Chapter 5

1025 Words
"Where have you been last night, Celestine?" mariing saad ni Daniel sa kabilang linya. "Ang sabi ni Inday hindi ka umuwi." Itinaboy niya ang kaba sa dibdib. Alam niya na seloso si Daniel at kagabi lang ang unang beses na hindi nito alam kung nasaan siya. Sa utak niya ay buo na ang kasinungalingan na sasabihin sa asawa. "I was trying to call but I couldn't reach you," patuloy pa nito sa galit na boses. "Naka-off ang cellphone mo. Saan ka ba talaga nagpunta, ha? Did you have a one night stand with someone?" Nasapo niya ang sariling dibdib sa sobrang kaba. Tuloy ay naiisip niya na nakita siya ng asawa na may kasamang ibang lalaki. Pinagpawisan ang noo niya. "I was celebrating my birthday with Mario yesterday," mababa niyang saad. Inilayo niya muna sa tainga ang cellphone saka malalim siyang bumuntong-hininga para hindi mahalata ang pagsisinungaling niya. "Nag-renew ako ng driver's liscense kahapon at tinawagan ako ni Mario na mag-celebrate kami. I don't see anything wrong with that." "Okay..." Nagtagis ang kaniyang mga bagang. Kahapon nang umalis ito sa bahay nila ay hindi man lang siya binati gayong alam nito na birthday niya. Kaya ang inaasahan niya ay babatiin siya nito ngayon kahit sa cellphone man lang. Ni hindi man lang nag-chat o nag-text para batiin siya. "Anyway, sa LTO Tagaytay ako nag-renew ng lisensiya and I saw you there with someone. Sa labas ng Mahogany Market." Kumuyom ang kabila niyang kamao. "Siguro ay dapat kong ibalik sa 'yo ang tanong mo kanina. Do you have a one night stand with someone, Daniel?" Naiinis siya sa isiping birthday niya pero ibang babae ang kasama nito. Kahapon ay niyaya niya ito na lumabas at ipapasyal nila si Dianne pagkatapos niya ma-renew ang driver's liscence pero mariin itong tumanggi. "Wala ako sa Tagaytay kahapon, Celestine. Nagpunta ako sa Quezon City kasama ang kuya mo." Nauutal ang boses ni Daniel. "Kung hindi ka naniniwala tanungin mo na lang ang kuya mo." At dahil wala namang patutunguhan ang pag-uusap nila ay hindi na siya nagsalita. Kasundo ng kuya niya si Daniel at alam niyang pagtatakpan lang nito ang kabulastugan ng asawa niya. Hinintay na lang niya na mawala sa linya si Daniel saka niya inilapag ang cellphone sa kama. Palalagpasin niya ang kasinungalingan nito. Hindi na niya ito kokomprontahin pag-uwi tutal ay may ginawa rin siyang hindi kanais-nais kagabi. Quits na rin sila kung iisipin. Sa unang pagkakataon simula nang ikasal sila ni Daniel ay kagabi niya lang ginawa ang ganoong bagay. Alam niyang mali, pero nakaramdam siya ng kasiyahan. Tama ang sinabi sa kaniya ni Mario na masarap ang bawal. Na sa oras na matikman mo 'yon ay talagang hahanap-hanapin mo. Bumuntong-hininga siya. Ngayon lang naman siya nagkaganito at sa iisang lalaki niya lang naramdaman ang hindi maipaliwanag na pagnanasa. Si Edward iyon. Ang lalaking kahit anong pilit niyang itaboy sa kaniyang isipan ay patuloy pa rin niyang naaalala ang kanilang nakaraan. At dahil hindi na siya makatulog, ay bumangon na lang siya. Naligo siya at matapos magbihis ay lumabas na ng kuwarto. Nabungaran niya si Inday na nagpupunas ng mga muwebles sa living room. "Nasaan si Dianne, Inday?" tanong niya. "Nasa library po, ma'am, kasama si yaya." Tumango siya saka tumalikod para pumasok sa library nang tumunog ang door bell. Napakunot ang noo niya. Wala siyang inaasahang bisita ngayon. Imposible naman na si Daniel iyon dahil may sarili itong susi sa gate. Hinayaan niya na si Inday na lang ang lumabas para tingnan kung sino ang naroon sa labas. Papasok na siya sa library nang bumalik si Inday. Kasunod nito si Mario, ang baklang beautician. "Oh my god, sister!" bulalas ni Mario nang mapasadahan ang mukha niya. "You look stunning!" Napakunot ang noo ni Celestine nang lumapit sa kaniya si Mario. Agad siya nitong nyakap nang buong higpit na para bang ngayon lang sila muling nagkita matapos ang napakatagal na panahon. "Mario!" Inis na wika niya. "Nasasakal ako. Gusto mong makatikim ng sipa?" "Ito naman!" Inirapan siya nito matapos kumalas ng yakap. "Masyado lang akong masaya kasi ang ganda-ganda mo ngayon, sis. There is something in your eyes na...." Tumigil ito sa pagsasalita at inilagay sa sentido ang dulong bahagi ng kanang hintuturo na waring naghahanap ng akmang salita para ilarawan ang namamasdan sa mga mata ni Celestine. "In fairness, you look fresh, sisteret." Inilapit nito ang labi sa tainga niya at bumulong, "Seems like you had a good f*ck last night. Nariyan ba si Daniel?" Inirapan niya ito matapos senyasan na manahimik. Nakatingin kasi sa kanila si Inday at alam niya na isa ito sa mga espiya ni Daniel dito sa kanilang bahay. Kagaya ng yaya ni Dianne ay tagasumbong din ito sa asawa niya kung anong oras siya umalis at umuwi sa bahay. Kaya hindi siya basta-basta nagtitiwala sa mga kasambahay nila. Naiintindihan naman niya iyon dahil si Daniel ang nagpapasuweldo sa mga ito kaya kailangan din nilang maging tapat sa amo. "Well of course thank you sa birthday surprise mo sa akin kagabi, Mario." Pinilit niyang lakasan ang boses para marinig ni Inday, ngunit kasabay niyon ay hinawakan niya nang mahigpit ang palapulsuhan ni Mario bilang tanda na sumang-ayon na lang ito sa mga sinasabi niya. "I appreciate your kindness." Hinila na niya ito palabas ng bahay at doon sila nagpunta sa pool side. "What did you just say over there?" naguguluhang wika ni Mario saka namaywang. "Na magkasama tayo kagabi? E, kaya nga ako pumunta rito para magkaroon ng late birthday celebration dahil naka-off ang cellphone mo simula kahapon. Hindi kita matawagan. Saan ka ba talaga nagpunta, ha?" Tumaas na ang kilay nito. Inukopa niya ang bakanteng upuan sa may poolside. May tent naman doon kaya hindi sila nakabilad sa araw. Napatingin siya sa swimming pool habang iniisip kung papaano bubuksan sa kaibigan ang nangyari sa kaniya matapos makapag-renew ng lisensiya. "Care to tell me, Celestine?" pormal na tanong ni Mario saka umirap na naman. "I am your twin sister from another mother and one look in your eyes," tumigil ito sa pagsasalita saka ngumisi. "I smell something fishy. That sparkle in your eyes says something." "I was with Edward last night."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD