One Hundred Twenty Eight

2625 Words

PAPADILIM NA NANG MAGISING AKO. Umalis kami ng San Clemente bandang alas kwatro ng hapon. Ayon kay Kael ay para daw hindi na masyadong mainit sa byahe. Bukod pa sa tanghali na rin talaga ako nagising kanina. Kaya pati si Papa ay isinuhestiyon na magpahapon na nga kami ng alis. "O, Beatrice, baka sa isang buwan ay nandito ka na naman at naglayas ka na naman, ha." Kantyaw pa sa akin ni Papa, habang inihahatid kami papalabas ng bahay, patungo sa sasakyan ni Kael. Hindi ko nakuhang sumagot. Nanunulis ang ngusong nakagat ko na lamang ang loob ng pisngi ko. "Huwag po kayong mag-alala, Pa, itatali ko na po ito para hindi na ako matakasan." Si Kael ang tatawa-tawang sumagot. Mahina ko itong siniko sa sikmura na tinawanan lang nito at ni Papa. Hindi pa muna namin sinabi sa mga ito ang posibil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD