Chapter 7

1011 Words
Mag-a-alas siyete ng gabi nang umuwi si Daniel. Gaya ng dati ay napakaluwang ng pagkakangiti nito nang madatnan sa living room ang mag-inang Celestine at Dianne. "Daddy!" tili ni Dianne nang makita ang ama. Agad itong umalis sa tabi ni Celestine saka patakbong sinalubong ng yakap si Daniel. "I miss you, daddy." "I miss you too, my princess," tugon ni Daniel matapos halikan sa pisngi ang sariling anak. Binuhat niya ito. "You did gain weight, princess. Ang bigat na ng anak ko." Nagkunwari pa itong nahihirapan sa pagbuhat kay Dianne. "Daddy?" Sumimangot si Dianne. "You didn't come home yesterday. Where have you been? I did go to bed late because I was waiting for you." Suminok ito at may nangilid na luha sa mga mata. Napailing na lang si Celestine. Alam niyang nagda-drama na naman ang kaisa-isang anak. Kay Daniel lang ito nagkakaganito, palibhasa lahat ng gusto nito ay ibinibigay ng ama. "Oh, I am sorry, princess. I have tons of work in my office yesterday so I decided not to go home." "It's mommy's birthday yesterday and you didn't even greet her." Sa edad na apat na taon ay matatas na magsalita si Dianne. Napakabibo nitong bata at tila matanda na kung mag-isip. Alam nito kung kailan nag-aaway ang mga magulang kaya grabe ang pagpipigil ni Celestine na pagtaasan ng boses si Daniel dahil alam niya na ito ang kakampihan ng anak. "I already greeted mommy on her birthday," tugon ni Daniel saka nilapitan si Celestine at hinalikan sa labi. "Right, mommy?" Para siyang masusuka sa halik ng asawa. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Parang bumalik siya sa unang taon ng kanilang pagsasama na grabe ang galit niya kay Daniel. Kinamumuhian niya ito dahil sa pagpupumilit nito na maikasal silang dalawang na agad namang sinang-ayunan ng mukhang pera niyang kapatid. Pinagalaw ni Daniel ang sarili nitong pera at sinuhulan ang Kuya Keith niya na nang mga panahon na iyon ay nangangailangan talaga ng pera dahil manganganak ang asawa via caesarian section. Nang hindi siya pumayag ay pinapili siya nito kung magpapakasal siya kay Daniel o ipapasok siya nito sa isang strip bar na pinamumugaran ng prostitusyon. Pati ang kanilang nanay na mukhang pera din ay nasilaw sa suhol ni Daniel. "Mommy, is that true?" tanong ni Dianne na nagpabalik sa alaala ni Celestine sa kasalukuyan. "Yes, baby," pagsisinungaling niya. Wala naman kasi siyang choice kundi sumang-ayon o magdidiskusyon na naman sila ni Daniel. Iyon ang pinakaiiwasan niya lalo na at narito sa harapan nila ang bata. "Good job, daddy." Abot hanggang tainga ang ngiti ni Dianne nang umupo sa kandungan ni Celestine at utusan ang ama na yakapin silang dalawa. Tatanggi na sana si Celestine ngunit mabilis na yumakap sa kanila si Daniel. Hinalikan pa siya nito sa labi dahilan para pumalakpak si Dianne. Gustong-gusto niya na nagkakasundo ang mga magulang. Mayamaya ay kumain na sila ng hapunan. Panay ang kuwento ni Dianne habang sinusubuan ito ni Daniel. Si Celestine ay tahimik lang na nakamasid. Tama talaga ang naging desisyon niya na huwag umoo sa alok ni Edward. Kung ganito ka-close ang mag-ama niya ay mahihirapan talaga siya na makipaghiwalay kay Daniel. Natitiyak niya na magagalit sa kaniya ang sariling anak kapag nalaman nito na may iba siyang lalaking kinahuhumalingan. "Darling," saad ni Daniel sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. "How was your day yesterday? I hope nag-enjoy ka." Parang iba ang dinig niya sa huling sinabi nito. Tila may iba iyong pakahulugan. Pero, oo, nag-enjoy naman talaga siya dahil sa wakas ay nagkita silang muli ng ex boyfriend niya. "Don't worry," patuloy pa ni Daniel, " kahit kahapon pa ang birthday mo, ise-celebrate pa rin natin." "Really, daddy?" sabat ni Dianne. "Yes, princess. Tomorrow we are going to go to mommy's favorite restaurant. Tapos ay mamamasyal tayo. Saan mo ba gusto?" "Hindi ka papasok sa office, Daniel?" Nagsubo si Celestine ng isang piraso ng maliit na karne. "Tomorrow is Saturday, Darling. I want to spend my whole day with the two of you. Isa pa paalis ako ng bansa sa Linggo. Baka Huwebes na ang balik ko." "Can we tag along, daddy?" sabat na naman ni Dianne. "I don't want to be with yaya." "Mommy is here, princess." "She's busy with her business." Pinunasan ni Daniel ang bibig gamit ang table napkin. Tinitigan niya ang mukha ni Celestine. Hindi naman makatingin pabalik ang huli. Nakatingin lang ito sa pagkaing naroon sa sariling plato. "Can I talk to you later, Darling?" anas ni Daniel. "I have something to discuss with you." Kinakabahan man ay tumango si Celestine at ipinagpatuloy ang pagkain. Kung ano man ang bagay na gustong pag-usapan ni Daniel ay wala siyang pakialam. Tutal ay ito naman palagi ang nasusunod sa bahay na ito. Wala rin namang silbi kung makipag-argumento pa siya. Matapos ang hapunan ay kinuha na ni yaya si Dianne para linisan. Silang dalawa na lang ni Daniel ang naiwan sa harap ng mesa. Nakatitig lang ito sa kaniya at magsasalita na sana nang biglang tumunog ang cellphone nito na naroon sa bulsa ng suot na slacks. Agad iyong kinuha ni Daniel saka napangiti nang mapasadahan ang pangalan na naroon sa screen ng phone. "I need to take this call, Darling." Aligaga itong tumayo at nagmamadaling maglakad patungo sa library. Kumunot ang noo ni Celestine. Nagtataka siya kung bakit kailangan pa nitong pumasok sa library para doon kausapin ang kung sino mang tao na tumatawag. Tila ba may sikretong pag-uusapan at ayaw iparinig sa kaniya. Bunga ng kuryusidad ay tumayo siya at sinundan ang asawa. Nais niyang makiusyuso dahil nagkaroon siya ng hinala na baka 'yong babae na nakita niya sa Tagaytay ang tumatawag sa asawa niya. Tanaw niya na nakabukas nang kaunti ang pinto ng library kaya may pag-asa na marinig niya ang boses ni Daniel. Nang makalapit ay idinikit niya ang tainga sa pinto. Nakiki-marites na lang din siya ay lulubos-lubusin na niya. "Papunta ako ng Singapore sa Linggo, Babe. Be ready dahil isasama kita. I love you." Parang sinampal si Celestine sa narinig. Kumpirmado na may babae na naman na kinalolokohan ang asawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD