"BABY, ARE YOU OKAY?" Kunot ang noong tanong sa akin ni Kael. Isang mahinang tango lang ang isinagot ko rito, na sinundan ng malalim na paghinga. Ilang sandali pa muna ako nitong matamang tiningnan, bago may pag-aalinlangang itinuloy ang pagkain. Mula pa kasi nang dumating ito kanina galing sa opisina ay kumibo-dili na ako. Sumasagot lang ako ng pinaka-maigsing sagot na makakaya ko kapag kinakausap ako nito. Pasalamat na nga lang ako at wala na si Nickos sa harapan namin. Nauna ko na kasi itong pinakain at nilinis, saka pinatulog na. Medyo na-late kasi ng uwi ang ama nito. Kanina, sa harapan ni Nickos, hindi ko alam kung papaanong aakto ng normal. Ng parang walang nangyari. Matapos kong makita ang larawang iniwan ni Kira kanina, pakiramdam ko ay tila gumuho na naman ang lahat ng pin

