BETHANY Tama lang na may malapit na estasyon ng bumbero sa lugar na iyon. Agad namang naalarma ang mga firetruck dahil sa naririnig niyang sunod-sunod na mga siren. Hanggang sa narinig nalang niya ang kagulohan sa labas at ang sigawan ng mga tao. Nang mapalingon siya sa gawi ni Gib nakita nalang niya na sinasakal ito ni Buno sa leeg. Dali-dali naman siyang naghanap ng bagay na pwede niyang ihampas kay Buno. Nang makakita siya ng isang stool sa gilid agad niyang binuhat ito at inihampas sa likod ni Buno. Napalingon sa kanya si Buno na parang hindi ito natinag sa pagkahampas niya. Bigla naman siyang nanigas sa kinatayuan niya at halos di makakilos. Nakangisi lang sa kanya si Buno at humakbang ito papalapit sa kanya. Nang makalapit na si Buno sa kanya, agad naman niyang ginawaran ito ng is

