KABANATA 2

2201 Words
***EYRNA*** Kahit nasa bahay na silang magkapatid at naghahanda na sila sa pagtulog kahit na umaga na ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Eyrna. For her, the entire scene earlier was surreal. Mas hindi pa siya makapaniwala na nilapitan siya at offer-an ng baklang manager na si Miss Erika kaysa iyong pagkapanalo niya bilang runner up. Imagine siya ang binigyan ng opportunity hindi ang champion? Ayiee! Hindi pa man dumadating ang araw ng Linggo na pagkikita nila ay sobrang excited na siya. Kung maaari nga lang ay hilain na niya ang araw ay ginawa na niya. Nangangati na ang kanyang kamay na pumirma ng kontrata. Sa pagkakaalam ni Eyrna, lahat ng artista, singer man o hindi ay pikatatanging pangarap na maging manager si Miss Erika. Lahat kasi ng hawak nitong artista ay hindi matatawaran ang kasikatan. Ang mga hindi raw sumikat ay iyon ang mga pasaway. Promise niya, hinding-hindi siya magiging sakit sa ulo ni Miss Erika. Pagbubutihin niya ang anumang trabaho na ibibigay nito sa kanya. Hinding-hindi niya ito bibiguin. “Ate, baka maging Joker kalaki na ang bunganga mo kakangiti mo r’yan,” dahil nagsisipilyo ay halos hindi maintindihan ang sinabi ni Emmil. “Hayaan mo na ako.” Nakangiting sinamaan niya ng tingin ang kapatid. Kahit busy siya sa kakakayod sa club bilang singer doon para mabuhay ay syempre alam niya kung ano ang hitsura ni Joker na tinukoy nito. May oras pa rin naman siyang manood ng mga foreign movie, lalo na mga K-Drama. Nagmumog muna ang kanyang pasaway na kapatid bago muling nagsalita. “Kahit wala naman ang bakla na iyon ay sigurado akong sisikat ka, Ate. Hindi mo siya kailangan.” Tuluyan na siyang natigil sa pagmamasahe sa kanyang nangawit na mga paa dahil sa takong ng stiletto na suot niya kanina sa contest. Her questioning eyes surveyed her brother. Nagmamagaling, eh. "At ano’ng alam mo naman sa salitang pagsikat, aber?” “Wala.” Napanguso ito. “Pero hindi ba puwedeng naniniwala lang ako na magaling ka? At sapat na iyon para sumikat ka lalo na ngayon na may napatunayan ka na. Parang si idol ko na si Jullie Anne. Hindi naman siya ang grand champion noon sa sinalihan niya raw na singing contest pero sikat naman siya ngayon na singer tulad ni Miss Lailey,” saka katwiran nito. Napabuntong-hininga si Eyrna. Alam naman niya ‘yon, pero sa tulad niya na nagkakaedad na ay malayo na ang suwerte sa show business. Ilang buwan na lang ay magte-trenta na siya. Isang birthday na lang niya ay derstan na rin sya na ang ibig sabihin ay tanders na o matanda na. Kung wala siyang magiging backer ay siguradong mabibigo pa rin siya. Bigla ay sumagi sa isip niya si Jella dahil sa derstan. Ang bruhang kaibigan niya kasi na iyon ang may kagagawan ng mga baliktad na salita na mga alam niya. Tula din ng sheb na tawagan nilang magkakaibigan. Binaliktad naman na besh. Kumusta na kaya ang kaibigan niyang iyon? Naayos na kaya niya ang problema niya? Simula tinanggap niya ang pagiging contestant ng MUSIKA TANGHALAN 2022 ay hindi na niya nadalaw si Jella. Sa sobrang busy niya sa contest ay wala na siyang alam kung ano’ng nangyayari sa kaibigan niyang iyon. Siguro dapat na niyang puntahan sa susunod na araw at baka magtampo na iyon sa kanya. “Mag-solo ka na lang, Ate. Masama ang kutob ko sa baklang ‘yon, eh. Wala akong tiwala sa katulad niya,” ungot pa rin ni Emmil. Namalayan na lang niya na nasa harapan na niya ang kapatid. Tapos nang magsipilyo. “Emmil, lahat ng celebrity, singer man o actress o modelo ay kailangan ng manager na hahawak sa kanila. Ibig sabihin ay kailangan ko rin ng manager kung gusto ko na magtuloy-tuloy ang aking career, at si Miss Erika iyon,” paliwanag niya. Ang totoo ay nata-touch siya sa pinagsasabi ng kapatid. Ibig lang kasing sabihin niyon ay proud sa kanya ito. Ang laki ng tiwala nito sa kanyang kakayahan at iyon ang kailangan niya sa ngayon. Ang suporta ng mga taong nagmamahal sa kanya. Binuhay muna ni Emmil ang telebisyon bago iginiit pa rin ang gusto. “Eh, di maghintay ka ulit na may mag-offer sa ’yo? Huwag lang sa bading na 'yon?” Umiling siya nang sunod-sunod. “Sobrang suwerte ko na kay Miss Erika. Hindi ko sasayangin ang opportunity na inaalok niya sa akin. Tanga na ako kung gagawin ko ‘yon, Emmil.” “Bahala ka na nga. Basta huwag mong sasabihin sa akin balang araw na hindi kita sinabihan kung may gagawin nga sa ‘yo na hindi maganda ang bading na ‘yon, ah?” disappointed na pagsuko na ni Emmil. Ibinagsak nito ang katawan sa luma pero malambot pa rin naman na sofa. Itinapat sa TV ang remote at hindi na nagsalita pa nang nanood na ng unang balita. “Oo naman.” Nakangiting tinapik niya ito sa balikat. Nakuha pansamantala ng palabas ang atensyon nilang magkapatid. Ibinabalita ang nalalapit daw na pagwawakas ng MUSIKA TANGHALAN. Sa TV ay hindi pa tapos ang kanilang laban, one-week pa ang hihintayin ng mga manonood upang malaman kung sino ang mananalo sa kanila kaya naman sinabihan sila ng producers na huwag munang ipagkakalat kung sino ang nanalo para hindi ma-spoil ang palabas. Napangiti si Eyrna nang makita niya ang kanyang fierce na picture. Ang posing niya ay hawak niya ang kanyang mic. “Ang ganda ko talaga,” at kilig na naibulalas niya. Of course, she’s proud of herself too. “Talo ka naman,” iglap ay nabura nga lang ang nagmamayabang na ngiti niya nang marinig niyang todyo sa kanya ng isang bahagi ng utak niya. Pasaway! “Hep! Huwag ka nang kumontra. Isa ka pa,” angil niya kay Emmil nang tumingin sa kanya at magsasalita rin sana. “Tss!” Emmil wrinkled his nose and shook his head. Inirapan naman niya ito. Normal nga talaga siguro sa magkapatid na minsan sweet at minsan naman ay parang mortal na magkaaway. Nararanasan na niya ngayon, eh. Nagkaguhit ang noo niya nang naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya sa kanyang shoulder bag. May tatak ng Gucci pero alam na, ang totoo ay tatak Divisoria lamang. Dinukot niya sa loob niyon ang kanyang cellphone. “Eyrna...” came the familiar voice from the other line. Si Ryver Raveza, ang bilyonaryong nobyo ng kaibigan niyang si Jella. “Napatawag ka? May nangyari ba?” tanong niya. Gawa nang wala ng formal greeting na HELLO ay napagtanto na mahalaga ang sasabihin nito. “It’s about Jella,” anito. May lungkot na nakapaloob sa tinig ni Ryver. “Ano’ng nangyari sa kaibigan ko?” Nagimbal siya. “Nagtagumpay si Eusha na kunin ang anak namin. Si Deann—" “Teka, Ryver,” putol niya bago pa man madugtungan ni Ryver ang sinasabi. “Ano’ng sinasabi mo na anak niyo? Anak niyo ni Jella si Deann?” “Yeah. Deann is our son.” Sa kanyang nalaman ay napatayo siya. Lumuwa ang mga kanyang mga mata. Para na silang magkapatid ni Jella at walang nasabi sa kanya si Jella tungkol doon. Ang alam niya ay kapatid ni Jella si Deann at hindi anak. “Huwag kang magalit kay Jella, Eyrna. Sinadyang inilihim ni Jella ang anak namin pati na sa inyo na mga kaibigan niya upang protektahan ang anak namin. Sana maunawaan n’yo siya, lalo na ikaw dahil kailangan ka niya ngayon,” nagsusumamong pakiusap ni Ryver. Nakapikit na napahilot si Eyrna sa sintido. Kukutusan niya iyon kapag nagkita sila. Tandang-tanda pa niya noon na dahil sa kapilyahan niya ay muntik na silang mag-blood-compact nina Rucia dahil sa binuo nilang pangako na hinding-hindi sila magsesekreto sa isa’t isa, tapos ngayon malaman-laman niya na si Jella pa pala ang may lihim. Gagang, Jella! “Tulala na siya ngayon. Hindi na siya makausap. Dinamdam niya ang pagkawala ng kanyang anak,” salita pa ni Ryver sa kabilang linya. “Ano?!” Mas nagulat pa siya sa impormang iyon ng kausap. Tumubo sa dibdib niya ang matinding pag-alala para sa kaibigan. Hindi siya makapaniwala dahil noong iniwan niya si Jella pagkatapos niyang magpaalam dahil sasabak siya sa singing contest ay mukhang matatag pa rin naman si Jella. “Please visit her. Baka kayo na mga kaibigan niya ang makakapagpabalik sa kanyang sarili. I already did everything. I have taken her to every doctor I know. Unfortunately, no improvement occurred. Parang walang epekto ang kanyang mga gamot kung kaya naisip ko na baka kayo lang ni Rucia ang kailangan niya upang maging matatag siya ulit.” “Sige, sige, dadalawin ko siya agad. Pupunta agad ako sa penthouse mo bukas na bukas din,” nataranta niyang pagpayag. “Wala na kami r'on. Nasa bahay ko sila sa probinsya.” Ang lakas ng pagkakasabi niya ng, “Saan ‘yong probinsya niyo?” Salubong ang mga kilay na napatitig na tuloy sa kanya si Emmil pagkatapos patayin ang TV. Nakinig ang kanyang kapatid sa usapan nila ni Ryver. “Ganito na lang kapag nahanap ko si Rucia dito ay sabay ko kayo kukunin.” “Nandiyan ka sa Ilocos?” “Oo, but sad to say nahihirapan kaming hanapin siya.” Tumango-tango siya. “Sige kung gano’n. Maghihintay na lang ako.” Nagpasalamat si Ryver sa kanya pagkatapos ay pinatay na ang tawag. Nang ibaba ni Eyrna ang cellphone mula sa kanyang tainga ay natulala siya saglit. Kawawang kaibigan niya. Kawawang Jella. “Ano’ng nangyayari, ‘Te?” usisa sa kanya ni Emmil. “Iyong isa sa mga kaibigan ko kailangan daw ako.” “Sino? Si Ate Rucia o si Ate Jella?” Kilala ng kapatid niya sina Jella at Rucia dahil madalas na mabanggit niya rito ang dalawang iyon, lalo na kapag nagkukuwentuhan sila noon sa tawag no’ng nasa probinsya pa ito. “Si Jella,” tugon niya. “Kailangan niya kami ni Rucia para..." Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil umilaw ang bombilya sa kanyang tuktok. “Alam ko na kung saan puwede ring mahanap si Rucia,” pagkuwa’y napapitik siya sa ere na sabi. “Huh?” Nginitian niya si Emmil. “Dito ka lang. Aalis ako.” “Saan ka pupunta?” “Sa Ever Mall kung saan minsan ay naroon si Rucia. Baka matyempuhan ko siya ro’n. Doon daw siya naglalako sabi ni Jella noon.” Dinikwat niya ang kanyang shoulder bag sa may sofa, muling isinuot ang stiletto at tumalilis na ulit ng alis. May ihinabol si Emmil na sinabi pero hindi na niya naunawaan kaya nagbingi-bingihan na lang siya. Sumakay agad siya sa taxi na kanyang napara. Ilang sandali lang, wala pang fifteen minutes, ay narating niya ang sinabi at sinadya na mall. Inis lang niya dahil naghintay pa siya ng tatlong oras bago magbukas ang mall. Alas-syete nang tingnan niya kanina ang oras sa kanyang pambisig na relo, at ang sabi ng security guard ay alas-dyes pa ang bukas ng mall. Kung hindi lang sa mahalaga ang kanyang sadya ay nunka siyang maghihintay. Hinanap na rin niya si Rucia sa mga katulad niyang naghihintay sa pagbubukas ng mall. Subalit ay ni anino ni Rucia ay wala. Nang magbukas na nga ang Ever Mall ay hindi siya nagsayarang ng oras, hinanap niya agad si Rucia. Nagtanong-tanong na rin siya sa mga merchant ng mall kung nakita nila sa mga nagdaang araw si Rucia at kung may posibilidad ba na makita niya ang kaibigan ngayon. Sa kasamaang palad ay pare-parehas sila ng sinabi na wala na raw Rucia na nagpaparamdam sa kanila. Mukhang kinalimutan na nga raw ni Rucia na may utang sila sa kanya. “Thank you,” pasalamat ni Eyrna sa isang napagtanungan pa na service crew ng mga fresh juices. “Pabili na lang ako nitong buko juice,” saka sabi sabay dukot sa inumin na naka-plastik bottle sa crushed ice upang lumamig. Sa kakalakad at kakatanong ay nauhaw na siya. “Ay!” At babayaran na niya sana ang inumin nang pagdukot niya sa baryang sampung piso sa bulsa ay nahulog. Ang seste ay gumulong pa. Sinundan niya ang barya na nakayuko. Sa kasamang palad ay huminto sa paanan ng isang lalaki, sa napakakintab na itim na leather shoes. At dahil hindi siya nakapagprino agad ay dumiretso ang kanyang ulo sa harapan ng lalaki. “F*ck!” Namilipit sa sakit ang lalaki. Napatakip naman siya sa bunganga. Oh, no! Nadunggol niya ang ano ng lalaki! At anong takot niya nang sunggaban na lang siya bigla ng dalawang lalaki na parehas naka-suit. Hinawakan nila bigla ang magkabilang braso niya. “No! Let her go,” agap na sabi ng lalaking amo pala nila kahit na namimilipit pa rin sa sakit. Hawak nito ang harapan na nakangiwi. Mabilis na sinunod ng dalawang lalaki ang nagsalita. “Damn!” Tumalikod ang lalaking amo. Pumanaywang at napapatingala.Tinitiis ang sakit. Napangiwi naman si Eyrna. Mukang napuruhan niya ang junior nito. Huwag sanang mabaog. “Luh!” Ngunit nang humarap na sa kanya ang lalaki at masilayan niya ang mukha nito ay unti-unting bumuka ang mga labi niya. Napanganga siya dahil ang guwapo-guwapo pala nito. Parang nasa harapan na niya ngayon ang idol nilang magkakaibigan na si Christian Grey. Oh! Em! Ge!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD