Prologue
"Ano ba, Tanya? Hindi ka pa rin ba titigil sa pagwowork-out mo?" inis na sabi ni Cassie sabay kagat sa pabirito niyang burger. It is full of veggies pero tinadtad din naman sa beef at bacon.
"Okay naman na ang katawan mo, eh. You look so fine! Eh, mukhang magkapatid nalang kayo ni Ali." inihinto ko ang pagbubuhat ng weights saka inabot ang bote ng tubig.
"Cassie, mine-maintain ko na lang naman. Besides, ayoko nga maging losyang pagkasama ko yang si Ali." Kumunot ang noo ni Ali nung tiningnan ako, umiiling-iling.
"Mom, I told you. You're beautiful even without all of that." ginagaya-gaya ko ang ekspresyon ng mukha ng anak ko habang tumatawa.
"Magsama nga kayo dyan! Bibili akong frappe. Bye!" padabog na umalis si Cassie.
"Bitter kasi mukha ng losyang."
nagtawanan kami ni Azi.
"Bruha, narinig ko 'yun!" pahabol niya pa.
The cycle continues hanggang sa madaling natapos ang weekend. We went to the gym in the morning then have groceries para iluto ko sa condo. Bumili na rin kami ng mga supplies ni Ali since their class will start this morning. Grade 12 na siya, taking STEM. Nasa sala kami ngayon at mula rito ay natatanaw ko si Azi na nag-aayos sa harap ng salamin.
He grew up so fast and so fine. Naalala ko noong unang linggong nakakasama ko siya, nahahawakan. At just a matter of time, ito na siya. Graduating sa highschool. My big boy.
He's 17 pero mas matangkad na siya sakin — a big time. Sporty rin itong anak ko kaya nagkakasundo kami pag dating sa mga outdoor activities. Kaya lang totoo talaga sinasabi nila, 'no? Na once na lumaki na yung mga anak natin, mas mamimiss natin yung kakulitan nila dati. Though, sweet parin naman sakin si Ali, may mga bagay parin na itinatago niya sa sarili niya lang.
"Ma, ano? Okay ba?" tumango ako.
"Oo 'nak. Ang gwapo gwapo mo lalo with your uniform. Behave ha... ayokong mababalitaang may chicks agad within one week." sumimangot siya.
"Ma, naman. You know I don't play with girls," natawa ako nang bahagya. Kung mayroon mang nakuhang ugali si Ali ngayon sa tatay niya ay iyang pagiging respectful niya lalo na sa mga matatanda and girls.
I don't regret having this boy. Siguro sa tulong na lang ng pamilya at kaibigan ko ay mas napalaki ko siya nang maayos.
"Anyways Mom. When can we visit lolo and lola? It's been 5 months, I miss them so much. Saka yung mga kaibigan ko rin doon sa Quezon."
His lolo and lola, my parents, ay nagseparate na rin samin noong ipinagbubuntis ko si Ali. In fact, they don't like the idea of pursuing this child before. Sabagay, masyado pa kasi akong bata. I was only 16 when I give birth to Azi. Muntik pa ngang magkaproblema sa safety naming dalawa ng anak ko pero awa ng Diyos ay naayos naman. It was a painful but normal delivery. Kung paano? Hindi ko na rin alam.
"We will. Siguro by next month. Come on, focus ka muna sa school." kinuha ko yung mga files na kailangan kong dalhin sa opisina. Flashdrives, portfolios.
Hinatid ko si Ali sa school niya at pagkatapos ay tumulak naman ako sa aming opisina. Since noong nabuntis ako, I stopped my studies. At swerte ko na lang na may ibang acquaintances sila mama na nagwowork sa path na gusto ko. Nakiusap silang ipasok ako, and after they've read all my works before, pumayag naman sila. I was a part time writer at 16. Sa bahay lang ako, tuwing may natatapos akong libro ay isinasubmit ko siya sa board, minsan ay nagugustuhan. Minsan, hindi rin. But it made me concrete about what do I really want in life.
Gusto kong magsulat. Kaya hindi ako tumigil doon. Pagkapanganak ko kay Ali ay minabuti kong bumalik sa pag aaral. Si mama na muna ang nag alaga noon sakanya, natanggap na rin nila ang sitwasyon ko noon dahil daw kay Ali. It didn't bother me at all. Alam kong may kasalanan din ako. Pero i'll never regret having my Ali.
Natapos ko ang kolehiyo, at ngayon may stable job nadin ako as an Interior Designer.
"Miss Tanya, pinapatawag po kayo ni Mr. Andrade. Asap daw po." sinunod ko ang sinabi ng sekretarya ni Mr. Andrade at tumulak sa opisina nito.
Mayroong naging malaking ambag si Mr. Andrade sa aming dalawa ni Ali. He helped me in figuring out what I really want. Ang sabi niya, my hands daw are useful. Magaling daw akong gumuhit at magsulat kaya gamitin ko daw iyon. Para kay Ali.
"Mr. Andrade, good morning."
"Have a seat, Tanya.." Itinuro niya sa akin ang upuan sa harap niya. Napalunok ako. This is up to something important, yes?
"So this one company, supplier of books, emailed me. At hinahanap ka nila. They need you to be their speaker on their upcoming event. Actually, madami naman kayong kinuha. Naisip ko Tanya, mas magiging mabuti to para mas pumalo sa takilya yang mga sinusulat mo."
Magandang opportunity nga ito, kaya lang, ayoko namang iwan si Ali mag isa sa bahay pag nagkataon, kakaumpisa pa lang naman ng klase at syempre I wouldn't miss his exciting stories. Nasanay na rin kasi kaming ganito ang ginagawa twing simula ng school year.
Ang mga gantong event ay paniguradong aabutin ng gabi at ayokong mag isa si Ali sa condo ng ganoong oras. Wala naman akong pwedeng suyuin para magbantay dahil lahat ay may kanya kanya ring trabaho.
"Actually, your pass is open for two. So you can really bring Ali." mabilis na namilog ang mata ko. Hindi pa ako nagsasalita tungkol sa mga kailangan ko ay may solusyon na agad.
"Nako! Thank you, Sir! Iga-grab ko po ito dahil may tinatapos po akong libro ngayon. Makakatulong talaga siya, Mr. Andrade. I don't know po kung pano kita pasasalamatan, thank you po talaga." tumango-tango ito at sinabihan akong maghanda ng speech dahil sa Friday na ang event.
Bumalik ako sa opisina ko para ifinalize din ang mga report na inassign sa akin ng big boss. Pagkatapos nito, kailangan kong bumili ng iilang gamit sa bahay.
Madaling nakunsumo ang oras kaya pababa na ako ngayon para makapag lunch. Kapag ganitong may pasok si Ali at ganon din ako, hindi kami nakakapagsabay maglunch.
Syempre dahil kahit naman bine-baby ko 'yan si Ali, ayoko pa rin namang masakal siya sa akin.
Nasa labas na ako nung biglang tumunog iyong cellphone ko, it's my baby!
"Baby?" pambungad ko rito. Ano kaya ang nangyari? Bakit ito tumawag?
"Mom, where are you?" boses palang nito halatang masaya na. Hindi ko maiwasan ang hindi maging emosyonal.
Ali is growing up very fine. Nakakaproud na napalaki ko siya nang maayos kahit ako lang mag-isa; at syempre kasama sila mama at papa pati sila Cassie.
"Eto, naghahanap ako ng place for lunch. Ikaw? Done with your lunch?" sagot ko.
"Mom! 'Di ba maglulunch tayo together? I'll send you a place, I'll wait for you." pinatay niya na yung tawag bago pa ako makapagsalita. Ang batang iyon talaga.
Ganyan talaga yan maglambing. Kung gaano ko naman kagustong hayaan siya with his own life, siya naman mismo ang siksik nang siksik ng sarili niya.
But he's very independent pa rin. Marunong pa rin siya magdecide on his own, gumawa ng household chores and all. During my off, at natagpong weekdays he'll make me sit all day tapos siya na raw ang bahala sa lahat.
Dumeretso ako sa parking para kunin yung sasakyan tapos pinuntahan ang lugar na tinext niya.
Nang makarating ako, minabuti ko ng kumilos nang mabilis, limitadong oras lang naman meron kami ng anak ko ngayon.
"Aray!" daing ko noong isang siko ang tumama sa braso ko. Agad kong nilingon ang lalaki para sana pagsabihan.
Pero nawala ata ang lakas ko na yun when I saw the same eyes na mayroon kay Ali.
No way.
"I'm sorry, miss." tumingin ito sa akin saka ngumiti. Nanatili naman ang mga tingin ko.
Miss? Imposible.
"It was nice bumping into you, though." ngumiti itong muli saka nagpaalam.
Ngayon na lang ulit, ngayon na lang ulit nagmistulang karerahan ng mga kabayo ang puso ko. That guy!
Paanong tinawag niya akong 'miss'? Hindi niya na ba ako natatandaan? Well, 17 years na rin iyon. Hindi ko siya masisisi kung hindi pero siya—simula sa mga mata nito, ilong, labi hanggang siguro sa paa alam ko. Kahit may mga pagbabago sa physical appearance, siyang siya pa rin ang nakikita ko.
Ang 18 years old na Josiah.