"MOMMY BETTY?" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ko ang unti-unting panglalaki ng mga mata ni Nickos pagkakita sa akin. Pinaglipat-lipat nito ang namamaghang tingin sa akin at kay Kael na nakatayo naman sa tabi ko. Aaminin ko, isa ito sa kinatatakutan kong reaksyon, mula nang makabalik ako. Hindi ko maiwasang isipin kung sa ikalawang pagkakataon ay tatanggapin ba ako nitong muli. O, baka mayroon na itong nakatagong sama ng loob sa akin, dahil sa pag-iwan ko sa mga ito, dalawang taon na ang nakararaan. Alam ko naman kasi na nang magpasya akong iwan si Kael noon, kasama ito sa mga naapektuhan. Pitong taong gulang na ito ngayon, malayo na sa limang taong gulang na batang iniwanan ko. Bata pa rin, pero kumpara noon, mas nakakaintindi na ito ngayon. "Mommy Betty!" Para

