The Forbidden Fruit Chapter 14 It is a silent morning. At ang naririnig ko lang ay ang iyak ng mga taong nakaputi na yun habang nakatunghay sa magandang babae na nakahiga sa isang white coffin at napapalibutan ng mga puting rosas na yun. Napakaganda nyang tignan sa white dress at parang lang syang natutulog. Her face looks so peaceful. Naririnig ko rin ang iyak ni Carlie mula sa tabi ko. Tama. Nandito kami sa libing ng babaing naging ina ko ng halos dalawang taon. Nakaupo lang ako sa isang upuan at nakatitig sa magandang mukha na yun. “AT ANG KAPAL NYONG MAGPAKITA DITO MATAPOS ANG GINAWA NYONG ITO?!” ang galit na galit na sigaw ni General Marcus. Agad naman akong napalingon sa pinagmulan ng boses at nakita ko sina Hildegarde at Cedric na nakatayo sa bungad ng sementeryong iyon.

