Twelve

2268 Words
No. No. No. Paulit ulit akong umiiling habang palabas ng kwartong iyon. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Kabadong kabado ako na pakiramdam ko ay naririnig ko na ang t***k ng puso ko. Bakit ba ang dali kong nagtiwala sa kaniya! Where is my son? Pakiramdam ko ay nawawalan ako ng lakas. Nanginginig ang mga kamay ko habang humahawak sa hagdan ng kaniyang mansiyon. Hindi ko inisip na makakabalik pa ako rito. The last memory that I remembered is him driving us home from the mall! Sinamantala na naman niya ang kahinaan ko! "Miss Amber?!" huminto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pamilyar na boses. Nakilala ko ang mga kasambahay ni Byron. Ang lawak ng ngiti nila habang papalapit sa akin. "Mabuti po at bumalik kayo! Ang tagal po namin kayong hinahanap!" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ni hindi ako makangiti. Hindi ko magawang suklian ang kasiyahan kahit pa sabih]n na wala naman silang kasalanan. "Noong dumating ako dito may kasama ako. Ganito katangkad na bata? Lalaki... uhm he looked like Byron... " "Ay iyon pong anak niyo ni Sir? Nasa katabing kwarto niyo po. Tulog po and Señorito." "Saan banda?" tanong kong muli. "Ang pogi ng anak niyo, Mam! Ay sa tabi lang po ng kwarto niyo ni Sir." Hindi na ako nagatubiling takbuhin ang kwarto na kinalalagyan ko kanina. May katabing kwarto nga iyon na agad kong binuksan. Doon na bumuhos ang luha ko. I saw my son lying on the bed, peacefully sleeping. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung nawala siya sa akin. "Amber..." Sinalubong ko si Byron ng sampal. Patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. "I'm sorry—" "I told you not to take him away from me! I f*cking told you Byron Atlas!" sigaw ko sa kaniya. His jaw clenched. Pilit kong tinutulak ang mga kamay niya ngunit nahagip niya ako sa braso. He looked at my son before getting me out of the room. "Ano ba!?" Binitawan niya lang ako ng makarating kami sa kabilang kwarto. Muli ko siyang sinampal. Hindi man lang siya natinag. Pakiramdam ko ay ako pa ang mas nasaktan sa pagsampal ko. "Babe... magigising ang anak natin." "Why did you bring us here?" hindi siya sumagot. Tinulak ko siya sa may dibdib "Ano! You took advantage again? You're a f*cking liar and you'll f*cking deceive me everytime you have a chance!" "Yes, I will." nanlaki ang mga mata ko. Umawang ang labi ko. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. Sarkastiko akong tumawa pagkaraan. "At talagang inaamin mo pa!" "I will get every chances I have just to get you... and now our son!" "Kaya ba nagawa mong magpanggap para lang makuha ako... and I was so stupid to believe that you're Bryan?" sarkastikong sambit ko. Dumilim ang anyo niya ng mabanggit ko ang pangalan ng kapatid na para bang off-limits iyon sa kaniya. "I was your brother's girlfriend—" Bigla akong natakot ng tumalim ang tingin niya sa akin. Humakbang siya palapit. I tried so hard not to step back. Tiningala ko siya at pilit na nilalabanan ang titig niya. "You got it wrong, Amber Mikael. You are my girlfriend. I can tell you the whole f*cking story of how we met. You're the one who kissed me first on that rainy night of our foundation day. I was your first love." The intensity of his anger made me step back. Halos manghina ako ng maramdaman ang malamig na pader sa likuran. Hindi ko alam kung bakit ako biglang natakot. "Byron..." "My brother is sick and he wanted you! Anong choice ko don? My parents asked me to transfer school and just forget about you because my brother likes you and they said that I'm not that serious. My brother likes everything that I f*cking like and you only knew my last name kasi 'yon yong gusto mong itawag sa akin! I didn't know na hinayaan ka niyang isipin na iisa kami and when something happened between the two of us I tried to tell you that I am not Bryan. I f*cking tried pero hindi ka nakikinig. Why is it always my fault, Amber Mikael? Why, babe? Minahal lang naman kita..." nanghihinang sambit niya. Lalong umawang ang labi ko ng makita ang pagtulo ng luha niya. "Noong sinundo mo ako—" "Umiiyak ka. I don't have the heart to hurt you. My only fault is when I let him be with you. Noong pinagbigyan ko ang gusto ng mga magulang ko. That's it." "Pero nasaktan mo pa rin ako! Hindi mo alam kung anong nangyari sa akin pagkatapos noon! I was so scared! It was so hard for me to trust someone kasi pakiramdam ko lolokohin ako ulit!" Tumitig siya sa akin. Marahas ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib. Pakiramdam ko ay lalo akong nanliliit habang binabakuran niya. "I'm sorry..." pumikit ang mga mata ko ng maramdaman ang kamay niyang humahaplos sa aking pisngi pababa sa aking panga. "I have trust issues because of you. Ngayon sasabihin mo sa akin na umalis ka at pinamigay ako sa kapatid mo dahil gusto ng mga magulang mo!" I tried to cover my eyes when my tears tarted to pour but he removed it. "Nagsisisi na ako. I thought gusto lang kita. Gustong gusto pala..." Kusang umakyat ang mga kamay ko upang bahagya siyang ilayo sa akin dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga sa sobrang lapit namin. "Uuwi na k—ami." Tiningala ko siyang muli. Ang mga kamay niya ay nasa pisngi ko na naman, pinupunasan ang luha ko. Umawang ang labi ko at bago pa man ako makapag-protesta ay inatake na niya ako ng halik. I closed my eyes and let him kiss me. His kisses were rough and dominating. Bumaba ang kamay niya sa aking bewang, iginigiya paangat. Kumapit ako sa kaniya dibdib, pilit na sinusuklian ang mga halik niya. I heard that someone knocked but he continued to kiss me hungrily. "Byron..." Bahagya ko siyang itinulak upang makalayo sa akin ngunit mahigpit ang hawak niya sa aking bewang. He's pushing me toward him. "What?" parang naaasar niyang tanong ng tuluyan akong makawala sa kaniya. Ang mga mata niya ay namumungay at naghihintay ng sagot ko. Naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng pisngi ko sa ginawa namin. Umirap ako sa kaniya at inayos ang sarili. Tumalikod ako upang buksan sana ang pinto dahil may kumatok na naman ng hawakan niya ako sa braso. "Stay with me..." "May kumakatok, Byron!" "I'll do whatever you want. I'll be a good father to my son. I will never lie to you again or do something that you don't want. Please..." Bumuntong hininga siya ng binuksan ko ang pinto. "Nagising po ang Señorito. Hinahanap po kayo..." sambit niya bago natatakot na umiwas ng tingin ng makita ang nasa likuran ko. Nilingon ko ang tinitignan niya sa may likuran ko. Sinamaan ko ng tingin si Byron ng makitang nasa likuran ko siya, nakabantay. "Mama!" Umiwas ako ng tingin at naglakad papunta sa kabilang kwarto. I saw one of their maids trying to touch my son and trying to make him stop crying but he won't budge. "Ashton" Tumayo siya sa kama mula sa pagkakaupo. Pinunasan niya ang luha bago naglakad palapit sa aking direksiyon. Tumayo ako sa gilid ng kama. Itinaas niya ang kamay, gustong magpabuhat pero hinawakan ko lamang ang kaniyang kamay. "Pakihanda nalang iyong dinner..." utos ni Byron sa mga kasambahay. Nagsialisan naman sila agad. Ashton looked at him before looking at me again. "Mama saan tayo?" "Say it again, Ashton." malambing kong tugon habang pilit na kinakalma pa rin ang sarili. Imbes na tayo kasi ang sabihin niya ay naging tayow dahil sa accent niya. "Saan ta—yo?" I smiled before giving him a thumb's up. "Very good. We are on a vacation. 'Di ba gusto mo mag-swim? May dagat sa labas." "Really? Like the one on T.V. with a very very big waves?" pinunasan ko ang luha sa pisngi niya bago tumango. Ang kunot niyang noo ay napalitan na ng malawak na ngiti. "Yes, baby." "Mama gusto kong makita?" I heard someone chuckle. Ngumuso si Ashton. Nilingon ko si Byron at sinamaan ng tingin. Tinatawanan nito ang balikong tagalog ng sariling anak! "Mama will bring you there tomorrow. It's okay..." "We also have a yacht..." "Mama! Are we going to ride a yacht?" he said, excitement filled his eyes. Pagkatapos ng paliwanagan namin ay nagdesisyon kaming bumaba. Tinitigan ko si Byron. Wala namang pinagbago ang mansiyon na. Hawak ko ang kamay ni Ashton kahit noong pababa kami sa hagdan. "Mama kanino ito house?" Tinignan ko si Byron na nakatitig na naman sa bata. I know that Ashton have a lot of questions about him. Siguro nga ay masyado akong selfish dahil sa mga ginagawa ko. I know that one day, he will ask about his father. I bit my lower lip. Nagiging emosyonal na naman ako. Umupo ako sa harapan niya para mag-pantay ang tingin namin. I don't know if it's the right time to tell him but he deserves to know. Pakiramdam ko ay pinagkakaitan ko ang anak ko dahil lang sa galit ko. "This is Papa's house." sagot ko. Tinignan ko si Byron na nakatayo sa likuran ng anak niya. I saw how he stiffened when Ashton looked at him. Umawang ang labi niya bago tumingin sa akin. Tuluyan na ngang bumagsak ang luha ko. Ashton looked at me again. Kumibot kibot ang labi niya. "Listen to Mama, baby. He's your father. Di ba you aske me before and I told you that Mama will introduce you to him one day... ut's that day, baby. Mama is so sorry—" "Mama don't cry!" he said as he wipe my tears. Nagsimula na din siyang umiyak dahil nakikita niya akong umiiyak. Lumapit si Byron sa amin. Ashton looked at him but he turned to me again. "Mama is crying." he mumbled. "I'm sorry..." Byron said as he scooped me and carry Ashton on his other arm. Mahigpit ang hawak niya sa aking bewang dahil nanghihina ako sa kakaiyak. Naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa aking buhok. "Mama. Stop na..." I looked at my son. Kinuha ko siya at mahigpit na niyakap. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa ganoong sitwasyon. Nararamdaman ko ang titig sa akin ni Byron na para bang nagtatanong ngunit hindi ako nagsalita. "From now on, you call him Papa. We will..." nilingon kong muli si Byron. "stay here so you can spend time with him." Nakatikom lang ang bibig ni Ashton habang sinasabi ko ang mga iyon sa kaniya. Lumilingon lingon siya kay Byron pero halatang nahihiya siya sa sariling ama. "Mama... hungry." Dumiretso kami sa dining area. Bigigyan agad ako ng tubig ni Byron. Una kong pinainom si Ashton. Kumunot ang noo ko ng mapansin na may high chair sa may dining area niya. Pinaghandaan niya takaga ito? Doon ko nilagay si Ashton. Kinuhanan ko siya ng pagkain. Patingin tingin siya kay Byron dahil ibinibigay sa akin ni Byron ang lalagyan ng mga ulam. "You should eat, too. Ako nalang?" Umiling ako. Bumuntong hininga siya at pinanood nalang kaming mag-ina. After dinner, ay pinaliguan ko si Ashton. Nakita ko ang ilang brand ng baby soap at shampoo sa bathroom ng kwartong pinagdalhan niya kay Ashton. Napapailing na lang ako. Nakita ko ang mga damit na binili ko sa kaniya sa walk-in closet ng kwarto. May ilang damit din ng bata ang naka-hang doon. Kumuha ako ng maisusuot niya bago siya binuhat palabas ng kwarto. Maya maya ay pumipikit pikit na siya. Sinuklay ko ang kaniyang buhok at tuluyan na nga siyang nakatulog. Nilagay ko ang mga unan sa gilid niya upang hindi siya mahulog. Malikot pa naman matulog. Sakto namang papasok si Byron sa kwarto. "Tulog na?" tanong niya. Tumango ako. "Thank you." muli ko siyang nilingon. "I just did what I have to do. He deserves to know." sagot ko, umiiwas ng tingin. I can still feel his lips on mine. Pakiramdam ko ay nag-iinit na naman ang pisngi ko. Tumango siya. "For staying here, too..." "Hindi kami magtatagal." sagot ko. "And if he wanted to stay with you... we can co-parent him. Huwag mo lang siyang kukunin sa akin..." "I won't. I promise." "Huwag kang mangako." sambit ko. "Nasaan ang mga damit ko?" "Sa kwarto natin." sagot niya. Kumunot ang noo ko. "I'm staying with Ashton." He looked at me bit his lower lip. "He can stay with us... in our room... ililipat ko." I looked at him. "My bed is big. It can fit us... what?" "You planned everything." sagot ko. Umiwas siya ng tingin. Huling huli na nga. "I will stay here. I'll get some clothes..." paalam ko bago lumipat sa kabilang kwarto ko. Pumasok ako ng walk-in niya upang kumuha sana ng damit ng mapansin ko ang ilang damit ko dati na naroon pa. Bumukas ulit ang pinto. I saw him entering. I crossed my arms around my chest and look at him. "Why do you keep on following me?" "Stay in our room, Amber Mikael... please..." pagmamakaawa niya. "No." I said, ending the conversation. Umikot ako at naghanap ng maisusuot. "Babe..." I stiffened when I felt his hands on my back. Halos mabitawan ko ang hawak na damit sa gulat. Humarap ako sa kaniya at tinanggal ang kamay niya sa likuran ko. "I already said no and that's final. I already introduce you to our son. We are staying here na kahit wala sa plano ko so you listen to me and stop whining like a kid!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD