Pagkatapos ng matinding eksina na naganap masaya ng nagkukwentuhan ang aming pamilya. Inaantok na si Alistair Claude kaya tumayo na ako para pumunta sa kwarto naming mag-asawa at patulugin ito. Habang pinapatulog ang aking anak hindi ko maiwasan ang pagpatak ng aking mga luha. Iniimagine ko palang kung paano siya nanatili sa kalye o parke para humingi ng pera at may makain. Idagdag pa ang pinagbubuhatan siya ng kamay sa tuwing wala siyang maibigay na pera. Sa lahat ng dinanas ng anak ko nakuha parin niya ang magpatawad. Hindi man lang nagtanim ng galit. Dahil nakita na niya ang kanyang tunay na pamilya kaya na niyang kalimutan ang nakaraan. Gusto na niyang magsimula ng bagong masasayang kabanata kasama ang lahat. Napakatanga ko dahil hindi agad ako kumilos para hanapin ang aking nawawal

