"WIFEY..." Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay tawag sa akin ni Kael. Kanina pa ito ganito. Kung hindi wife, ay wifey ang tawag sa akin. Wifey, pakiabot ng rice. Wifey, maupo ka na. Wifey, anong oras ang PTA meeting ni Nickos. I'll see you later, Wife. At nakukulili na ang tainga ko sa katatawag nito sa akin ng ganoon. Hindi ko alam kung paraan ba nito iyon para ma-guilty ako sa hindi ko pagpayag na magpakasal dito, o trip niya lang talaga. "Wife--" Sinamaan ko na ito ng tingin. Marahan naman itong natawa sa akin. "Why?" "Pinagti-tripan mo ba ako?" Nakasimangot pa ring tanong ko rito. Wala pa si Nickos. Mamaya ko pa ito gigisingin pagka-alis ng ama nito, kaya't kami lamang dalawa ang magkaharap sa hapag. Mamaya pa namang alas diyes ang pasok nito sa eskuwela. Bago mag-al

