Hang out

3396 Words
Chapter 4: Nana.. Tanghali na ng magising ako mula sa mahimbing na pagakakatulog. Nagmamadali akong naligo at nag-ayos bago ako umakyat sa itaas. Ibinaba ko muna ang mga gamit ko sa paglilinis at agad na nagtungo sa kwarto ng boss ko. Kakatok na sana ako ng makita na medyo may awang ang pinto kaya sumilip ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita sya na nakatopless habang nakaupo sa kaniyang kama. Mukhang kakatapos lang niyang maligo. Pilit niyang inaabot ang gasa sa likod niya papunta sa kaniyang dibdib. Kumatok muna ako bago pumasok napalingon naman ito sa gawi ko at saka sumenyas na pumasok ako. " Can I help you Sir?" tinanong ko muna sya Sumang-ayon naman sya at ibinigay saakin ang hawak niyang gasa. Nilagayan ko muna ng gamot ang sugat nya sa braso bago ko balutan iyon ng gasa. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa matitipuno nitong katawan, nakaramdam ako ng hiya habang nag-iinit narin ang mga pisngi ko at butil-butil ang mga pawis sa aking noo. Nakakakunot naman ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin. Nang matapos kong palitan ang benda nya ay parang hapong-hapo ako kaya naman naupo muna ako sa gilid ng kama niya habang pinakakalma ang aking sarili. Nabigla ako ng lumabas ito at nakabihis na nga. " Huwag ka na munang maglinis at magpahinga ka muna, binilin ko na kay aling linda na sa ibang katulong muna ipagawa ang gagawin mo sana. By the way thanks!". Ayan yong narinig ko bago sya tuluyang lumabas ng silid. Kasalukuyan akong nakaupo sa park bench habang ninanamnam ang lamig ng ice cream na kinakain ko. Ramdam na ramdam kona ang lamig ng december kahit October pa lang. Natigilan ako ng makarinig ako ng umiiyak na bata, hinanap ko kung saan nagmumula iyon. Agad akong lumapit sa batang babae at tinanong kung bakit ito umiiyak. " Hello little girl, bakit ka umiiyak?" natigilan naman sya at tumingin saakin. " I was lost". sabi nito saka umiyak muli " Ok stop crying na, i will help you find your parents". Agad na tumigil naman ito sa kakaiyak at inalalayan ko syang tumayo. Habang naglalakad ay tuwang tuwa ito sa kaniyang kinakain na ice cream. Naupo muna kami sa bench at napagod daw ang batuta. Pinagmamasdan ko lang sya habang kumakain ng ice cream. Sa tingin ko maybe nasa 4 or 5 years old na ito. Ang cute nya sobra at ang tatas narin nyang magsalita, kung pwedi lang na isilid kita sa bulsa ko. Napailing na lamang ako at saka tinanong muli ito. " Anong name mo baby girl?" " Kleir Desteen po". " Nasaan ang parents mo kleir?" Tanong ko sa kaniya " My mom is working po, and my dad". bigla itong nalungkot habang sinsabi iyon. " I'm sorry kleir, i didn't mean it". Paghingi ko ng pasensya sa kaniya " It's okay big sister, my mom said that my Dad is in heaven". Sabi pa nya Nalungkot naman ako sa sinabi nya pareho pa kaming wala ng tatay. Nilapitan ko sya at saka niyakap. " It's okay Kleir were the same i don't have a father too but always remember whenever he was he is guiding you". Maya-maya lang ay dumating na ang yaya ng bata at sobrang nag-alala ito para sa kaniya, Mabuti na lamang raw at ako ang nakakita sa bata kung hindi ay baka napamahamak na ito kung sakali. Bago umalis ay lumapit muli si Kleir sa akin at saka ako niyakap, nong una ay nabigla ako sa kaniyang ginawa ngunit ng makabawi ay niyakap ko narin sya. Malapit talaga ako sa bata noon pa man kaya nga BS Education ang kinuha kong kurso kaya lang hindi ako nakatapos alam nyo naman ang nangyari. Nang makaalis sila Kleir ay pumunta ako ng MOA malapit lang naman ito, hindi ko namalayan ang oras kakalibot sa loob. Pag labas ko ng mall ay madilim na ang kalangitan at para bang uulan pa. Pasado alas otso ng makarating ako, pagkapasok ay bumungad saakin si Daisy na prenteng nakaupo sa sofa at mukhang may hinihintay. " May hinihintay kaba Daisy?" tanong ko sa kaniya " Ano kasi e, kanina kapa hinahanap ni Sir". " Bakit daw?". Nagtatakang tanong ko sa kaniya Nagkibit balikat lamang ito at nagsimula ng maglakad papunta sa kaniyang silid. Nagpalit muna ako ng damit bago pumunta sa itaas. Habang naglalakad ako sa hagdan halo-halo ang naiisip ko, hanggang nasa harap na nga ako ng pinto ng kwarto ni Boss. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob baka mamaya kung ano na naman ang makita kong hindi maganda. Nakakailang katok na ako pero wala naman sumasagot kaya pinihit kona ang doorknob at saka pumasok,hindi naman pala totally nakalock. Ang dilim sa loob tanging ingay lang ng aircon ang naririnig ko,nakatulog na siguro kakaintay lumabas nalang ako at saka bumalik sa aking silid. Kinabukasan.. Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako, agad akong napatingin sa oras sa tabi ko sa pag-aakalang late na ako. Kinabahan ako doon ang buong akala ko nasira ang ang alarm clock ko kaya hindi tumunog. Linggo pala, nagtaklob na lang ako ng kumot at saka natulog ulit. Nasa kalagitnaan na ako ng magandang panaginip ng maalipungatan ako sa lakas ng katok mula sa pinto. Pupungas-pungas ako habang naglalakad papunta sa pinto, pagkabukas ko ay bumungad ang nakangiting pagmumukha ni Daisy. " Ano ba naman yan ang aga mong mambulabog kita mo ng natutulog pa iyon tao". reklamo ko sa kaniya " Ano ka ba naman Shane ang aga mong mahigh blood". Ngumiti lang ito bago ako nilagpasan, sinarado ko muna ang pinto bago sumunod kay Daisy. Nandito sya sa loob ng kwarto ko at kinakalkal ang cabinet ko. " Huwag mong sabihin na manghihiram ka ng damit?" Tanong ko sa kaniya " Hindi noh, para sau itong ginagawa ko ate girl!" Sabi ni habang patuloy parin sa pagkakalkal " Anong pa sa akin kamo?" naguguluhang tanong ko sa kaniya " May date tayo ngayon girl lumabas ka naman minsan paano ka makakahanap ng boylet niyan. Sige ka tatanda ng dalaga". Pananakot nito sa akin Patuloy lang si Daisy sa pagkalkal ng mga damit ko nagmistulang ukay-ukay na tuloy ang loob ng kwarto ko. Matapos ang ilang minuto ay nakapili rin ito sa wakas. White floral dress ang napili nya para sa akin. " Ano pang tinatayo mo dyan ate maligo kana". Sabi nito saka tinulak ako papunta sa banyo. Hindi naman siguro excited ang isang toh, matapos ko maligo at makapagbihis ay hinatak na naman ako ni Daisy papunta sa salamin at saka pinaupo ako. Maya-maya lang ay kinuha nito ang make up kit nya. Aba't handa ang ate nyo. Nagsimula na si Daisy sa pag-aayos sa mukha ko hindi nalang ako umangal at sya parin naman ang masusunod. Hindi ko alam bakit umabot kami sa ganitong sitwasyon basta isang araw ay feeling close na ito saakin. Light na make up lang ang nilagay nya sa mukha ko at natural naman daw ang beauty at hindi na kailangan pa ng bonggang make up. Sunod na inayos niya ay ang buhok ko. " Ayan maganda kana Shane, sigurado ako na maraming magkakandarapa sayo." Sabi pa nya MALL.. Inabot ng 20 minutes bago kami makarating, pagkapark pa lang ng kotse ay nauna na si Daisy sumunod nalang ako sa kaniya. Kumain muna kami sa Mang Inasal ginutom daw ang isang ito, sunod na pinuntahan namin ay sa parlor nagparebond ang loka at dahil nandito narin naman ako nagpamanicure at pedicure narin ako treat sa sarili ang tagal ko narin na hindi nagagawa ito noon kasi sabay kami lagi ni Mom. Inabot ng limang oras sa pagrerebond kay Daisy, naupo muna ako sa couch nila dito sa labas ng parlor sa mismong loob nirerebond ang buhok ni Daisy. Kahihintay ay hindi ko namalayan na nakatulog na nga ako. Nagising nalang ako na para bang may tumatapik sa mukha ko si Daisy pala, lalong gumanda ang loka ng marebond ang buhok niya. Naglibot-libot pa kami at kung ano-anong binili hanggang sa makaramdam kami ng pagod at nagyaya na nga si Daisy na umuwi na kami. Gabi na ng makalabas kami sa loob ng Mall masyadong kaming nalibang. Nang makarating sa bahay ay nauna na nga ako kay Daisy. Matapos makapagpalit ng damit ay binagsak ko ang aking sarili sa malambot na kama at saka pinagmasdan ang aking mga daliri, ang cute ng maliliit na dolphin sa sobrang tuwa ko ay pinicturan ko ang daliri ko at pinost sa i.g ko. Alas onse na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok paikot-ikot lamang ako sa kama. Sa inis ay tumayo na lamang ako at lumabas, patay na ang lahat ng ilaw sa baba kaya binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at naglakad papunta sa kusina. Habang naglalakad ako ay napahinto ako ng may narinig akong yabag galing sa kusina medyo kinabahan ako baka napasok na ng magnanakaw ang bahay o hindi kaya ay may multo dito. Nagsitindigan ang mga balahibo ko ng maimagine yong mga scene sa horror movies. Habang papalapit na ako sa kusina ay rinig na rinig ko rin ang mga yabag. Nakakita ako ng anino at papalapit ito sa gawi ko dahan-dahan ako sa paglalakad. Binuksan ko ulit ang flashlight ng cellphone ko sa gulat ay naitapat ko ito sa kinaroroonan ng anino. Hindi naman ganon kaliwanag ang ilaw nito kay hindi ko parin masyadong maaninag kung sino ba ang nasa kusina. " Ahhhhhhhhhhhh..." hiyaw ko " Psst. Don't scream it's me". Sabi " Sir??". tanong ko Napabuntong hininga ako ng makilala kong sino ang may ari ng anino na iyon. Akala ko multo na si boss lang pala. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa itsura niya parang yong sa horror movie na the nun may itim na towel itong nakapatong sa ulo nya at nangingitim rin ang eyebags nito. Idagdag mo pa na sobrang puti ng balat nito mas maputi pa kay Edward Collins. Mas makinis pa yata ito saakin. " Sir naman, muntik na akong atakin sa puso dahil sau". pagmamaktol ko " I'm sorry Ms. Shane". Sabi nya Napakamot naman ito sa ulo at saka binuksan ang ilaw sa kusina. Naglakad naman ako papunta sa ref. at kumuha ng maiinom. Naupo muna ako habang pinapakalma ang sarili ko. " Can't sleep?". Tanong ni boss " Ganon na nga po". Sagot ko naman " Same". " Kaya siguro ang laki ng eyebags nyo sir noh". sabi ko saka bigla akong natawa ng mapadako ang tingin ko sa eyebag niya. Nakakunot lang ang mga kilay nito hindi yata naintindihan ang sinabi ko. Nagpaalam na ito na mauuna na sya at binilin na huwag kong kalimutan na ioff ang mga ilaw. -------------------------------------------------- Kinabukasan. Kriiiing.....kriiiiiing..... Antok na antok pa ako, madaling araw na ng dalawin ako ng antok ang ending ito ang laki narin ng eyebag ko. Tamad akong naglakad papunta sa banyo, nabigla ako ng buksan ko ang shower at sobrang lamig ng tubig na nilalabas nito. Habang abala ako sa paglilinis ng tawagin ako ni Daisy para sa breakfast. " Ayos ang ganda natin ah". sabi ko " Sos ako pa". Sabi ni Daisy sabay flip ng hair nito " Akala ko ba makikipagdate ka? nagdadrama kapa saakin kahapon kesyo tatanda akong dalaga". " Next time girl,tuloy na tuloy na iyon gusto mo pati ikaw idamay kona". Dagdag pa nya " Nako wag na Daisy hindi ko naman kailangan yan". Pagtanggi ko rito. Sa paglilinis lang umikot ang buong umaga ko, kinahaponan ay naisip ko na magjog sa labas hanggang sa park. Habang nagjojogging ay nakikinig ako ng music may mga ilan din akong nakasabay. Huminto muna ako at naupo sa bench saka uminom ng tubig, naagaw ng atensyon ko ang kumpulan ng mga tao sa unahan ng kinaroroonan ko dahil sa curiousity ay lumapit ako para tignan kong ano ang kaguluhang iyon. Hinawi ko ang mga tao na nagkakagulo sa unahan ko, kaya naman pala nagkakagulo ang mga ito, kay gagwapo naman ng mga ito. Nasa sampo siguro silang naglalaro ng basketball. Tiyak na matutuwa si Daisy nito kapag sinabi ko sa kanya mahilig pa naman sa mga gwapo ang lokang yon. Paalis na sana ako ng makaramdam ako ng matigas na bagay na tumama sa ulo ko hanggang sa nahilo na nga ako at nawalan ng malay. Hospital.. Nang magising ako ay nasa hindi pamilyar na lugar na ako. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuan ng kwarto, panglalaki ang design nito. Tatayo sana ako ng makaramdam muli ako ng pagkahilo at ang bigat ng ulo ko. " Gising kana pala". Sabi ng di pamilyar na lalaki sa harap ko. Tiningnan ko kung sino ang pinagmumulan ng magandang boses na iyon, ang gwapo nya sabi ng isip malandi kong isipan, feeling ko natulo na laway ko kakahiya tuloy hindi ko kasi mapigilan na hindi magkacrush kung ganito ba naman ang nasa harapan ko mala Tom Cruise ang dati niya. Dahil sa hiya ay yumuko ako at nilaro ang mga daliri ko sabay sabi ng: " Nasaan po ako?At sino po kayo?". Kunwari'y naguguluhang tanong ko sa kaniya. " I'm Charles, nandto ka sa bahay ko, sorry napalakas ang hagis ko ng bola at natamaan ka". Nakangiti ito habang sinasabi niya yan saakin Kilig to the bones naman ang ate nyo, lalo na ng lumabas ang malalim na biloy nito sa kanang pisngi. " Ayos lang, maiba ko kailangan ko ng umalis". Sabi ko saka tumayo at inayos ang pinaghigaan ko. Hindi maari na magtagal ako baka hanapin na nila ako. " Wala yon, hatid na kita sainyo". Sabi nya saka nawala ang ngiti sa mukha nito " Hindi na okay lang ako, salamat ulit". Dagdag ko pa Habang naglalakad kami ay panay rin ang pag-aalok nito na ihatid ako hanggang sa wala na nga akong nagawa. Sabay kaming naglalakad habang kumakain ng ice cream, natigilan ako ng bigla nitong punasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki nya. " Salamat". Sabi ko Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang ako ay sobrang kinakabahan na sa ginawa niya kani-kanina lang. " Matagal kana ba dito?" Tanong nya saakin " 3 months palang akong nakatira dito". Sagot ko " Kaya pala ngayon lang kita nakita". Sabi nya sabay kamot sa ulo nito, seriously hobby ba ito ng mga lalaki Marami rin kami nagpag-usapan ni Charles hanggang sa makarating na kami sa bahay. " Salamat ulit". Sabi ko " Wala iyon, so pano ba iyan sa uulitin, bye Shane". He said before leaving Alas sais na ng makabalik ako sa bahay, pagpasok ko ay tahimik parin ang paligid hindi parin siguro nakakauwi si boss. Hindi na ako nagabala pang kumain dumiretso nalang ako sa aking silid at saka nagshower. Nagbihis na ako ng pantulog feeling ko nadrain ang energy ko ngayong araw. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama hanggang sa makatulog na nga ako. Alas dos ng magising ako dahil kumakalam ang tiyan ko kaya kahit na inaantok pa ay bumangon na ako at pumunta sa kusina para kumain. Binuklat ko isa-isa ang mga tray ng pagkain na nasa lamesa mukhang hindi pa masyadong nagagalaw ang mga iyon. Ganado akong kumakain ng mabulunan ako dail may naring akong umubo sa likod ko kaya napalingon ako sa kaniya. " What are you doing?" Tanong nya " Kumakain po Sir". Sagot ko namn " Bakit late ka ng kumain?" Tanong ulit niya " Mahaba po ang tulog ko Sir, kakagising ko lang." ' It's that so, nga pala yong ilaw huwag mong kalimutan'. he said tapos sumenyas sya na mauuna na Nagnod nalang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkain. Matapos hugasan ang pinagkainan ko ay bumalik na ako sa silid ko. I'm about to sleep ng magvibrate ang phone ko tinignan ko muna kung sino ang nawrong send wala naman kasi akong ineexpect na maaring magmessage saakin dahil wala naman akong ibang kakilala. Sir Nathan: Good eve. gising kapa? Pwedi kaba bukas? I want to buy a gift for my friend. To Sir Nathan: Yes po gising pa ako. Sure po sasamahan ko kayo. Nireplyan ko naman si Sir ng magsend na ang text ko sa kaniya ay humiga na ulit ako. Kinabukasan.. Maagap akong gumising dahil may pupuntahan kami ni Sir Nathan ngayon. Pumili mona ako ng damit na susuotin ko mabuti na lang at inayos ni Daisy ang mga damit ko nong isang araw at inilagay niya sa unahan yong mga dress. Khaki na floral dress above the knee ang napili kong damit tsaka flatshoes na beige ang kulay. Matapos maligo ay pinatuyo ko muna ang buhok ko at naglagay ng konting make up. Nang bumaba ako ay andoon na si Sir nakaupo sa sofa habang may kung anong tinitignan sa cellphone nya. Mukhang hindi naman niya napansin ang pagdating ko kaya nilapitan ko na sya at binati. " Good morning Sir". bati ko sa kaniya Nag-angat naman ito ng tingin sa akin at hinubad ang suot niyang salamin. Medyo kinabahan ako sa way ng pagkakatitig niya saakin. What if hindi ako mukhang presentable, ang cool pa naman ng suot nitong kasama ko, nakaleather jacket ito na black tapos white na t-shirt ang panloob then ripped jeans at black na boots parang rider lang ang awra. Nauna na itong maglakad papunta sa garahe kaya sumunod nalang ako sa kaniya. Nagsimula na siyang iistart ang bigbike niya, napawow naman ako lalo lamang nangibabaw ang pagiging cool nya. Iniabot na niya sa akin ang helmet at inalalayan ako sa pagsakay sa bigbike niya. " Hold on tight,Miss Shane baka mafall ka". panunudyo nito saakin Mabagal lang ang pagmamaneho niya kaya maayos naman naming narating ang mall. Pagkapark ay pinaghintay na lamang niya ako sa entrance ng venice mall dito sa mckinley. maya-maya lang ay nakita kona itong naglalakad papunta dito sa entrance. " Where do you want to eat?". Tanong nya saakin " Kahit saan po Sir". Sagot ko naman Sa isang fine dining restaurant nya ako dinala, mukhang mamahalin ang mga pagkain dito. Although hindi ko first time na kumain sa mga ganitong lugar alam ko na mahal dito, sabagay barya lang naman yon para sa katulad nya. Steak ang inorder ko ganon rin iyong sa kaniya. Kapwa tahimik lang kami habang kumakain ng mapansin ko na may dumi si Sir Nathan sa bibig nya, ang kalat naman nitong kumain natawa nalang ako. Napansin naman nya ito kaya tiningnan nya ako na para bang nagtatanong " Ah e sir may ano po kayo". Sabi ko sabay senyas sa gilid ng bibig ko " What did you say Miss Shane?". Sabi nya Mukhang hindi nito nag-intindihan ang sinabi ko Kumuha na lang ako ng tissue at saka marahan na pinunasan ang gilid ng labi nya natigilan naman sya sa ginawa ko, na siya namang kinapula ng mga tainga nya. Bumalik narin ako sa kinauupuan ko at pinagpatuloy ang pagkain. Nag-iikot ikot lang kami at naghahanap daw siya ng magandang panregalo. Pinabalot narin ito ni Sir para hindi ko na daw gawin pa iyon. " Para kanino po ba sir yang regalo na binili nyo?". hindi kona napigilang magtanong out of curiousity. " Magbibirthday kasi yong anak ng kawork ko at invited ako since ninong ako ng batang yon." Sabi nya " Ahh". Sabi ko Hindi narin naman kami nagtagal at may lakad raw sya bukas. Madali lang kaming nakabalik at hindi naman masyadong trafic kagaya kanina. Nauna na akong pumasok sa loob dahil nakaramdam ako ng pagod, nakita ko ja sumunod naman sya. " Miss Shane wait lang". Tinawag nya ako at nilingon ko naman siya. May inilabas itong maliit na paper bag mula sa likod nya at iniabot saakin. " Para saakin po?" Tanong ko " Yup sayo yan, salamat at sinamahan mo ako". Sabi nya Kwarto.. Pagkatapos kong magpalit ng pantulog ay kinuha ko ang paper bag na binigay ni Sir kanina. Tinignan ko kung ano lamang nito. Isang maliit na box ang laman ng papaer bag. Kwintas pala ang laman nito, isinuot ko ito saka humarap sa salamin at pinagmasadan ang sarili kong bagay ba ito saakin. Tulips ang pendant nito at mukhang may kamahalan ayon sa pagkakagawa ng design nito. Paano kaya nya nalaman na paborito ko ang tulips. Malabo yon, napailing na lang ako nagkataon lang siguro wag kang assuming girl. Umakyat na ako sa kama at pinatay ang lampshade. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD