XIV. Life partner?
Mukhang hindi lang ako ang nagiliw sa lugar dahil hindi rin magkamayaw sila Direk sa mga buhanging naroon.
Pare parehas lang pala kami. Akala ko kasi, ako lang ang naninibago sa lugar. Pati rin pala sila.
Kanya kanya nga itong post sa i********:, eh.
Madilim na noong natapos sa pagsho-shoot. Madami dami rin kasi ang scene roon. Gabi na pero parang walang kapaguran ang mga tao dahil nagyaya pa itong maglakad lakad patungo sa beach na katabi lang ng Kanaway, ang Salibungot Beach.
At dahil nga magkatabi lang ang dalawa ay golden sand din ang naroon. Hindi ko pa nga lang alam kung ano ang mas maganda dahil hindi pa rin ako napadpad ngayon.
Nang makarating kahit madilim na ay halos hindi pa rin kami makapaniwala, ang ganda rin sa lugar na ito!
Bagamat pareha ang kulay ng buhangin ay unique pa rin ang Kanaway at Salibungot sa isa't isa.
Ang Kanaway ay mayroong dalawang islet na siyang nabisita na rin namin kanina, ang Pulo at Manlanat Islet. Hindi rin nakalagpas sa amin kung gaano kaganda ang mga rock formation doon.
Dito sa Salibungot ay maraming mga pine na siyang mas nagbibigay kulay naman sa lugar. Sayang lang dahil gabi kami nagpunta rito dahil alam kong hindi rin magtatagal pero nakuha pa nila Direk AJ ang magpicture.
Lowtide rin kaya isa rin sa pinagkakaguluhan doon ay ang napakaganda nitong sandbar na nagpapakita lang sa ganoong panahon.
"No worries. Kung nabitin kayo ngayon, we have the whole day tomorrow. Napag-usapan na namin ni AJ na dederetso rin tayong Balesin Island," nangingiting sabi ni Josiah na naging dahilan ng pagiging maingay ng grupo.
"Really, Sir? Wow! I've read about the place, sabi raw maghorseback riding, kayaking, paddle boating, sailing, scuba diving, surfing and many more!" excited ng tugon ni Alice, well, mas nagmukha iyong sigaw.
Maya maya lang ay nagpasya na silang bumaling sa Kanaway para sa sari sariling kwarto roon. Hindi na natuloy ang plinanong camp fire dahil na rin siguro sa pagod.
Panibagong araw, panibagong kwarto na naman ang tutuluyan. Ganyan si Josiah mag-aksaya ng pera.
Well, alam kong tatabo rin ito sa takilya dahil sa magagagaling ang mga aktor na nakuha. At syempre hindi ko rin ipatatalo ang isinulat ko!
"—pwede ba, Ma?"
Nagpabaling baling ako agad at hinanap ang nagsalita. Si Ali iyon nakagagaling lang sa banyo at bihis na bihis na.
Ngayon kasi, hindi na trabaho ang pinunta namin. Andito talaga kami para mag-enjoy! Maski ako ay labis na natuwa sa bagay na iyon.
"Ano 'yun, 'nak?"
"Sasama po ko sa paghorseback riding, okay lang ba?"
Tumango na lang ako at dumeretso sa cr para maligo. Syempre, sasama siya dahil sasama ako! I wouldn't waste horseback riding for the world! Lalo pa at iyon ang magiging first time ko.
Pinili ko ang skinny jeans at puting kimono sleeves, iyon na lang kasi ang pinaka-kaswal na damit na mayroon ako. Nang makaligo ay wala na roon sa kwarto ang anak ko. Hindi na ako naantay dahil sumama na kay Kuya Baste niya.
Wala naman akong problema roon, mabuting tao rin naman si Baste. At dahil nagkasundo sila ni Ali ay hinayaan ko na ang dalawa.
"Thank you, Tanya."
Nanlalaki ang mga matang agad akong napasinghap. Paano naman kasi basta basta na lang sumusulpot itong si Josiah.
"Nakakagulat ka naman!"
Mula kasi sa resort kung saan namin piniling manatili ay kailangan pa naming maglakad ng kaonti para makarating sa lugar kung saan pupwedeng maghorseback riding.
"Bakit ka nagpapasalamat?" sabi kong muli nang napasing hindi na ito umimik.
"Wala, for coming with us. Alam ko namang hindi mo gustong kasama ako—"
I cutted him off. "Sino ang nagsabi nyan?"
Doon ay mabilis na sumilay ang mga ngiti niya, "Gusto mo ako kasama, kung gano'n?"
"Ha?!" nang marealize ko ang sinabi ay halos magdabog na ako at binilisan na lang ang paglalakad. "Ewan ko sa'yo!"
Papalayo ay hindi ko maiwasang hindi napangiti na agad ding naputol nang mismo sarili ko mismo ang pumigil doon. Ano bang nangyayari sa'yo, Tanya? Nakalimutan mo na ba ang ginawa sainyo ng lalaki iyan?
"Tanya!"
At talagang hinabol pa ako ng lalaking iyon, ha? Ano ba talaga ang gusto nitong mangyari?
"Ano ba kasi 'yun?" humarap ako sakanyang hindi pa rin napipigilan ang mga ngiti.
"Direk?! I'm sorry, akala ko si Josiah." makahulugang ngiti lang ang ibinigay sa akin ng direktor bago nagsimulang magkwento tungkol sa kung ano ano pang pinaplano nito para sa mga susunod pang eksena sa palabas.
Ilang sandali lang, nakarating na kami sa lugar. Walang kasing excited si Ali na namili na agad ng gagamitinf kabayo kahit hindi pa kami nabibrief.
Hinahayaan ko lang ito pero syempre, hindi ko pa rin winawaglitan tingin. May kalikutan din kasi ang anak ko, madalas kapag hindi napapagsabihan kaya hindi rin talaga ako pupwedeng makapante.
"You tired?" imbes na sumimangot ay mas lalo lang akong nagtaka sa sarili dahil ngiti rin ang sinukli ko sa pagngiting iyon ni Josiah na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
Umiling lang ako at bumalik na sa pakikinig sa briefing na ginagawa. Sinasabi roon ang mga hindi dapat at dapat gawin kapag nakasakay na sa kabayo, kung papaano ito kokontrolinnat marami pang iba.
"On this one, you'll go in pair. Para na rin po hindi mahirapan ang mga staffs ko na sundan at i-monitor kayo," sabi ng lalaking kanina pa nagsasalita.
Agad kong inilibot ang paningin para mahanap ang anak. Sigurado akong he would go into deep adventure kaya hindi ako ang pipiliing kapares nito. Lalo na kung ayaw niyang mapagsabihan palagi — nerbyoso kasi ako pagdating sa mga ganito dahil safety ni Ali ang pinag-uusapan.
"Tanya," natigil ang paghahanap ko sa anak ng sumulpot si Baste sa tabi ko. "Isasama ko si Ali, okay lang?"
"Ma, please? Promise I'll be good. Behave ako, Ma. Gusto ko lang na turuan ni Kuya Baste," paliwanag pa ng anak.
Well, wala rin naman akong matuturo sa anak ko kung kami ang magkapareha. Hindi ko rin naman siya maga-guide sa maayos na pagpapatakbo ng kabayo kaya tumango na ako. "Alright! Basta, Baste. Kapag may nangyari dyan anak ko, palitan mo 'yan. Gusto ko parehang pareha, ha?"
Nagtawanan pa ang mga ito bago magpaalam at magmadaling umalis para sa mga kabayo. Malaki na si Ali, onting buwan na lang darating na siya sa legal niyang edad.
Wala na akong mas maipagmamalaki pa sa sarili. Sobra sobra na para sa akin ang makapagpalaki ng isang anak.
Lalo pa dahil lumaki si Ali bilang matalino, mabait at magalang na bata.
"Hey, tayo na lang?"
Kunot noo naman akong bumaling sa lalaking katabi. Nawala na ang mga ngiti dahil sa anak.
"Anong tayo?"
Napakamot siya ng ulo bago magsalitang muli, "Magkapair?"
Sinuklay nito ang buhok gamit ang sarili nitong kamay at ngumiti ng malawak.
Hell. How can I save myself sa pamatay na mga ngiting 'yan, Josiah?
****
Malakas ang naging pagsigaw ko nang nagligalig ang kabayong sinasakyan ko. Idagdag pang medyo natatakot na rin ako kaya hindi na halos ako makagalaw.
"Tanya!"
It was Josiah, buong oras kasi ay nasa likod ko siya dahil buong oras ko lang din siyang sinusungitan. Of course! Hindi ako pwedeng makipaglapit. Hindi ako pupwedeng makipag-usap at makipagkwentuhan kahit naiisip kong magandang bagay iyon para tuluyan kong maiwala ang mga iniisip at takot sa hayop na sinasakyan.
Nasaan na kaya si Ali? Paniguradong enioy na enjoy iyon. Mabuting desisyon lang ang hindi nito pagsama sa akin dahil paniguradong baka hindi rin kami makagalaw dahil sa takot ko.
"Sir!" narinig kong tinawag ni Josiah ang isang guide kaya agad itong lumapit sa amin. "Paki-balik na lang po ang kabayo niya. Ako na lang po ang bahala."
Agad din tuloy na lumapit sa akin ang lalaki pagkatapos ay inalalayan ako sa pagbaba, iniliko ang kabayo at pinatakbo palayo roon.
"Now, what?! Pinakuha mo ang kabayo ko," matakang sabi ko. Magsisimula nang mairita. How dare him? Inaaral ko ang kabayo!
"Yup," sagot niya.
"Now? Ano, maglalakad ako rito habang kayo ang sasaya sa pagho-horse back riding?!"
Sumimangot ako, pinagkrus ang ma braso sa tapat ng dibdib. Andaya naman kasi! Takot nga ako but that doesn't mean na I can't do it!
"Sino ba magsabi sa'yong maglalakad ka?"
Lumapag ang tingin ko sa kabayong sinasakyan niya pagkatapos ay bumaling pabalik sa kaharap. "What?!"
"Sumakay ka na sa akin, Tanya."
Sa totoo lang, nagpanic na ako. Hindi na nga ako dapat nakikipaglapit sa lalaking iyan, eh! Bakit ba parang kalaban ako ng mundo?!
"At bakit ako sasakay sa'yo, eh hindi naman kalakihan 'yang kabayo mo! Hindi ako kakayanin niyan," dere-deretso kong sabi.
Huli na nang marealize ko kung bakit tumatawa nang tumatawa ang lalaki, "Bastos ka!"
Pinagpapalo ko na siya pero hindi pa rin nito napigilan ang pagtawa. "Wait up, Tanya!"
Ibinaba kong muli ang mga kamay ko at nanlilisik na tiningnan siya. "What?!"
"May ibibigay pala ako," sabi niya na siyang pinakatitigan ko lang.
Ano ang bibigay niya? Stress? Sakit? O sama ng loob?
"Here," kuminang ang mga mata ko nang mabalingan nito ang isang pulang parihabang box.
Inalabas niya roon ang isang magarang kwintas at isinuot iyon sa akin. Ni hindi ko magawang makapagsalita, this is... too much. Bakit ako bibigyan ng ganito ni Josiah?
Mabilis ang pagtibok ng puso ko pati ang paghinga. Ilang beses na rin naman ito nangyari sa akin dahil kay Josiah pero para bang mas hindi ko iyon mapigilan ngayon lalo na noong lumapit ito sa akin at naramdaman ko ang mainit nitong hiningang malapit sa leeg ko.
"P-Para saan 'to?"
Nakatalikod man ay ramdam ko mula roon ang pangngiti niya, "That's a symbolism, Tanya."
"Simbolismo ng alin?" hinarap ko ito at tinaasan ng kilay. Sabog ba ang lalaking ito?
Halos mapugto ang hininga ko nang itinapat nito ang mukha niya sa mukha ko at inilapit iyon, bahagya pa akong napaatras pero agad din itong naharangan ng mga kamay niya sa likod ko. "Na magiging akin ka."
***
Nang may mangyari sa amin ni Josiah kahit pa mga bata pa kami ay itinatak ko na sa sarili kong sakanya ako.
Kay Josiah lang ako.
Siya na ang unang nagmarka sa akin kaya alam kong siya na rin ang magiging huli. But then, bigla itong nagbago. Biglang isang araw, nagmistulang nawalan ito ng interes sa amin.. sa akin.
Biglang isang araw, magulo na ang lahat.
Biglang isang araw, iniwan niya na kami.
Mariin kong tinutop ang mga labi ko sa sinabing iyon ng kaharap. Buti na lang nagawa nang tumawag sa akin ng anak ko kaya hindi ko na kailangan pang isipin kung ano ang maaari kong isagot sa sinabi niya dahil ang totoo..
Hindi ko na rin alam.
Nitong mga nakaraang araw parang bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin. Kung noon, alam ko sa sarili kong kinamumuhian ko ang binata.. ngayon, hindi ko na alam. Hindi na ako sigurado.
"What's next?" excited na sabing muli ni Direk AJ. Napagpasyahan kasi muna namin ang mananghalian along with the cuisine na ipinagmamalaki ng lugar.
"Siguro, we'll try paddle boating. Ano sa tingin mo Sir Jo?" si Alice naman ngayon ang nagsalita. Kapwa nag-iisip ang mga ito kung ano ang maaaring isunod.
"Anything. Kung anong gusto niyo, walang problema." naghiyawan ang andoon. Nanatili lang rin akong tahimik. Nangingiti at paminsan minsan ay humahawak sa bagong kwintas na suot.
Hindi rin nagtagal nang ihanda ang mga pagkain, pinagmamasdan ko pa lang ang mga iyon ay halos manubig na ang bagang ko. Kumpleto kasi ang mga ito, mula sa appetizers hanggang sa desserts.
"Leche flan!!"
"Paki-abot nga ng leche flan, AJ."
Hindi man ako nakatingin sa mga kasama, alam ko na agad kung kanino galing ang mga boses na iyon kaya napapikit na lang ako.
I knew all along that leche flan is Josiah's favorite. Kaya lang, nagkataong iyon din ang paborito ng anak ko.
Maraming gustong pagkain si Ali, pero makikipagpatayan iyan panigurado para sa isang leche flan.
"Mine. I got it first," natatawang agad na kinutsara ni Ali ang pagkain at pinainggitan pa si Josiah. Hindi pa iyong tumigil hanggang hindi ko pinandilatan.
Walang nagawa roon si Josiah, pero duh? Pwedeng pwede naman siyang mag-order ulit pero hindi niya ginawa. Iisa lang kasi ang naroon dahil promo umano iyon ng restaurant.
Napailing na lang ako kay Ali na hindi pa rin makamove-on sa kakatawa.
Akmang kukuha ako ng pagkain noong abutan ako ni Josiah ng crabs. Nasa magarang stainless na lagayan ito na agad ko ring inilayo sa akin.
"Allergic sa crabs ang mommy ko."
Sinubukan ko na lang ngitian si Josiah. Pati ang bagay na iyon ay hindi na niya talaga maalala.
Paborito rin niya alimango and as much as we want to eat that food together, eh hindi naman namin magawa dahil allergic nga ako. Naalala ko ang ilang beses na crab party namin kasama si Isiaah na wala naman akong nakakain na isang alimango. Ganoon lang, chips at bread lang ang madalas na kinakain ko.
Napangiti na lang ako nang maalala ang maliit na memoryang iyon sa isip.
"Your necklace is stunning, Tanya. Parang hindi ko naman 'yan napansin kanina," biglang saad ni Direk dahilan para matalim na tingnan iyon ni Ali.
Ramdam ko ang matagal na pagtitig niya roon pagkatapos ay agad na binalingan si Josiah. "A-Ah.. ano."
"Bigay ko." laglag ang panga kong hinarap si Josiah. How dare he say that? Alam niya namang iba ang magiging reaksyon ng anak ko tungkol doon!
"Wait. Are you... two—"
Direk AJ was cutted off by my son, "Of course not! 'Di ba, Ma?"
Hotseat! Pakiramdam ko tuloy gusto kong biglang umalis sa upuan ko at tumakbo.
Bakit ba naiipit ako sa sitwasyong ito? Paniguradong nanggagalaiti na iyan si Ali!
"Ali, liligawan ko si Tanya."