The Forbidden Fruit Chapter 19 Pag-uwi namin ng bahay ay naging maayos naman ang pakiramdam ko. Baka may nakain lang talaga ako dahilan para magsusuka ako. At ngayon ay nasa ilalim na ako ng shower para maligo. Pero kahit na pakiramdam ko ay maayos na ang pakiramdam ko ay bakit parang… Parang may kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko… Napaubo nalang ako dahil pakiramdam ko ay nananakit ang lalamunan ko. Hindi kaya…flu lang ito? Papatayin ko na sana ang shower pero bigla akong nanigas nang makita ang kamay ko. “KKKKKKKYYYYYAAAAAAAAAAAAHHH!!” I screamed. Dahil nakita kong… Nakita kong… Punong-puno ng dugo ang mga kamay ko. Doon ko naman narinig ang malakas na pagkakasira ng pinto ng CR at nag-aalalang pumasok doon si Demon. “JANE!”he called me. “DEEEMMOONNN!! UUUWAAAHHHH!!

