Sabay silang pumanaog ni Valeria patungo sa pool. Hindi paman sila nakakarating doon ay dinig na dinig na niya ang mga boses na nagkakasiyahan. Sa entrada palang ay nakita na sila ni Elena. Ang babae ay nakasuot ng one piece suit na sa kaliwang balikat lang ang sleeves. Bagay na bagay iyon sa babae dahil mas lalong lumutang ang angking kagandahan nito. "Abby!! Ikaw ba yan? Hala siya! "Napamulagat na salubong nito sa kanya. Parang hindi ito makapaniwalang nakita siya nitong ganoon. "P-pangit ba ate?" Sabi niya. Panay ang hila niya sa bandang puwet dahil hanggang gitna lang ang natatabingan ng tila niyon. "Anong pangit? Ang sexy mo nga! oh pak! " anito sa namamanghang boses. "I told her that, pero ayaw niyang maniwala." si Valeria na nasa likod niya. Nagsimula na itong hubarin ang co

