Ayokong umasa. Hindi ako aasa. Iyon ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko habang nagaayos ng damit pero kahit anong pilit ko ay hindi ko mapigilan ang sarili kong umasa na sana ay siputin na ako ni Bryan ngayon. I want these vacation to be memorable. Ang tagal namin itong plinano. Halos limang buwan na kaming hindi nagkikita dahil sobrang busy niya sa trabaho.
Hindi ko alam kung tutupad siya pero kasi gusto kong maramdaman ulit iyong pagmamahal niya. Sabi kasi nila, kung nawawalan ka na ng pag-asa sa relationship niyo ay isipin mo lang kung paano mo siya minahal at kung bakit. Kung paano kayo nagsimula.
Simula ng hawakan niya ang kumpanya ng kaniyang mga magulang ay nawalan na siya ng oras sa akin. Hindi lang iisang beses akong naghintay sa mga dates namin na plinano din namin. Hindi lang isang beses akong naiwanang mag-isa kapag nagdedate kami dahil tinawagan siya at kailangan siya ng kung sino. Ayaw kong isipin na hindi na niya ako mahal. Hindi naman siguro kami tatagal kung ganoon nga pero minsan napakahirap maniwala kung halos lahat ng bagay ay nagbago na. Minsan iniisip ko na ako nalang talaga ang humahawak ng relasyon namin.
Tumayo ako at kinuha ang lotion, cream, sunblock at kung ano ano pang pansariling gamit bago nilagay sa aking bagahe. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan kami pupunta. Ilang beses ko itong tinanong kagabi noong tinawagan ko siya ngunit nanatiling ngiti ang sagot niya sa akin. Ang sabi kasi niya ay babawi siya sa akin. Inaya niya akong magbakasyon at dahil isa akong dakilang marupok, pumayag ako.
Pagkatapos kong ilagay lahat ng kakailanganin ko sa isang linggo ay tumayo ako at dumiretso na sa banyo. Nang matapos akong maligo ay nagpalit ako ng simpleng shorts, tank top at sandals. Sasakyan naman ni Bryan ang gagamitin at hindi ako sigurado sa oras ng magiging biyahe kaya naman itong damit kung saan ako kumportable, ang sinuot ko.
Sinuklay ko ang basa kong buhok bago pinatuyo gamit ang blower at tinirintas. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at ng makuntento ako ay tsaka ako tumingin sa orasan.
Kinagat ko ang aking labi ng makitang nasobrahan ako ng oras sa pag-aayos. Sinukbit ko ang sling bag ko na naglalaman ng cellphone ko at wallet bago tumingin sa bintana.
Bumagsak ang balikat ko ng makitang wala pa ang sasakyan ni Bryan sa labas. Male-late na naman ba siya? Hindi niya na ba ako sisiputin? Dapat kasi hindi ako umasa. Dapat hindi pero nakakainis kasi hindi ko kayang pigilan ang sarili kong hindi umasa. Kung mahal mo kasi kahit anong pigil mo, aasa at aasa ka kahit sobrang nakakapagod na.
Bumalik ako sa aking kama at umupo. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at tinawagan siya ngunit katulad ng dati ay hindi na naman ito ma-contact. Naiiyak na ako sa inis. Ilang beses ba dapat maulit ito? Nakakasawa na din kasi. Mahina kong tinadyak-tadyakan ang bagahe ko sa sahig habang nakayuko at pinipigil ang luha. Para akong isang batang inagawan ng candy.
May meeting na naman ba? Busy na naman ba? Hindi ko naman ito hiningi sa kaniya. Siya naman itong nagsabi na babawi siya kaya pumayag ako noong nagpaplano siya. Napakatagal niyang nag-set ng date kaya noong sabi niya na okay na ay sobrang saya ko. Sana hindi nalang siya nangako kung hindi niya rin naman kayang panindigan.
Tumingin ako sa orasan. Isa't kalahating oras na siyang late sa usapan namin. Kapag hindi pa siya dumating sa loob ng tatlong minuto ay hinding hindi na ako magpapakita pa sa kaniya. Nakakasawa ding umasa ng umasa. Pagod na pagod na ako sa relasyong ito.
Kinagat ko ang aking labi habang nakatitig parin sa orasan. Palapit na ng palapit sa binigay kong deadline ang oras pero wala parin siya. Para akong tangang pabalik balik sa bintana kung may naririnig na sasakyan at paulit ulit naman akong nasasaktan tuwing nakikitang iba iyon at hindi siya.
Ten
Nine
Eight
Seven
Napatakbo ako sa bintana ng may marinig na ugong ng sasakyan. Bumagsak ang balikat ko ng makitang Mustang iyon at hindi ang Mazda ni Bryan. Tumalikod ako at bumalik sa kinauupuan. Nawalan na ako ng pag-asa ng makitang tapos na ang oras na ibinigay kong palugit. Tatanggalin ko na sana ang sling bag ko ng tawagin ako ni Denise.
"Andiyan na iyong sundo mo!" sigaw nito.
Kunot noo akong sumilip sa bintana. Naka-park ang Mustang sa harapan ng aming apartment. Lumabas doon ang isang lalaking nakasuot ng simpleng itim na V-neck at pants. Nakasuot ito ng shades.
Sino naman ito? Hindi naman siya mukhang bodyguard?
Dali dali akong bumaba. Nadatnan ko sa sala si Denise na nanonood. Hindi ko na siya pinansin at basta nalang lumabas ng bahay.
Nalaglag ang panga ko ng makitang si Bryan iyon. Ibang iba ang itsura niya noong huli kaming magkita pero alam kong siya ito. Tumingin ito sa akin. Kinagat ko ang labi ko ng tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Muling umakyat ang tingin niya sa akin. Naglakad ito palapit sa akin at hindi ko alam kung bakit pero nanghina ako sa titig niya.
Tumambol ang puso ko. Huminto siya sa mismong harapan ko. Suminghap ako ng itaas niya ang baba ko.
Tumangkad siya?
Bakit para akong nanliit sa kaniya? Bakit parang napakaraming nagbago sa kaniya simula noong huli kaming nagkita? Maging ang amoy niya ay nagbago... mas mabango at lalaking lalaki ang amoy niya.
"Amber Mikael" hindi ko alam pero sa simpleng pag-tawag niya ay naglabasan ang mga emosyon na tinatago ko. "I'm sorry but—"
Kumapit ako sa dulo ng shirt niya at sinubsob ang mukha sa kaniyang dibdib. Hindi ko na pinansin ang ibang pagbabago sa kaniya dahil naiiyak na ako. Akala ko hindi niya na ako sisiputin. Akala ko aasa na naman ako.
"Akala k—ko hindi k—ka na s—sisipot" wika ko habang humihikbi sa kaniyang dibdib.
Ramdam kong nanigas ang kaniyang katawan sa ginawa ko pero hindi ako umalis. Gusto kong malaman niyang nasasaktan ako sa mga pinaggagagawa niya. "Akala k—ko aasa n—na naman ako. Bryan..." patuloy lang ako sa paghikbi sa kaniyang dibdib hanggang sa maramdaman kong niyakap niya ako palapit sa kaniya at hinaplos niya ang aking buhok.
Narinig ko ang mahihina niyang pagmumura ngunit hindi ko na rin iyon pinansin pa.
"Stop crying, Amber. I'm here. I'm sorry. I love you, baby. Stop now, please..." binitawan ko ang mahigpit na pagkakahawak sa kaniyang shirt at yumakap nalang sa kaniya. Lalong pumasok sa aking ilong ang kaniyang amoy ngunit mas lalo ko lang diniin ang aking sarili sa kaniya.
Muli kong narinig ang mahihina niyang mura. Narinig ko rin na may mga binubulong bulong siya pero di na ako nagtanong pa. Kuntento na akong nasa mga bisig niya. Napakarupok ko nga talaga. Kanina galit ako pero noong makita ko siya parang nalusaw lahat ng galit ko. Nabuhayan muli ang puso ko.
Ilang minuto akong nanatiling nakayakap sa kaniya bago siya kumawala. Tinitigan niya akong mabuti. Nakaigting ang kaniyang panga habang siryosong siryoso ang kaniyang mga mata. Muli na namang tumambol ang puso ko. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako or kung ano.
"Pakinggan mo ako, Amber." umiwas ang tingin nito sa akin. Kumunot ang noo ko.
"Hindi ba matutuloy? Busy ka na naman ba? May meeting ka ba? May out of town? Pwede bang hintayin kita o kaya isama mo nalang ako? Miss na kita, eh" halos pabulong ko ng sabi sabay ng pamamasa na naman ng mata ko.
Yumuko ako upang itago ang mukha ko pero muli niya lang itong itinaas. Tinitigan niya ako ng mabuti bago siya pumikit at huminga ng malalim na para bang gumaganda siya ng napakahirap na desisyon.
"Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong niya.
Nagtatakha man ay tumango ako. Napakatagal kong hinintay ito. Alam kong alam niya iyon. Kailangan oa bang sabihin ko?
"Matutuloy tayo. Where's your bag, Baby?" kumunot man ang noo ko sa endearment na ginamit niya sa akin ngunit nawala na iyon sa utak ko. Pininilit ko ang sarili kong ngumiti at hinila siya papasok ng apartment.
Bumubulong bulong siya habang hinihila ko siya. Napatingin tuloy ako.
"May sinasabi ka?" tanong ko ng marinig kong parang nagsasalita siya.
Umiling lang ito at ngumiti. Bakit parang pati ang ngiti niya ay nagbago?
Ugh! Ano ba itong sinasabi ko.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko habang nakatunghay sa bintana ng sasakyan.
Imbes na sagutin ako at hinawakan lang nito ang aking kamay at dinala sa kaniyang labi. Bagay na dati ay hindi niya ginagawa. Napansin ko ang pagbabago niya simula pa kanina ngunit pilit kong winawaksi dahil gusto ko ang mga pagbabagong iyon. Maging ang puso ko ay hindi na tumigil sa pagtambol.
"Don't worry, dalawa hanggang tatlong oras nalang malalaman mo din kung san tayo pupunta" ngumuso ako sa sagot niya pero tinawanan lamang niya ako. Pati ang kaniyang pagtawa ay iba sa nakasanayan ko. Tinitigan ko siyang mabuti.
"Why?" kumurap kurap ako ng magsalita siya. Umiwas ako ng tingin at ngumuso.
"Para kasing may kakaiba sa'yo. Maliban sa ilang pisikal na pagkakaiba parang may mali" sagot ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang nararamdaman ko.
"But I'm in love with you. That is all that matters, right?" ngumiti ako at tumango.
Change is inevitable. Sa tinagal ng relasyon namin, ilang beses na siyang nagbago at lahat ng pagbabagong iyon ay tinanggap ko ng buong puso. Ganun ko siya kamahal. Ganun ko kamahal ang isang Bryan Anthon.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Nilingon ko siya ngunit nanatili sa harapan ang kaniyang paningin. Ang init ng kaniyang kamay ay parang humahaplos sa aking puso. Pinisil niya ito bago dinala sa kaniyang labi.
Kinagat ko ang aking labi bago itinago ang pagngiti.
Lumingon ako sa paligid. Kumunot ang noo ko.
"Sa Tarlac ba tayo?" nagtatakhang tanong ko.
Nilingon ko siya.
"No, babe. Pwede tayong dumaan pero hindi tayo doon pupunta ngayon..." sagot niya.
"I thought you sold your land na?"
"I bought it again." tumango ako.
Bigla tuloy akong naexcite kasi pwede kaming dumaan sa amin bago umuwi ng Maynila. Ilang beses din naming plinano na dalawin sila Daddy pero hindi natutuloy.