 Words
Chapter 3: Nana.. Times goes by, parang kailan lang ng mag simula ako sa trabaho. It was my third month working in mansion, akalain nyo nakatagal ako. Maganda ang mood ko ng magising mula sa magandang pananginip kumakanta pa ako habang ginagawa ang aking morning routine hanggang sa matapos ko ito. " Good morning". bati ko ng makasalubong si Daisy ang Isa sa mga maid sa Mansion. " Anyare mukhang maganda ang gising mo ahh?" nagtatakang tanong nito. " Wala naman". Sagot ko Isinantabi ko mona ang revenge plan ko kasi everytime na gagawin ko iyon hindi matuloy tuloy. I can't kill people kahit naman ganon kalaki ang galit ko. I will wait for the right time para isakatuparan ito. Pagkarating ko sa second floor ay hindi na ako nagulat ng makitang muli ang binata na nakaupo same spot again. This time prente itong nakaupo habang sumisimsim ng kape at seryosong nakatitig mula sa screen ng laptop niya. " Good morning Sir". binati ko muna ang binatang boss ko bago magsimulang maglinis. Ngunit hindi man lamang ako nito binigyang pansin patuloy lang sa ginagawa. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglilinis hinayaan ko na lamang ito at hindi na pinansin. " Miss Shane, come over her!" out of the blue ng tawagin ako. Kinabahan ako bigla parang alam ko na ang mangyayari may ipapagawa na naman siguro. Isinantabi ko muna ang ginagawa at nagtungo sa gawi ng binata. " Yes Sir?" tanong ko naman " Did you see those plants over there". He said while pointing those plants. " Ano pong gagawin ko dyan?" tanong ko "Get them outside, don't forget to watered it before you bring them back here". Utos nya " Seryoso kaba Sir?? Ilalabas ko ang lahat ng mga yan?" " Do you have problem with that Miss Shane?" Nakataas ang mga kilay nito at nakahalukip-kip habang sinasabi iyon saakin. Napailing na lang ako, at the end wala narin akong nagawa pa at sinimulan ng gawin ang utos ng magaling kong boss . Since that day na walang pahintulot ko na pinasok ang room na yon, simula narin ng kalbaryo ko. Napamura ako ng makita kung gaano kadami ang ilalabas kong vase. Isa-Isa kong inilabas ang mga ito patungo sa likod Ng bahay Kung saan nakalagay ang water hose partida at nakaheels pa ako. Kasama sa rules ang pagsusuot Ng heels at uniform para mukha daw presentable Kong sakali na may unexpected guest. " B*w*s*t ka talaga, wala ka ng ginawa kundi pahirapan ang kawawang nilalang na kagaya ko!" pagmamaktol ko habang dinidiligan ang mga halaman. " Marami ka namang guard sa labas at may mga boy kapa, ako pa talaga ang napili mong utusan". Pagmamaktol kong muli. ___________________________________________ Meanwhile.. (Nathan) Pinagmamasdan ko mula sa itaas ang babae na iyon, nageenjoy ako sa pagpapahirap sa kaniya. Kulang pa ito sa lahat ng ginawa nya nong mga nakaraang araw. " The show is about to begin, I will ruin your day woman". bulong ko sa sarili at saka pumasok sa loob. Naupo ako sa kama at saka napaisip ,naiinis ako dahil mukhang masisira na naman ang ginawa kong barrier para protektahan ang aking sarili. Hindi ang isang katulad nito ang sisira sa lahat ng pinaghirapan ko. I was tired of being in love again. Ayaw ko ng maulit muli ang nakaraan. Ayaw ko na muling maging tanga ng dahil sa pag-ibig, because it will ruin everything, for me people will change ,the feeling will change also. Ayaw kong muli na maging mahina because my enemy will took everything just to take me down. Lalo na't nararamdaman ko ng malapit ko ng malaman kung sino ang nasa likod ng pagpaslang na iyon. ..At para narin malinis ang nasira kong pangalan. __________________________________________ (Nana) Pawis na pawis ako matapos diligan ang mga halaman. Isa-Isa ko ng inilagay ang mga ito sa gilid Kung saan nasisikatan Ng araw. Naupo ako sa maliit na stool sa ilalim ng puno ng mangga upang magpahinga. Napapikit ako habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa aking mahabang buhok . Ibang iba na ako mula sa Nana noon. Ang dating Nana noon ay inosente at nakadepende lamang sa kaniyang mga magulang, ngunit ngayon I needs to depend on myself and work in able to survive. Tunay nga na hindi natin masasabi kung anong pweding mangyari sa atin sa hinaharap, all you need is to be prepared. I believe that everything do happens because it was God's plan at ano nga Kaya ang planong iyon ng diyos para akin?. I found myself smiling for no reason. Next day... Maaga na naman akong nagising nakasanayan ko narin iyon simula ng mag work ako rito. Maaga rin akong nakatapos sa paglilinis sa 2nd floor, pabalik na ako sa kwarto ng tawagin ako ni Daisy. "Shane, puwedi ikaw muna ang maggrocery this time wala akong mautusan eh". Nag-aalangan pa ito kung papayag ba ako " No problem". Natatawang wika ko sabay abot sa listahan para sa mga bibilhin. Nagpalit muna ako ng damit bago pumunta sa grocery. Ripped jeans, mustard na croptop ang suot ko at rubber shoes naman sa pang-ibaba. Naglakad-lakad muna sya Ng kaunti hanggang makarating sa pinaka highway. Habang naghihintay Ng masasakyan, biglang may pumaradang kotse sa tabi ng sidewalk at walang iba kundi si Nathan ang aking boss. " Get in". Utos nya saakin Nang makapasok ako sa loob ay napansin ko na nakatingin ito sa pantalon ko. " May problema po ba Sir?".tanong ko " Nothing". Tipid naman ng sagot nito. Tahimik lang kami buong byahe wala ni isa ang naglakas ng loob na basagin ang katahimikan. Habang si Boss Nathan naman ay panay ang tingin sa gawi ko mula sa front mirror sa itaas ng kotse. 15 minutes din ang itinagal Ng byahe at narating na namin ang mall, nauna na akong bumaba at agad na pumasok sa loob ng mall. Matapos makuha lahat ang mga ingredients na kinakailangan ay nagtungo na ako sa counter at saka nagbayad. Habang naglalakad ay napahinto ako sa make up section at nagtry ng mga liptint ng makapili ay agad ko na itong binayaran at saka lumabas na ako ng mall. Habang naghihintay ako ng masasakyan biglang nagring ang phone ko. Nagdalawang isip pa ako Kung sasagutin ba o hindi dahil unknown ang number na 'yon. At the end I answer the call. " Where are you?" isang malamig na boses ang bumungad sa akin Nakilala ko naman ang may-ari ng boses na iyon. " Sir? Sa harap ng mall". Sagot ko " I'm on my way, just wait there". Bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga oras na iyon habang nakatayo at naghihintay sa boss ko. Makalipas ang ilang minuto ay dumating narin ang boss ko. Agad naman akong pumasok sa loob ng kotse at saka nya ito inistart at umalis na nga kami roon. Nang mapadako ang tingin ko sa kanya ay naguluhan ako ng makita ang dugo na umaagos mula sa balikat patungo sa kamay nito, kaya nagtaka ako ngunit nanahimik na lamang kahit na gustong gusto kong magtanong. Sa Mansion. Pagkapark ng kotse ay nauna na akong bumaba at saka nagtungo sa kusina para dalhin ang mga ingredients na gagamitin para sa pananghalian. Nagpalit muna ako ng damit at saka lumabas patungo sa kusina, habang naglalakad ay nahagip ng aking paningin ang boss namin na patungo sa silid nito. Nakaka-ilang hakbang pa lamang sya ng mawalan ng malay. Agad ko syang nilapitan at inakay paakyat sa itaas, medyo natagalan pa kami bago tuluyang marating ang silid nya dahil sa may kabigatan sya. Inalalayan ko nga siya sa paghiga sa kama, hinipo ko ang sintido nya dahil sa medyo mainit ang katawan nito ng alalayan ko sya kanina. Nagpatawag din ako ng doctor para malinis at malapatan ng gamot ang sugat nya. " He was fine now Miss! Buti na lamang at maagang naalis ang bala sa katawan nya." Sabi ng doctor bago siya umalis. Binilin rin nito na huwag kong kalilimutan na painumin ng gamot sa tamang oras at palitan ang benda sa balikat ng boss ko. Pinunasan ko sya para mabawasan ang init nya dahil sa taas ng lagnat. Pinagmamasdan ko lamang sya habang payapang natutulog. " Ano nga bang nangyari at bakit ka napunta sa ganyang sitwasyon?" Tanong sa kaniya kahit alam ko na wala naman akong makukuha na sagot mula sa kaniya. Alas dose na at hindi parin bumababa ang lagnat niya, kinakabahan na ako at hindi mapakali habang naroroon ako sa kaniyang silid. Kaya naman tumayo ako at lumabas para palitan ang tubig dahil lumalamig na ito. Nang makabalik ako ay mahimbing parin syang natutulog, pinalitan ko ang bimpo na nasa noo nya. Medyo mainit parin sya, pinunasan ko narin ang braso niya. Matapos kong punasan siya ay umob-ub ako sa tabi nya at pinagmasdan muli ang maamo nyang mukha . Napangiti ako dahil humihilik pala ito habang natutulog. ---------------------------------------------- Next day... (Nathan) Umaga na ng magising ako at andito na ako sa aking silid. Babangon na sana ako ng makaramdam ng kirot mula sa balikat ko. Oo nga pala nabaril ako kahapon, bigla kong naalala yong nangyari bago ko susunduin si Ms. Shane kahapon. May mga hindi pamilyar na mukha ang sumusunod sa akin. Mala action movie ang naganap kahapon at ako yong bida na hinahabol nila habang nagpapalitan ng putok mula sa kaniya kaniyang hawak na baril. Kahit na gaano pa kagaling ang isang bida nadating sa point na natatamaan din sya. Napa-isip ako saglit, marahil isa iyon sa mga grupo ng mga bandido o grupo ng mga taga bundok na nakalaban ko noon at nais na magantihan ako. Mabuti na lamang at nailigaw ko ang mga iyon.. And speaking of Miss Shane andito sya sa tabi ko aba at ang sarap ng tulog nya natulo pa ang laway. Natawa na lang ako at saka dahan dahan na tumayo. Binuhat ko ang babaeng ito patungo sa silid nya. Hindi naman ako nahirapan dahil sa magaan lang sya at saka sanay naman ako na bumuhat. Nang marating ang silid nya ay marahan ko syang ibinaba sa kaniyang kama, ang likot matulog nito babaeng ito. Inayos ko ang pagkakakumot nya bago ako tuluyang umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD