SIERRA POV Tinitigan ko ang babaeng nasa harapan ko, kanina lang natutulog ito matapos manoond ng 'Marry My husband' sa netflix. Naririnig ko pa ito tumatawa at umiiyak kanina dahil sa palabas. Ngayon heto ito at nagdadamit ng maiksing palda na pula. Aba'y hindi pa talaga ito nadala na mamanyak ng ilang kalalakihan. Naka-sleeveles ito na red at paldang maiksi na hanggang kalahati ng hita ang sukat , nakasukbit parin sa hita nito ang paboritong pistol. Nag-boots ito ng brown na hanggang binti. Teka! Kilala ko ang pormahan na ito, napatayo ako sa sofa ng makilala kung sino ang babaeng nasa harapan ko. "Camilla!" "Yow!" Sabi nito sabay taas ng kamay. Ay, haype na iyan! Saan ito pupunta? "Hindi ka pa ba magaayos?" Tanong nito sa akin, sinuklay ang mahabang wavy na buhok, kung lalaki la

