CHAPTER 4: "MIYA THE DRAGONSLAYER!"

812 Words
"Why, you little cunt!" Nanginginig ang mga kamay na kinapkap ni Ms. Turtle ang kalbo nitong ulo. May mga iilang hibla ng buhok na pawang mga nakausli sa parteng bumbunan nito. "Little piece of turd!" Medyo may kabigatan at magaspang ang buhok nito. Paano ito nagagawang suotin ni Ms. Turtle? Bukod sa masyado itong matingkad para sa totoong buhok, obvious na wig lang ang suot ng dragon. She's not fooling anyone. O ako lang ba ang bukod-tanging nakahalata? May dress shop kami kaya alam ko ang pagkakaiba ng wig sa totoong buhok. Day 1 pa lang alam ko na agad na hindi totoo ang buhok ni Dragon Lady. "Ibalik mo sa akin ang buhok ko, you little devil!" "As you wish!" Binato ko ang wig sa mukha ni Dragon Lady. "Sa susunod, gumamit ka ng conditioner. Talagang literal na nag-split ang buhok mo." Muling sumabog ang nakabibinging halakhakan. Mas malakas kaysa kanina. Sa labas ng bintana, nakadungaw at nakasilip ang ilang mga estudyante mula sa magkabilang silid, nakabakas sa kanilang mga mukha ang magkahalong pagtataka at pagkatuwa habang pinagmamasdan si Ms. Turtle. Nagmamadaling pinulot ni Ms. Turtle ang wig at pinatong sa ulo nito. Muling nagtawanan ang lahat dahil baligtad ang pagkakalagay nito sa wig. Nagmukha tuloy itong si Sadako! "Mga hayop kayo lahat!" sigaw ni Ms. Turtle sa kulob na tinig. Inayos nito ang wig. Lumantad sa amin ang nanlilisik at namumula nitong mga mata na basa ng luha. Pumako ang mga matang ito sa akin. Nanindig ang balahibo ko. "Pagsisisihan mo ang lahat ng ito, Miya Antipasado!" "Ms. Turtle..." Nagmamadaling humakbang palabas ng silid-aralan si Ms. Turtle. Muntik pa itong madulas nang matapakan ang nakakalat na balat ng saging sa sahig. Muling nagtawanan ang mga kaklase ko. Nagtayuan ang mga ito sa kani-kanilang mga upuan at nagpuntahan sa kinaroroonan ko. Sinunggaban ako ni Bruno sa bewang at inangat na parang bata. Kulang na lang ay tumama ang ulo ko sa kisame sa taas ng pagkakahubat nito sa akin. "Ang galing mo, Miya. You defeated the evil dragon!" deklara nito habang iniikot ako na parang si Dawn Zulueta. Sa paraan ng pagkakatingin nito sa akin, parang isang diyosa ang nakikita nito at hindi isang kinse anyos na dalagita. May kinang sa mga mata nito. "Miya the Dragonslayer!" "Bruno!" "Miya the Dragonslayer!" ulit ni Bruno sabay yakap sa akin saka dinampian ako ng halik sa pisngi. "Natalo mo ang dragon. Niligtas mo ang lahat. Salamat." "Miya, the Dragonslayer! Miya, the Dragonslayer!" sigawan ng mga kaklase ko. Nagsipagsayawan pa ang iba at naglulundag na parang mga baliw. "Miya the Dragonslayer. MIYA THE DRAGONSLAYER!" Magkahawak-kamay na nagsayawan sina Nana at Karina sa saliw ng tugtugin na silang dalawa lang ang nakaririnig. "Miya the Dragonslayer," narinig kong anas ni Layla mula sa likuran ko. Nakatingin ito sa akin bagama't walang ngiti na makikita sa labi nito. Sa halip ay nakalukot ang mukha nito. "Ano'ng kaguluhan ito? Ano'ng nangyari?" Si Ms. Palanas, ang Chemistry teacher at adviser namin. Nakakunot ang noo nito habang nakamasid mula sa tabi ng pintuan. Hawak nito ang isang microscope sa isang kamay. Nagpuntahan ang mga kaklase ko kay Ms. Palanas. Ang iba'y nagtatawanan pa rin. Isa sa mga mabababait na guro ng Purvil High si Ms. Palanas kaya naman palagay ang loob namin dito. Kailan man ay hindi ito naninigaw o namamahiya ng estudyante. Kaya naman sobrang mahal namin ito. "Bakit nakita kong tumatakbo papuntang office si Ms. Turtle? Ano'ng ginawa n'yo?" "Si Miya po, Ms. Palanas. Niligtas po niya kami laban kay Dragon Lady," mabilis na sagot ni Nana. Niyakap nito nang mahigpit ang hawak na aklat sabay sulyap sa akin. "Miya the Dragonslayer!" "Miya the Dragonslayer?" "Kalbo po pala si Dragon Lady!" natatawang sabi ni Clint. "Kung nakita n'yo lang po, Ms. Palanas. My god, ang ulo po niya ay mas makintab pa sa doorknob ng Malacañang." May payak na ngiti na sumilay sa labi ni Ms. Palanas. Dumako ang tingin nito sa akin. "Alam mo ba ang nagawa mo, Miya?" Nagtaas ito ng kilay. "That was brave of you to do, whatever that was. Pero tandaan mo, math teacher n'yo pa rin si Ms. Turtle. Kahit gaano pa kaimpakta ang impaktang 'yon, may kapangyarihan pa rin ito para ibagsak kayo." Sa puntong ito, hindi ko alam kung matatawa o maiiyak sa mga narinig mula kay Ms. Palanas. Bakit habang tumatagal, pakiramdam ko sobrang mali ng ginawa ko kay Ms. Turtle? I should have known. Mas matindi palang kaaway ang konsensya. Pero huli na ang lahat. Kahit ano'ng gawin ko, hindi ko na maibabalik pa ang mga nagawa ko sa maldita naming math teacher. The damaged was already done. Nagkatinginan ang mga kaklase ko. Tila hindi nila naisip na maaaring mangyari ang mga sinabi ni Ms. Palanas. Kayang-kaya kaming ibagsak ni Ms. Turtle. Sobra itong napahiya kaya siguradong gagawin nito ang lahat makaganti lang sa amin. Lalo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD