Epilogue "Teka, bakit puti? Akala ko ba debut ko 'to?" patawa tawa kong sabi habang iniikot ko ang paningin ko sa suot. Medyo bongga nga ang design pero dahil si Cassie ang nag-ayos ay wala na akong naging reklamo. Ilang ulit ko na ngang sinabi sakanyang gawing simple ang damit ko, marami pa ring tsetseburetse. "Puti para maiba naman! Saka, engrande itong 40th birth—" "Gaga ka! 36 pa lang ako!" Bumungkaras lang ito ng tawa. Hindi ko na lang ito pinansin at itinuon ko na lang ang pansin sa susuklay ng buhok. Ngayong araw ang ika-tatlumpung anim na kaarawan ko. Si Cassie, mama at papa at saka si Ali ang nag-ayos ng lahat. "Eh, mukha naman akong ikakasal!" reklamo ko pa pero hindi naaalis ang ngiti sa mukha ko. Nakakatawa lang, noon pa man kasi ay pinagpaplanuhan na naming maigi ni

