Chapter Forty Three

2173 Words

GABI NA. Pero ni anino ni Kael ay hindi ko pa nakikita. Ano na kaya ang nangyari sa lalaking 'yon? Pagkatapos pakainin ng hapunan, ay inuna ko nang linisin si Nickos at saka pinatulog. Pati nga ito ay panay ang tanong sa akin kung nasaan daw ang papa niya, pero wala din akong maisip na isagot. Ang sabi ko na lamang dito ay baka abala pa iyon sa trabaho, kaya matulog na siya at ako na lamang ang mag-aantay sa ama niya. Hanggang sa antukin at makatulog na nga si Nickos ay ni hindi nagpaparamdam ang lalaki. Hindi pa rin ako kumain ng hapunan, dahil iniisip ko na baka nga sa sobrang kaabalahan nito sa opisina ay uuwi itong hindi pa rin kumakain. Balak ko sana ay sabay na lamang kami nito. Ngunit nalinis ko na ang lahat ng mga pinaglutuan ko, at pinaggamitan ni Nickos sa pagkain, kahihint

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD