Iyak ng iyak si Ashton kaya kinailangan naming lumabas upang patahanin siya. That was also my reason to escape. Nakalabas na kami at lahat ng mansiyon ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig.
Alam kong magkikita kami pero hindi ko inaasahan na ganito kaaga. Kakarating ko lamang ng pilipinas at narito na siya agad!
Mahigpit kong niyakap ang anak.
"It's okay, Ashton. Mama is here." sambit ko habang marahang tinatapik ang likuran niya.
"I'm scared!"
"I'm sorry, baby. I will not do it again. I'm here." paulit ulit kong sambit habang hinahalikan ang noo niya.
Maya maya ay unti unti na siyang kumakalma ngunit nanatiling nakayakap sa akin.
"If Mama is not around, you don't have to be scared. Lola Tita was there. " paliwanag ko.
Ang mga kamay niya ay lalong humihigpit sa pagkakayakap sa akin.
"No! Mama only!"
"Be, hindi pwedeng lagi tayong ganito." I stopped talking when he started to cry again.
Bumuntong hininga na lamang ako. I tried to divert his attention using the things that I can see. Kung ano ano na nga lang ang itinuturo ko ngunit nililingon niya lang iyon pagkatapos ay babalik sa akin.
Nang tuluyan na siyang kumalma ay tumalikod na ako at babalik na sana sa loob ng mansiyon ng makita kong may nakatayo, di kalayuan sa amin.
Ang mga mata niya ay siryosong nakamasid sa aming mag-ina. Niyakap ko naman ang anak ko.
"Mama. I want to go home."
Galos hindi ko napansin ang sinabi ng anak dahil sa kabang nabubuhay na naman.
I clenched my teeth before looking away. Napansin ko ang pagtayo niya ng maigi ng malapit na kami sa kaniya.
Halos gusto kong tumakbo ng nagsimula rin siyang maglakad palapit sa amin. Binilisan ko ang paglalakad ngunit nahagip niya ang aking braso.
Ilang mura ang lumabas sa isipin ko ngunit masama ko lamang siyang tinignan.
"Baby..."
"Don't touch me! Wala kang karapatan." pero hindi niya ako binitawan.
Hindi ko maalis ang kaniyang kamay dahil sa pagkakayakap ko sa anak. Ashton moved and looked at him. Alam kong magkamukha sila pero ngayong magkaharap sila ay mas lalo kong nakita ang pagkakapareha nila.
They have the same hooded eyes, the pointy nose... ni wala nga atang nakuha sa akin ang bata. It was so unfair.
Nakita ko kung paanong lumambot ang ekspresyon niya ng matitigan si Ashton. I saw longing... and pain. I saw something that I have never seen before.
"He's mi—mine..." pumiyok ang boses niya kasabay ng pamumula ng mga mata.
"No touch!" I was snapped out of my reverie when my son tried to remove his hands on my arms.
Hindi bumibitaw si Byron sa akin kaya halos gamitin ni Ashton ang dalawang kamay.
"You're m—ine."
"No! He's mine. Anak ko. Sa akin lang." madiin kong tugon.
Nilingon niya ako. His lips formed a side-smile. Hindi ko alam kung bakit lalo akong kinabahan.
"Don't touch me. He doesn't like it." doon siya bumitaw sa akin.
Nakaawang na ang labi habang nakatingin kay Ashton. Ashton is looking at him, too. Ngumunguso ang labi dahil sa pagkaasar.
"Don't you ever touch me or my son. He is mine." I told him before leaving. Nakita kong sumunod pa rin siya sa amin.
"Mama, who is he?"
"No one, baby." sagot ko bago pumasok at umakyat.
I saw him following me pero biglang dumating si Tito at kinausap siya. Ang mga mata ay nanatili sa amin habang umaakyat kami ng hagdan.
Si Tito man ay napalingon sa amin dahil sa pag-titig ni Byron. Umiwas ako ng tingin at tuluyan na ngang umakyat.
Hindi ko alam kung paano ko nakalma ang sarili. Ashton was just looking at me when I dropped him on the bed.
The next day, naging busy ako sa pakikipag-usap sa lawyer ni Tito. The papers are legit. All of our properties... including the mansion was sold to him. The money was in our account. Nakita ko iyon ng magpunta ako sa bangko.
"I'm sorry, hija. I didn't know." sabi ni Tita.
I sighed.
"It's okay. Hindi ko rin po maintindihan pero wala na po akong magagawa." sambit ko
I have a lot of questions in mind pero wala naman na ring makakasagot noon.
"Mama there's a goat!"
Ngumiti ako at tumango.
"Yes, baby. That's a goat. Loot at the black one. I think it's pregnant."
My son looked at the one that I told him. Lumaki ang mga mata niya at tumakbo palapit sa akin ng lumingon sa direksiyon niya ang kambing.
Natatawa ako sa kaniyang reaksiyon ngunit hindi ko maiwasang hindi malungkot. Dito ako lumaki. When I decided to study in Manila, my father left the farm to be with me. Si Mama ang naiwan rito pero linggo-linggo kaming umuuwi.
Lumingon akong muli sa aming mansiyon bago sa lupain.
"Mama may chicken!"
Ashton run towards the chicken. Hindi na natakot dahil mas maliit ito sa kaniya.
Naglakad ako at sumunod sa anak. Ang dati'y maliliit na puno ngayon ay nagsisimula ng bumunga.
"Let's go home, Ashton."
Sa sobrang tuwa nito sa pakikipaghabulan sa mga manok ay hindi ko na lamang tinawag ulit. Minsan ko nalang siya nakikitang ganito tumawa. Kapag may ibang tao ay palagi itong naka-poker face.
"Look! Is that a horse, Mama?"
Hindi ko napansin na nakakalayo na pala kami. Ang kuwadra ay malayo na sa mansiyon. Sa sobrang tuwa kong pinanonood si Ashton ay narating na namin ang gitna ng lupain.
Nakita ko ang isang kabayo na sinusuklay ng isang trabahador. Hindi ko alam na may kabayo pa pala rito?
Ang huli kong naaalala ay nabenta na ang lahat ng ito.
"That's a huge horse! I want to ride, Mama!"
"No, baby. Hindi sa atin iyan. I'll ask Tito Lolo if they have horses pa. Let's go home."
Biglang mabura ang ngiti sa labi niya. He looked at the horse again before looking at me.
"We are trespassing, baby. Hindi na sa Mama ang lupa."
Tumingin akong muli sa direksiyon ng kuwadra. Napansin kong sa amin na ng anak ko makatingin ang mga trabahador. Ngumiti ako at ganoon din naman sila. Hindi ko siya namumukhaan. Halos wala na nga akong kakilala.
"But Mama..." tinuturo niya pa rin ang kabayo kahit na noong kunin ko siya at buhatin.
"We will ask Tito Lolo for a horse. Uuwi na tayo." malungkot niyang tinignan ang kabayo habang papalayo kami.
Hindi na ganoon katirik ang araw at natatakpan naman kami ng mga puno.
Maya maya ay nagpababa na rin siya sa akin at muling tumakbo pabalik.
Napangiti ako. Ang cute ng anak ko. The caterpillar boots looked so cute on him. Hindi ako nagsising binili iyon kahit pa napakamahal. Tinernuhan ko iyon ng puting sando at ang itim niyang pantalon.
"Hindi diyan, Ashton!"
Sigaw ko ng tumakbo siya papasok sa likuran ng mansiyon. Hindi ko alam kung may nakatira na ba roon. Ang sabi ng Tita ay kapapalinis lamang nila ito noong nakaraang linggo ngunit may nakabili na nito kaya hindi na nagpadala si Tita ngayon at ayaw kong basta bastang pumasok lalo na at kilala ko ang may-ari.
Halos manlaki ang mata ko ng pag-ikot ko ay wala na si Ashton. Bigla akong kinabahan.
"Ashton!"
Inikot ko ang daan papunta sa harapan habang tinatawag ang pangalan niya. I checked the garden but no one is there. Wala nga talagang tao rito pero nasaan ang anak ko?
"Baby, where are you?"
Muli kong inikot ang mansiyon. Basang basa na ako sa pawis dahil sa kakalakad at takbo ngunit wala akong makitang bakas niya.
Nanlalamig ang mga kamay ko sa pawis. Nagdadalawang isip man ay pumasok ako sa loob ng mansiyon. It was open kaya ang lakas ng pakiramdam ko na baka narito siya sa loob.
Ilang beses akong kumurap nang makita ang loob ng mansiyon. Ang dating gamit ay naroon parin... ang mga larawan... walang nagbago.
Ang portrait nila Daddy sa gitna... ang mga larawan ko. Hindi nagbago. Nakaramdam ako ng lungkot.
My parents sacrificed this for me. Para sa amin ni Ashton. Pakiramdam ko ay nagkamali ako sa desiayon kong bumalik. Wala na pala kaming babalikan.
Nagtatanong ang isip ko kung bakit kay Byron nila ibinenta ang lahat.
I touched their picture. Gusto kong kuwestiyonin si Daddy pero alam kong may dahilan siya.
"No!"
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi.
"Ashton? Where are you?"
"Mama!"
Umakyat ako sa hagdan pataas sa mga kwarto. Hindi ko alam kung paanong napunta ang anak ko roon gayong napakataas ng hagdan.
"We will go to your Mama. Stop crying..."
Muli na naman akong nanlamig ng makita siya. Nakaluhod ang isang tuhod niya upang magpantay sila. Sinusubukan niyang hawakan si Ashton ngunit sumisiksik ang bata sa gilid.
"No! Mama will get mad if you touch me! I will call 911!"
"I'm not going to harm you, buddy. We will find Mama together." malumanay ang boses niya.
"Are you Mama's friend?"
"No. We're not friends. I am Mama's husband—"
"Ashton!"
Nanlaki ang mata niya. Tinulak niya si Byron dahilan para mapasalampak ito sa sahig. Yumakap si Ashton sa mga hita ko bago lumingon kay Byron na patayo na.
He looked at me. Kinagat niya ang ibabang labi na para bang pinipigilan niyang ngumiti habang nakatingin kay Ashton na nakayakap sa hita ko.
"I told you not to touch him."
Tuluyan ng kumawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Lalong tumalim ang titig ko sa kaniya. Kinuha ko si Ashton at binuhat. Halos mapaatras ako ng makitang napakalapit na niya sa akin.
He was tall before. Hindi ko alam na may itatangkad pa siya! Ni hindi man lang ako umabot sa baba niya!
He looked so manly on his plain white T shirt, pants and a pair of caterpillar boots. Bigla kong naalala ang suot ng anak ko.
"He is mine, my little Amber... like you."
Sinamaan ko siya ng tingin. Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kaniya.
"Ano ba!?"
Ashton moved ang looked at him. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa ayos naming pinagigitnaan siya.
"Stop running, baby. I told you... sa akin ka pa rin sa huli. Sa akin ka pa rin uuwi."
"Huwag kang mangarap! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang panlolokong ginawa niyo sa akin. Wala kang karapatan!" madiin kong tugon.
"Mama..."
Ashton pushed him away. Tumawa lamang siya sa reaksiyon ng anak niya. Wait— what?!
"Stay away!" sambit pa ng anak ko ng lalapit na naman siya sa amin.
Nilingon niya ako. Natutuwa siyang tinitignan kami.
"I will file a custody. If I can't have you then maybe..." nanginig ako ng lingunin niya ang anak ko. Humigpit ang pagkakayakap ko kay Ashton.
"Wala kang karapatan! Akin siya. Akin lang!" tumalikod ako.
Naglakad ako pababa sa hagdan ngunit nakasunod siya sa amin. Naiiyak ako sa pagod , kaba at takot na baka... totohanin niya ang banta niya. Si Ashton nalang ang meron sa akin. Kinuha na niya lahat ng pag-aari ko.
"Alam mong may karapatan ako. Isang tingin mo lang sa kaniya alam mo na kung kanino siya—"
"He is not yours! Kay Bryan siya. Something happened between us before I left so hindi ikaw ang Tatay! Hindi ikaw!" sigaw ko sa kaniya.
Ashton cried. Natakot ata sa sigaw ko. Mahigpit ko siyang niyakap at pinanlakihan ng mata si Byron. Hindi dapat kami nagaaway sa harapan ni Ashton.
Hindi siya nagpatinag. When I tried to open the door to go home, mas mabilis pa niyang isinarado ito.
"Not in front of him... please..." nanghihinang sambit ko. Halos pabulong kong sinabi iyon at tinakpan ang tenga ng bata upang hindi na niya marinig pa ang pag-aaway namin.
Nanigas ako ng maramdaman ang pagyakap niya sa amin mula sa likuran. Isinubsob niya ang mukha sa kabilang leeg ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina ng maramdaman ang labi niya sa aking leeg.
"Byron..."
"You are just mad. Walang nangyari sa inyo... I know. He is mine, Amber Mikael. Sa akin lang kayo. Sa akin lang ang pamilyang ito."
Kinagat ko ang labi ko. Kung hindi niya ako yakap, kanina pa kami bumagsak sa sahig. Ang lakas lakas ng t***k ng puso ko.
Hindi ko alam kung bakit pagkatapos ng ilang taon ay ganito pa rin ako kahina sa kaniya.
"You're mine. Simula umpisa..."