The Forbidden Fruit Chapter 35 Agad syang napaluhod at nanginginig na nahawakan yun. At nang tignan nya ang kamay nya…. Blood. Nakita nya ang sarili nyang dugo sa kamay nya. Nanginginig syang lumingon sa likuran nya at nakita nya ang naka-smirk na si Jane habang hawak-hawak ang duguang Excalibur na yun. “B-best…” she whispered. “Good for you at tao ka. Dahil kung bampira ka lang ay baka patay ka na ngayon…” Jane said in an unfamiliar tone. “…Carlie.” Parang hindi ito si Jane.. “P-pero best…” she whispered. “B-bakit?” “So how does it feel huh?” she asked with that smirk on her face. “How does it feel to be stabbed at your back by your own beloved bestfriend?” “B-best…a-anong…ano bang p-pinagsasabi mo?” ang nanghihina na nyang tanong dahil pakiramdam nya ay dumarami na ang dugong

