Crisanta POV Tinitigan ko ang babaeng kanina pa pa-ikot-ikot, maya-maya lumapit ito sa akin at tinapik ako. Kasalukuyan ako naka-upo sa isang bench habang nagkukut-kot ng kuko, tinaasan ko ito ng kilay. Ano 'Teh, Feeling close lang? "H-hi, pwede po ba magtanong?" nahihiyang sabi nito. Inirapan ko ito, napakamot ito sa ulo mukha itong inosente, maya-maya lang napatingin ito sa likod ko, mga minuto ang nagbago ang mukha nito. Makikita sa mata nito ang matinding galit. Sa peripheral vision ko napansin ko ang grupo nila Criselda, palihim ako napa-ismid. Matapos ang nangyari noong bloody time ngayon ko na lang ulit ito nakita. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari noong bloody time gusto kong kilabutan, pero dahil anak ako ni Xacharias hindi ko pwede ipakita ang bagay na iyon. Dahil dapat si

