The Forbidden Fruit EPILOGUE *Time stands still beauty in all she is...* "Bye! Mag-iingat kayo sa group date nyo ha!" ang kaway sa amin ni Mama nang lumabas na kami ng pinto. "At Edward, ikaw na ang bahala sa anak ko okay?" Habang nasa likod naman nya sina Hildegarde at Cedric na tahimik lang na nakatingin sa amin. Ngumiti naman si Edward. "Oo naman, anything for you Elena!" Ngumiti din si Mama at isinara na ang pinto ng bahay. *I will be brave I will not let anything Take away...* At pagkasara na pagkasara nun ay bigla nalang sya sinipa sa binti ni Carlie. "Aray!" ang naisigaw nya saka nahawakan ang binti. "Anything for you Elena my face!" Carlie yelled. "Sinasabi ko na nga ba eh! Baka may feelings ka parin sa kanya!" Samantalang nanatili lang kaming nakamasid sa kanilang da

