"NOW, BABY, ARE YOU READY FOR YOUR PUNISHMENT?" Sinamaan ko ng tingin si Kael habang papalapit sa akin. Pabilog na magkasalikop ang mga palad nito at may kinakalog-kalog na mga piraso ng papel sa loob. Wala na itong pang-itaas. Tanging kupasing maong na lamang ang suot nito. Magulo ang buhok na hindi na pinagka-abalahan pang hagurin ng suklay mula sa paliligo. May nakapaskil ding pilyong ngisi sa mga labi nito. Malayong-malayo na sa mukhang executive na dinatnan namin ni Ate Krizel kanina sa Da Silva Corp. "Kailangan pa ba talaga ng punishment, eh may kasalanan ka rin naman sa nangyari. You're keeping secrets. Kung hindi mo ginawa iyon, eh, di sana, hindi ako tamang hinala, 'di ba?" Pasikmat ko pang wika rito. Nasa harapan ko na ito at sa harapan mismo ng mukha ko inaalog ang magkasali

