"ANNA!"
Halos magkanda-dapa na ako sa pagmamadali at pagpulot ng mga gamit ko.
Ayan na po ang pamilyar na sigaw na nagbibigay sa akin ng isang pamilyar na sensasyon. Ang kaba. Isa sa pinaka at madalas na gumising sa akin sa pang araw-araw.
Sanay na ako. Mapamay araw ng pasok sa school o hindi, mapa-ibang sitwasyon man o hindi, 'yan na ata ang pakiramdam na lagi kong mararamdaman sa tuwing may sisigaw sa ganiyang tono kasama ang pagbanggit ng pangalan ko.
"ANO?!" Sigaw ko pabalik. Nagmamadali ako ngayon dahil late na, tapos hindi ko pa mahanap ang cellphone ko! Kainis!
"ANO BA?! ANG TAGAL-TAGAL MO! IIWANAN KA NA NG ATE MO!" Sigaw ni Mama na alam kong inis na inis. Kanina pa kasi niya ako tinatawag.
Ano ba kasi?! Naligo lang ako nakalimutan ko na kaagad kung saan 'yun! Baka iwanan na naman ako ni Ate! Paniguradong late na ako pag-ganun. Ayaw kong mag-intay ng jeep! Grabe, bakit ngayon pa?! Iniiwasan ko pa naman ang malate.
"BUMABA KA NA!"
"OPO!" Dahil sa kaba at pagmamadali, pinili kong kumalma muna bago tumigil. Halos hingalin ako sa paghahanap kaya pumikit na muna ako.
Okay brain, isip muna tayo ngayon. Saan nga ba? Bilisan mo at kaunting-kaunti na lang baka tamaan na naman ako.
Minulat ko ang mga mata ko, at pinagmasdan ang kuwarto namin ni Ate.
Okay! Magulong higaan na may maraming nakapatong na libro at mga gamit na di naman nararapat para dun. May basang towel na nakasabit sa may unanan ng double deck. Puro nagkalat na sapatos na meron magkakahiwalay na pares at medyas sa ilalim. May mga damit rin namin ng Ate ko ang naghalo-halo sa di masaraduhanng cabinet. Tapos idagdag pa dun ang mga laruang pang bata na puro nagkalat. Dito kasi naglaro si Migs kagabi kaya mas madumi.
Maliit lang ang kwarto namin at oo, makalat. Matagal ko nang alam 'yun kaya pinihit ng mga paa ko ang papalabas ng kuwarto, dala-dala ang mga gamit ko para sa school. Oo, papaalis. Alam kong di ko mahahanap 'yun ngayon. Halata naman. Kung hahalungkatin ko pa ang lahat ng patong-patong na kalat na 'yan ay mas lalong kakalat. Mas malabong makahanap ng kahit na ano ngayon pag-ganun ang nangyari.
Bahala na muna kung nasaan ang cellphone ko. Magpapakita rin 'yun pag di na hinanap, parang pag-ibig lang. Hinanap ko kaya di ko makita. 'Yan tuloy single pa rin ako. Ganun naman talaga ang mga bagay-bagay, diba?
"Ano? May balak ka pang pumasok?"
Napatigil ang mga paa ko dahil dun. Halos lumabas sa dibdib ang puso ko dahil sa pagka-nerbiyos. Kung may ganun man.
Dahan-dahan akong lumingon sa pagkakaupo ni Papa. Nasa tapat siya ng hapag-kainan. Hindi pa nagagalaw ang mga pagkain dun pero malinis dahil wala na ang pinagkainan namin ni Ate kanina.
May kalapit din itong kape, umuusok pa kaya ibigsabihin dito siya naupo para maabutan ako bago umalis. Busy siyang tao dahil sa trabaho kaya most of the time nauuna kaming umalis bago pa man siya magising. Siguro nagising lang siya dahil sa ingay namin. Hindi, sa ingay ko pala. Nalakasan siguro sa sigawan namin ni Mama.
Napatungo na lang ako ng wala sa oras, at hindi maintindihan kung paano magmamadali. Kailangan kong tumigil, dahil bukod sa kinakausap niya ako, ay kailangan ko pa ring sumagot ng maayos dahil mukhang masama ang gising niya. Halatang mainit ang ulo niya dahil seriyoso ang tingin.
Sa ganitong pagkakataon, alam kong mapapagalitan ako.
"Ummm, Pa, may hinanap lang po." Pagpapalusot ko. Nakatungo kong kinukurot ang sariling daliri dahil sa pagkatahimik. Nakasanayan ko nang gawin 'yan sa tuwing kinakabahan ako.
Di nagsalita si Papa, pero alam kong nakatingin siya sa akin ng taimtim.
"Aalis na po kami." Mahinang bulong ko pero bago iyun ay tinawag niya muli ako.
"Anna, pumarito ka muna. Tignan mo 'to." Bigay niya ang isang papel. Sobra akong pinagpawisan. Alam ko na to. Dumating na pala. Sa ganitong bagay lang kasi kami nagkakausap.
Istrikto si Papa at lagi kaming nagtatalo kaya di kami masiyadong close. Malayo ang loob niya sa akin kasi pasaway ako. Mataas rin ang expectations niya pero di ako matalino katulad ng Ate ko kaya madalas siyang dismayado sa mga grado ko. Idagdag pa dun na may mga mali rin akong desisyon sa mga bagay-bagay, kaya hindi talaga kami magkasundo. Marami rin siyang ayaw sa akin. Isa dun ang pagpili ko ng mga kaibigan—hindi, sa halos lahat pala ng bagay na ginawa o pinili ko.
"Gusto mo pa bang mag-aral?"
Nagulat ako sa sinabi niya at natahimik. Alam kong di ako matalino pero nasa huling year na ako ng high school. Kunti na lang at gragraduate na ako. T'saka, pinipilit ko namang pagbutihan. Katunayan nan iniiwasan ko ngayon ang lahat ng bagay na puwedeng magpagalit kay Papa, kaya mas nag-aaral ako.
"Buksan mo." Madiin nyiang sabi patungkol sa papel na binigay. Bukas na ang pagkakasara ng sobre, ibigsabihin nakita na niya ang laman. Mas kinabahan ako.
Marahan akong lumapit sa lamesa. Kinuha ko ang papel sa loob nun na hindi na nakatupi ng maayos. Binuklat ko 'yun. Naroon nakasulat ang mga grades ko. May kunting pag-asa akong naramdaman dahil walang imik na tumabi si Mama sa tabi ni Papa. Tinignan niya ako ng med'yo may ngiti sa mga mata. Napahugot ako ng hangin.
Hindi naman siguro pangit ang grades ko, eh 'no? Oo nga, nag-aral naman ako nung last tests namin. Siguro tumaas kahit papaano ang grades ko.
"Wag mo nang patagalin." Dugtong pa ni Papa dahil dun tinapik siya ni Mama sa balikat.
"Ano ka ba?" Mahinang sita niya, bago lumingon sa akin. "Sige na, Anna. Baka kasi malate kayo, kaya sige na, buksan mo na."
Dahil sa sinabi niya, mas gumaan ang pakiramdam ko. Siguro nga maganda ang grades ko ngayon.
Ngunit ganun na lang ang lubos na pagkadismaya ko nang makita ang mga nakasulat dun.
Pa— ano? Teka— hindi nagbago ang grades ko, paano? Nag-aral ako, at— at sumunod din sa lahat ng sinabi ni Pa.....
"ANO?!" Biglang sigaw ni Papa. Nangilabot ako at nanginig dahil sa pagkabigla. Miski si Mama ay nagulat din, parehas namin hindi inaasahan 'yun.